Serendipity POV
"Can I call this a good day dahil di na tayo pinag linis ng gym?" Tanong ni Achilles habang nag babasa ng libro
Nandito kami ngayon sa tambayan namin. It's just for us.
"Hell yeah, dahil may final physical exam pa tayo bukas. We need some rest." Sabi ni Dionysus habang nag lalaro video games na nakaconnect sa malaking screen
As for me, nakahiga lang ako.
"Wala namang klase ngayon, baka pwede tayong uminom?" Saad ko
Hindi ako nakatikim ng wine na ginawa ni Dionysus eh!
"Wag na. Mamaya makita pa sa test na uminom tayo. Tatalsik tayo sa top three." Sabi ni Achilles
He has a point.
Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto. Awtomatiko kaming napalingon dahil walang nangangahas na pumasok dito maliban nalang kay...
"Princess Damari!" Bati ni Achilles
Sinamaan ko naman ng tingin si Achilles at agad nitong tinaas ang kamay niya kunwaring sumusuko.
"Bakit ka na naman nandito ha?" Iritang tanong ko
She rolled her eyes.
"Kuya Yarris is here. Gusto niya daw mag dinner kasabay tayo. Accept it dahil alam mo namang di siya titigil hanggat di ka napayag." Sunod sunod na sabi ni Damari
"Hays! Nakakainis talaga siya!" Inis na sabi ko
Damari laugh.
"Mag bati na kasi kayo. Six years na ang nakakalipas oh. Ang corny mo eh." Sabi ni Damari
Ngumisi ako dito.
"Tigilan mo na yang pag papantasya mo, Damari. Yung maging kayo ni Dionysus ay posible pero ang mag kabati kami ni kuya Yarris ay hindi na mangyayari." Saad ko
Tumayo na ako sa pagkakahiga at nag ayos ng sarili.
"Susumbong kita kay Mommy! Pinapahiya mo ako!" Sigaw ni Damari sa akin
Tinawanan ko lang ito.
Alam naman kasi ni Dionysus na may gusto sa kanya si Damari pero di niya lang yata pinapansin. Si Achilles naman may gusto sa kapatid ko.
Basta kay Nathalia lang ako.
Mabilis kaming nakadating ni Damari sa dinning hall ng ESA. Every student is staring at us. Lumapit agad ako sa kinauupuan ni kuya. As usuall, si Damari ang nasa tabi niya at nasa tapat lang ako nila.
"What do you need again kuya?" Walang emosyong tanong ko
I look at his eyes. They're about to cry. But he will not do it. Dahil..
"If I cry in front of him, he will know that he is my weakness. I need to protect him." Saad ni kuya sa isip niya
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
"Gusto ko lang makasama kang mag dinner bago ang physical exam mo bukas. Iniorder ko ang paborito mong pagkain." Sabi ni kuya
Wala na akong nagawa kung hindi ang kainin yun. Tahimik lang ako dahil sila lang ni Damari ang nag kwekwentuhan.
"Kuya, bakit ka nandito? I mean, hindi ba busy sa palasyo?" Tanong ni Damari
Ngumiti naman si kuya sa kanya.
"Kasi gusto kong makita ang physical exam ni Serendipity." Nakangiting sabi ni kuya
Alam ko namang ipag kukumpara niya lang ang lakas ko sa lakas niya.
"Edi nandito din si Mom and Dad bukas?" Tanong ulit ni Damari
Umiling si kuya Yarris.
"May problema pa silang inaayos. Ako muna ang manonood." Sabi ni kuya Yarris
Ganyan naman sila eh. Noong physical exam ni kuya ay nandoon sila, pero kapag sa akin wala na.
Tumayo na agad ako.
"Tapos na akong kumain. Nakita mo na din ako. Siguro naman pwede na akong umalis dito? Nasusuka ako sa kapekean niyo eh." Sabi ko
Tumalikod na ako at umalis.
"Kuya Serendipity!" Tawag pa ni Damari
Mabilis akong gumamit ng banishing ability. Hindi ako dumiretso sa dorm pero sa bookshop ng ESA.
Naging tambayan ko na ito dahil minsan di kami mag kakasama nila Dionysus at Achilles. Pinag hiwahiwalay kasi kami ng klase dahil masama daw kaming mag sama sama sabi ng mga magulang namin.
Papasok sana ako sa shop ng may marinig ako.
"Siguro kaya nag aaway si Prince Serendipity at Prince Yarris ay dahil kay Professor Nathalia." Sabi ng isang babae
Ginamit ko ang air element ko at naging invisible.
"Nag taka ka pa. But I will bet, si Prince Yarris ang papayagan pakasalan si Professor Nathalia. They are in same field. Prince Yarris carry a blood of wizard and black magic user. Professor Nathalia is a witch. They are good." Sabi pa ng isang babae
I don't know kung anong irereact ko. I hate this fact na maaring mangyari iyon. Pero pipigilan ko yon.
Pumasok ako sa bookshop at tumingin ng libro. Nagulat ako ng mamataan ko si Hansley. Anak siya ni Uncle Troy at Auntie Fresian. Nag tatrabaho din siya sa palasyo bilang part time.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko
Pinag papawisan pa nga ito kaya mas lalong nakapag tataka.
"W-wala naman mahal na prinsipe." Sabi niya
Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang mga libro. Guguho sana ang libro pero agad ko itong naagapan.
I cross my arms and look at him.
"What the hell is happening, Hansley?" Seryosong tanong ko
Kinapitan ko ito at inilabas sa bookshop.
"Pinadala ka ba dito para bantayan ako?" Tanong ko
Tumango ito.
"Bakit? Ano bang nangyayari sa palasyo?" Tanong ko
"H-hindi ko po pwedeng sabihin hanggat hindi niyo natatapos ang physical exam niyo." Saad ni Hansley
By looking at him alam kong hindi normal ang nangyayari sa palasyo.
"Mag iingat po kayong tatlo nila Prince Dionysus at Prince Achilles. Masama po ang nakikita kong kapalaranan niyo." Sabi nito
Kunot noo akong umalis sa harap ni Hansley.
Masamang kapalaran? Babagsak ba kami sa exam bukas? May mangyayari bang masama bukas sa palasyo? I'm sure maagapan nila Mom and Dad yun.
Bigla kong naalala si kuya Yarris. Ang mata niya kanina habang nakatingin sa akin. Isa ba yoon sa dahilan?
Isa lang ang makakasagot sa mga tanong ko.
Si Master Zeus.
Gumamit ako ng banishing ability para makadating agad kay Master Zeus. Agad akong pumasok sa opisina niya.
"Talaga naman, Serendipity! Ano na naman ba ang kaylangan mo?" Tanong ni Master Zeus
Umupo ako sa upuan sa tapat ng table ni Master Zeus.
"Ano ho bang nangyayari sa palasyo? Bakit tikom ang bibig ni kuya at ni Hansley?" Tanong ko
Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Master Zeus.
"Sa pagkakataong ito, hindi kaya ng mga magulang niyo ang trabahong dadating. Kaylangan na nila ng kaagapay." Sabi ni Master Zeus
Hindi ko maintindihan! Dapat mas malakas na ngayon ang pwersa nila dahil apat na kaming Elemental holder.
"Hindi lang sa mundong ito ang trabaho. Maging sa iba pang mundo." Sabi ni Master Zeus
Iba pang mundo?
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...