Serendipity POV
Agad kong tinanggal ang pag kakaakap nito sa akin at nilapitan si Amir.
"Binalaan kita, hindi ba? Ngayon, sa anong paraan mo gusto masaktan?" Gigil na sabi ko
Napaatras naman ito ngunit di ko ito tinigilan. Umabante ako at sinipa siya sa sikmura.
"Serendipity!"
"Prince, you need to stop."
Bigla nalang tumayo si Amir at patakbong lumayo. Inis ko naman hinarap ang mga nasa likod ko.
"How dare you touch that man?! You almost killed him!" Sigaw niya sa akin
"Wala kang pakealam dito, Nathalia. Labas ka dito. Kung di mo ako inakap akap edi sana nabasag ko na ang mukha ng lalaking yun!" Inis kong sabi
"Prince..."
Inis kong nilingon si Achilles.
"You shut your damn mouth." Saad ko
Napayuko naman si Achilles.
"S-sino sila?" Tanong ni Euphoria
Kaagad ko naman itong nilingon. Bakas sa mukha niya ang pagkataka.
"Wala lang ang mga yan." Prente kong sabi
Nag lakad ako papunta kay Euphoria dahilan para malagpasan ko sina Achilles at Nathalia.
"Okay ka lang? Ano pang ginawa sayo ng gagong yun?" Nag aalalang tanong ko sinipat ko ang buo niyang katawan
Bahagya naman siyang ngumiti at tumingin sa mga mata ko. Pinapakitang ayos lang siya.
"Wala naman. Salamat kasi dumating ka na naman. Muntik ko nang isiping super hero ka." Natatawang sabi niya
Binatukan ko naman siya kaya biglang sumama ang timpla ng mukha niya.
"Nakuha mo pang mag biro! Akala mo ba natutuwa ako ha?! At bakit ka nag lilinis ng open field?!" Inis kong sabi at tinuro ko pa ang buobg open field
Halos mawala ang ganda ng ngiti ni Euphoria ng batukan ko siya. Biglang tumalim ang titig niya sa akin.
"Well obviously may ginawa siyang mali." Sabat ni Nathalia
"Hindi ka kasali sa usapan. Shut your mouth." Saad ko
Rinig kong napasinghap si Nathalia sa sinabi ko.
Epal kasi eh.
"How dare… oh my goddesses." Narinig kong nag lakad siya papunta sa akin "Kailan ka pa natutong sumagot sa akin ng ganyan Serendipity?!" Inis na sabi ni Nathalia
Inis ko naman itong tinignan. Halos mapapitlag siya dahil sa sama ng tingin ko sa kanya.
"Pwede ba?! Mamaya ka na mag bunganga dyan! May kausap ako diba? How unethical, Princess." Saad ko
Lumingon naman agad ako kay Euphoria.
"Ano? Sagutin mo na ang tanong ko!" Inis kong sabi
Napaihip naman ito ng hangin at tumingin sa akin.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Amir. May nakuha sa aking pills to prevent me to get pregnant." Saad niya
What?!
"Hindi ako naniniwalang sayo yun." Saad ko
Tumawa naman si Euphoria. Pero halata namang peke lang yun. Hilig niyang gawin yun kapag ayaw niyang mahalata kong nasasaktan siya.
"Wala naman akong sinabing akin yun. Basta! Mahabang kwento! Tara na kaya? Tapos na rin akong mag linis eh. Lunch na oh." Saad ni Euphoria halatang iniiba ang usapan.
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...