Chapter 35-Worried-

40 2 0
                                    

Serendipity POV

"Halika dito! Ako mauunang mamatay dahil sa mga pinag gagagawa mo! Papatayin nalang din kita!" Inis kong sabi habang kinakaladkad siya papunta sa loob ng bahay

Gulat na gulat namang nag silipan mula sa second floor sina Achilles, Dionysus at Euphoria.

"Kuya!" Umiiyak paring sabi nito

"Damari?!" Sigaw ni Achilles at Dionysus

Pareho pa silang unahan pababa sa hagdan. Wala na ring nagawa pa si Euphoria kaya napababa na rin ito ng de oras.

Agad ba nilayo sa akin ni Euphoria si Damari at pinaupo ito sa sofa. Lumapit naman si Achilles kay Damari at pinisil ang pisngi nito.

"Ano ba! Masakit ah!" Inis na sabi ni Damari

"Totoo ka!" Saad ni Achilles

Napapikit ako sa inis dahil totoong nandito talaga ang bunsong kapatid ko. Aambahan ko sana ito ng batok kaso pinigilan ako ni Dionysus.

"Bakit ba galit na galit ka sa kapatid mo?" Tanong ni Dionysus

Lahat sila ay tumingin sa akin dahil sa tanong ni Dionysus. Naihilamos ko tuloy ang dalawang kamay ko sa mukha ko. Pinipigilan kong wag maluha pero wala, naluluha na ako.

Hindi alam ni Damari kung anong kabang dumapo sa akin kanina. Kung pwede ko lang patayin ang lalaking mortal na iyon dahil sa balak niya kay Damari ay ginawa ko na.

"Hindi ka dapat nandito, Damari." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa akin, "Paano kung wala ako kanina? Paano kapag bigla ka nalang pinatay ng lalaking iyon dahil pumalag ka?!"

Tinapik tapik naman ni Achilles ang balikat ko upang kumalma ako. Napatalikod ako sa kanila para mas lalong punasan ang luhang patuloy na tumutulo sa mata ko.

"Intindihin mo ang galit ng kuya mo, Damari. Hindi ka naman talaga dapat nandito. Dinagdagan mo lang ang problema ng kuya mo dahil dyan." Malamig na pagkakasabi ni Dionysus

"Teka nga. Tama na ang pag aaway. Walang magagawa ang pag aaway." Awat ni Euphoria "Halika dito umupo ka sa tabi ko, Totoy."

Inis ko naman itong nilingon dahil tinawag na naman niya ako noon. Wala akong magawa kung hindi ang umupo sa tabi niya, kaharap ko si Damari na nakayuko at umiiyak parin.

Nakigaya naman si Dionysus at Achilles at naupo sa tabi ni Damari.

"Bakit ka ba nandito, Damari? Hindi sa nangingielam ako pero totoong madadagdagan ang problema ng kuya mo sa ginawa mo." Mahinahong sabi ni Euphoria

Nag punas ng luha si Damari at tumingin sa amin.

"Kaarawan ko po bukas Ate. Saktong may nakaiwan ng lagusan papunta dito sa mundo ng mga tao kaya naman napag pasyahan kong mag punta dito. Natatandaan ko ang lahat ng kinuwento ni kuya Yarris kaya nalaman kong malapit lang sa park na iyon ang bahay na ito." Paliwanag ni Damari

Napabuntong hininga ako dahil doon.

"Pero mali parin iyon. Hindi ka nag paalam sa magulang mo ng maayos. Paniguradong hahanapin ka nila lalo pa at bukas pala ang birthday mo." Saad ni Euphoria, pilit na pinapaintindi kay Damari ang lahat

Bigla ay naramdaman ko ang kamay ni Euphoria na hinawakan ang kamay ko. Pinisil niya rin iyon kaya napakalma na ako.

"Uuwi ka bukas, Damari." Utos ko

Tumango tango naman ito bilang tugon.

"Oo Kuya. Sorry na. Bati na tayo, please?" Nag mamakaawang sagot ni Damari

Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon