Euphoria's POV
"Tigilan mo nga ang kakatitig sa akin! Naiirita ako sayo!" Inis kong sabi kay Kille
Paano kanina pa nakatitig sa akin. Ayaw ko pa naman ng tinitignan ako habang kumakain.
"Ang sarap pala mag hapunan kapag kasabay mo 'yung fiancé mo." Nakangiti niyang sabi
Napangiwi ako sa sinabi niyang iyon. Kung siya ay natutuwa, ako nasusuka. The fact that I will be part of their family make me sick. Pero kailangan kong tiisin para sa ikabubuti ng lahat.
"Mag hugas ka ng pinggan." Saad ko at tumayo na
Inilagay ko sa lababo ang pinagkainan at lumabas para mag tungo sa veranda. Tinanaw ko ulit ang mga bata sa labas. Kahit gabi na ay nag lalaro parin sila. Mabuti at may ilaw naman sa kalsada kaya natatanaw ko sila.
"Hey." Tawag sa akin ni Kille
Kaagad ko itong nilingon dahil alam kong mangungulit lang ito kapag hindi ko siya nilingon. Laking gulat ko naman ng makitang nakaluhod ito.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko
Bigla ay inilabas niya ang isang box at binuksan iyon. Nag lalaman iyon ng singsing. Pula at itim ang kulay nuon at may disenyo iyon ng marka ng Guardians. Inilabas niya iyon sa kahon at itinapat sa akin ang singsing.
"This ring is from my grandmother, Euphoria. Will you accept it?" Saad ni Kille
Ikinagulat ko iyon. Kung galing iyon sa lola niya ay ibig sabihin mahalaga iyon sa pamilya!
"I am not worthy for that ring, Kille. Alam mo namang pakakasalan lang kita para sa layunin ko. Para 'yan sa babaeng totoong mamahalin ka. Hindi ko matatanggap 'yan." Saad ko
Ngumiti siya at tumayo sa harapan ko. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at tumingin sa akin.
"Will you marry me?" Tanong ni Kille
Napangiwi ako doon.
"Alam mo na naman ang sagot ko eh bakit mo pa ako tinatanong?" Naaasar ko nang sabi
Bigla ay isinuot niya ang singsing sa akin at inakap ako ng mahigpit.
"I am willing to help you now, Euphoria. I will help you at all cost. Tutulungan kita kahit ikasama ko pa." Saad niya
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ni Kille. Iba rin ang pagkakayakap niya sa akin, para bang ipinagkakait ako sa kahit sino. Dahil doon ay nag taka ako.
"Anong nangyayari, Kille? Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo? Bakit mo sinasabi ang lahat ng 'yan?" Tanong ko
Mas humigpit pa ang yakap niya at hindi ko inaasahan iyon.
"Pareho nating gusto ang kapayapan. Sabay nating abutin iyon. Hindi kita iiwan hanggat hindi mo nakukuha 'yon." Seryosong saad ni Kille
Naninibago na naman ako sa kaniya. Itong version ay ang malambot na version niyo niya. Ibang iba kapag kaharap niya ang pamilya niya.
Kumalas ako sa pag kakaakap niya para harapin siya. Tinagpo ko rin ang seryosong tingin niya.
"Kille, nalilito na ako sayo. Hindi ko alam kung kakampi ba kita o kaaway. Ano ba? Pinag titripan mo na naman ba ako? Para saan ito?" Nalilito kong sabi
"Nalilito na rin ako simula noong dumating ka. Dati okay lang sa akin ang mga ginagawa ng magulang ko. Dati ginagawa ko ang trabaho ko sa pamilya ko ng walang kahirap hirap. Pero noong dumating ka binago mo ang pananaw ko. Ngayon handa na akong talikuran ang mga masasamang gawain ko." Saad ni Kille
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...