Serendipity POV
"Okay! Let's say pareho niyo ngang gusto ang isa't isa. Pero may label ba kayo? Hindi naman kayo eh." Pang aasar ni Achilles at ngumisi pa
Nag lalakad kami nila Achilles at Dionysus papunta sa open field ng sabihin niya yan. Kaagad kong sinipa ang pwetan nito pero nakaayos rin naman ng tindig. Tatawa tawa naman itong tumingin sa akin.
"Ano bang pake mo?! Hindi naman mahalaga ang label! Gusto niya ako, gusto ko siya! Yung feelings ang mahalaga! Aba meron nga dyan nababasa ko sa internet, sila pero yung isa iba pala ang gusto, mas lugi iyon diba?" Pag depensa ko
Pumalakpak naman si Dionysus na para bang nakarinig ng pinaka magandang talata sa buong buhay niya. Ang o.a.
"Napakaganda ng punto! Pero may kulang…" Saad ni Dionysus
Nakarating na kami sa mga upuan at umupo kami doon. Para kaming tanga ni Achilles na nag aantay ng sagot.
"Anong kulang?!" Sabay pa naming sigaw ni Achilles
Napabuntong hininga si Dionysus sa aming dalawa ni Achilles. Sumandal pa ito sa upuan at inilagay ang dalawa niyang kamay sa likod ng ulo niya.
"Ang basbas ng magulang mo, Serendipity." Napatawa ito ng kaunti, "Iisipin pa nilang ginagawa mo talaga silang biro dahil ginusto mo ang isang mortal at iyon pang problema ng buong Light Throne. Wala akong alam masyado sa pag ibig pero sa tingin kailangan mong pag handaan iyan. Magiging mahirap iyan dahil alam nating tatlo na tutol ang langit sa ganitong uri ng pag mamahalan." Paliwanag ni Dionysus
Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ni Dionysus. Naisip kong balewala ang pagkagusto namin sa isa't isa dahil sa batas na iyon. Wala naman akong planong sumunod sa batas, iyon nga lang talaga magiging sobrang hirap ang proseso.
Tinapik ako sa balikat ni Dionysus at ngumiti, halatang nang papalakas ng loob.
"Wala naman akong sinabing itigil mo. 'Wag ka rin mag alala dahil kasama mo kami ni Achilles dito." Saad ni Dionysus at tumingin kay Achilles
Tumango tango pa nga si Achilles.
"Hindi sa kinukunsinti ka namin, Serendipity. Nakita namin ang naging pag babago mo dahil kay Euphoria. Nagiging mature ka na dahil sa mga problemang kinakaharap niya. Dagdag pa dito, nagiging masayahin ka na kapag dumating ang oras na kayo nalang dalawa ni Euphoria. Mas mabuti ka na kaysa dati." Masayang sabi ni Achilles
Napangiti ako dahil sa sinabi nilang dalawa. Nihindi ko nga napansin mg ganoon na pala ako. Kapag talaga umiibig ka ay unti unti kang mag babago ng hindi mo namamalayan.
Aminado kasi akong bugnutin ako dati. Maski mga estudyante sa ESA ay takot sa akin dahil ginagamit ko ang kapangyarihan ko para manakit ng immortal.
Ngayon hindi na ako nananakit ng wala lang. I make sure na may rason para manakit. Syempre kailangan ko ring ipagtanggol ang sarili ko pati narin ang nasa paligid ko.
Si Euphoria.
Napangiti tuloy ako dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang ipinagtanggol. Kapa nalang ang kulang at pwede na akong matawag na super hero.
"Ayan. Ayan yung side effect ng pag ibig. Palaging nakangiti na parang baliw." Saad ni Achilles at tumawa pa
"Hindi na iyon 'parang' Achilles. Baliw na talaga siya. Pero sige okay na rin yan, Prince." Saad ni Achilles
Aamba palang ako ng hampas ay sabay na silang umiwas. Napangis tuloy ako dahil doon.
"Iniintay kong mag away nalang kayong dalawa. Dahil si Achilles may gusto kay Damari, si Damari gusto si Dionysus. Mag hahanda ako ng pop corn para dyan, magandang palabas iyan." Natatawa kong sabi
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...