Serendipity POV
Weeks passed and things are getting weirder. Naging busy kaming apat, kaming tatlo ay dahil sa school at si Achilles naman ay dahil sa trabaho niya. Simula ng umalis si Damari ay hindi na kami nakapag usap ng kumpleto. Palagi nalang wala si Achilles at gabing gabi na umuuwi.
"Sigurado akong umiiwas sa atin si Achilles." Saad ni Euphoria
Nag lalakad kaming tatlo papasok sa grocery store. Bibili kami ng mga goods dahil malapit nang maubos ang stock.
"Or baka sa akin lang. He handed out my gift for Damari. I'm sure." Nakangising sabi ni Dionysus
Napa "oh" naman ako. Nilingon ko tuloy si Euphoria kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Bakit? Ayaw mo bang ibigay sa kaniya iyon?" Tanong ni Euphoria
Tumango tango si Dionysus ng may pagkadismaya sa mukha niya.
"You should thank Achilles then. He did what you can't do. You're so torpe kasi eh." Natatawa kong sabi
Naramdaman kong kinurot ako ni Euphoria sa tagiliran kaya naman napatagilid ako ng konti. Pinukulan ko siya ng tingin at sinamaan niya lang ako ng tingin. Ngunguso sana ako kaso mas sumama ang titig ni Euphoria.
"Eh bakit ayaw mo ba ibigay?" Tanong ni Euphoria
Napangiwi si Dionysus dahil doon.
"I…I confessed my feelings through a letter that is inside that freaking box." Dismayadong sabi ni Dionysus
Hindi ko napigilan ang tawa ko kaya humalakhak ako. Halos hawakan ko na ang tiyan ko dahil sa pag tawa ko.
"Ano ba totoy! Tigilan mo nga kakatawa kay Dionysus! Mas maigi pa nga yung paraan niya kaysa sayo eh!" Pansasaway sakin ni Euphoria
Kaagad na nag bago ang mood ko. Ito na naman ang pag kukumpara niya sa akin at kay Dionysus. Ayokong ayokong nakakarinig ng pag kukumpara.
"Shit!" Inis na sabi ni Euphoria, tumalikod nalang ako at nag punta sa ibang stand, "Serendipity!"
Pinili kong mag lakad sa kasalungat nila. Tahimik akong namili ng mga kakailanganin ko at nag lakad lakad pa para mag hanap ng mabibili.
"Bakit hindi mo tularan ang kuya mo?! Napakapasaway mo!" Sigaw ng isang babae na nasa 30's na yata ang edad
Napakurap ako doon. Parang naririnig ko ang boses ng Mommy ko.
Kaagad akong lumapit sa nanay na pinapagalitan ang isa niyang anak.
"Misis hindi po ganiyan ang pag papalaki ng anak. Hindi niyo po dapat ikinukumpara ang isang bata sa iba. Pwede niyo pong madamage ang emosyon ng bata." Wala sa sariling sabi ko
Sinamaan ako ng tingin ng nanay at inilagay sa likod ang dalawang anak niya.
"Ginagawa ko iyon para mas maging matatag at matino siya. Kung hindi siya titino ay patuloy ko siyang ipagkukumpara sa iba't ibang bata." Saad ng nanay at hinila na paalis ang mga bata
Bakit ba napakapakielamero ko?!
Inis akong nag martsa papunta sa counter at binayaran ang mga binili ko. Paglabas ko ay naabutan ko sina Dionysus at Euphoria na nag aantay. Pareho ko sana silang lalampasan pero kinuha ni Euphoria ang kamay ko.
"Ako ang nililigawan mo okay?" Saad ni Euphoria
Nag igting ang panga ko dahil narealize kong tama siya. Hindi ko alam pero nagiging madamdamin talaga ako pag dating sa kaniya. Nakakahiya ang inaasal ko sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...