Chapter 13-In Between-

49 2 0
                                    

Serendipity POV

"All of you, come to my office." Utos ni Ma'am Roza

Inis naman akong sumunod sa kaniya. Hindi ko parin makalimutan ang ginawa ng kambal na ito.

Nang makarating kami sa office ay agad na umupo yung kambal sa sofa. Nanatili lang akong nakatayo habang nakakrus ang mga braso ko.

"I can really tell na immortal ka." Sabi ni Ma'am Roza

"He can heal his self Mom! Anong klase immortal siya?" Tanong ni Fami

Napailing iling si Ma'am Roza at kumuha ng libro.

"Wala dito ang abilidad na yun." Sabi ni Ma'am Roza

Nabasa ko ang cover ng librong yun.

Demi-god's ability: A collective ability of a Demi-god.

Bahagya akong natawa kaya naman napatingin sila.

"Why are you laughing?" Tanong ni Clarens

"Demi-gods lang pala kayo?!" Natatawa kong tanong

Taka naman silang tumingin sa akin.

"Maka lang ka ah! Anong klaseng immortal ka ba?" Tanong ni Fami

Ngumisi ako dito bago nag umpisang mag salita.

"Pure blooded." Nakangisi kong sabi

"Ako rin naman." Saad ni Ma'am Roza

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ma'am Roza.

So ibig sabihin, mortal ang nakatuluyan niya kaya Demi-gods ang kambal na ito?

"Ang marka mo, hindi pamilyar yun. Anong marka yun?" Tanong ni Fami

"Latnemele Mark." Sagot ko

Nagulat kami ng biglang napahawak sa ulo niya si Ma'am Roza at paulit ulit itong hinilot. Bigla namang dumating si Professor London.

"Hindi ko na napigilan. Hays." Sabi ni Professor London

"Pamilyar sakin ang salitang Latnemele." Sabi ni Ma'am Roza

Inalalayan naman siya ni Professor London.

"Kasi apelyido yan nila Zafira, Frozae." Sabi ni Professor London.

Frozae?! Pamilyar na naman! Tyaka bakit kilala ni Professor London si Mommy?!

Nagulat kaming lahat ng hawakan ni Professor London ang sintido ni Ma'am Roza.

"Uncle?! Anong ginagawa niyo kay Mommy?!" Tanong ni Clarens

Napatayo na sila sa kinauupuan nila samantalang pinapanood ko lang sila.

Matapos bitawan ni Professor London ang sintido ni Ma'am Roza ay napatulala ito.

Tinignan naman ako ni Professor London.

"Akala ko isa ka lang sa mga nakatira sa Fire Nation dahil Erif ang apelyido mo." Saad ni Professor London

Kumunot ang noo ko.

Ang wirdo ng mga nangyayari! Bakit niya ginawa yun kay Ma'am Roza?

Biglang dumating si Chairman Maximo.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Chairman Maximo

Naguguluhan na rin ako!

"Xyrus." Sambit ni Professor London

Pagkasabi ni Professor London noon ay napahinto si Chairman Maximo.

What the heck?!

"Ano ba talagang nangyayari, Uncle?!" Tanong ni Clarens habang inaalalayan umupo si Chairman Maximo

Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon