Chapter 23-Unexpected-

47 2 0
                                    

Serendipity POV

Ilang oras kaming nag impake ng mga gamit namin. Ngayon naman ay nasa grocery store kami para mamili ng mga babaunin namin bukas.

"Gusto mo ng yakult?" Tanong sa akin ni Euphoria at iniangat pa yung inumin na yun

Kunot noo ko siyang tinignan dahil sobrang lapit niya sa akin!

"A-ano ba yan? Mukhang di masarap!" Saad ko at inilayo ang tingin sa kanya

Tinulak ko siya ng bahagya at lumapit doon sa ibang stand. Kumuha ako ng mga personal hygiene namin.

"Masarap ito promise! Lagi ko kaya itong binibili nung bata pa ako. Kapag 'di ako okay ito iniinom ko eh." Sabi ni Euphoria na nakangiting nakatitig sa akin

Base sa nakikita ko sa mata niya hindi talaga siya okay. Marahil dahil sa nangyari kaninang umaga.

She's the girl who will force a smile to cover her sadness. She forgot that the eyes never lies.

"Hindi mo na kaylangan ng yakult para maging okay. Nandito ako para gawin kang okay." Sabi ko at kinuha sa kanya yung yakult na yun tapos binalik sa shelf.

Tumingin ako sa ibang beverages tapos nakita ko yung color pink na bote. Bagay na bagay sa kanya kasi cute siya.

Cute?! Where did you get that idea, Serendipity?!

Nilagay ko iyon sa cart at nag patuloy sa pag hahanap.

Nang maramdaman kong hindi sumusunod si Euphoria ay nilingon ko ito. Nagulat ako ng makita ko itong namumula.

"Hey! Are you okay?" Nag aalalang tanong ko

Kitang kita ang pagkabigla sa mata niya tyaka siya nag madaling pumantay sa akin.

"O-oo naman Totoy! I-Im fine!" Pilit na ngiti niyang sabi

Napailing nalang ako at tinulak na ulit ang cart.

"Totoy, paano kung bigla ka nang pabalikin sa inyo? 'Diba sabi mo pinalayas ka lang? Tapos dumating yung Nathalia. Sign ba 'yun na pinapabalik ka na sa inyo?" Sunod sunod na pang uusisa niya

Hindi ko siya kayang tignan kaya naman mas pinili kong tignan 'yung mga snacks.

"Hindi naman ako pinapabalik. Wala pa akong balak bumalik." Saad ko

"But you have to…"

Hindi ko pinahalata ang gulat ko ng marinig ko ang boses na 'yun. Dahan dahan akong pumihit patalikod para makita siya.

"Kuya." Saad ko

Nakasuot siya ng hoodie marahil para takpan ang sungay niya. Baka kapag nakita ito ng mga mortal ay masira ang balanse ng mundo ng immortal at mortal.

"What are you planning little kid? Anong hindi ka babalik?" Sunod sunod na pang uusisa ni kuya

Napalunok ako ng ilipat niya ang tingin niya kay Euphoria kaya naman agad kong itinago si Euphoria sa likod ko.

"It has nothing to do with her." Saad ko

Napailing si kuya, bakas sa mukha niya ang pag tutol sa sinabi ko.

"Then why your face say it all? You know where you really belong. If you didn't listen to Nathalia, please listen to me. I'm your older brother." Saad ni kuya

Inis ko itong tinitigan. Ayan na naman yung pagiging pakielamero niya. Akala niya alam niya lahat ng bagay.

"Stop meddling with my decisions. I'm too old for your sermon." Saad ko at hinila si Euphoria papalayo

Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon