Serendipity POV
I tried scanning the black notebook that Clarens handed me. Nakita ko sa cover ang mark na nasa braso ni Zaeigny doon at mas naging aligaga ako. Hindi ko malaman kung bakit ngayon nalang lumilitaw ang marka na iyon.
Halos mag paikot ikot na ako sa kwarto ko kakaisip kung paanong bubuuin ang mga nasa isip ko.
May posibilidad na hindi nag kataon lang ang pag kikita namin ni Zaeigny. The black notebook contains the story of Guardians.
Guardian si Zaeigny? How come? She's too young for that.
Sunod kong naalala na palaging umaalis si Euphoria ng hating gabi.
What is she doing in the midnight? What is she hiding? Pero paano ko naman iimbistigahan iyon? It will hurt her pride.
Napasabunot ako ng buhok ko. Inis na inis kong tinignan ang black na notebook na binigay sa akin ni Clarens. I want to ask him but I guess he will not say anything about Euphoria. He respect her privacy. Gusto kong malinawan sa lahat pero gusto kong si Euphoria ang mag sasabi sa akin.
Pero paaano? She's busy. I don't want to ruin her studies.
I need to find Janrei first. Baka mamaya mayroon siyang nalalaman pa patungkol sa Guardians. Baka may posibilidad na sila rin ang naka iwan ng lagusan na nakabukas.
…
Kinabukasan ay late akong nagising. Sobrang sakit ng ulo ko at para iyong niyuyupi. Hindi naman kagabi ang unang beses na nag puyat ako pero kakaiba talaga ang sakit ng ulo ko. Wala pa namang gamot na pwepwede sa akin sa mundong ito.
Kahit masakit ang ulo ko ay nag patuloy parin akong pumasok. Mabuti at nauunang nag lalakad si Dionysus at Euphoria. Nag kwekwentuhan sila patungkol sa Finals namin. Mabuti nga at hindi nila ako kinakausap dahil hindi ko alam kung masasagot ko ba sila ng tama. Nang makarating kami sa Univeristy ay doon lang nila ako nilingon.
"Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?" Nag aalalang tanong sa akin ni Euphoria
She was about to touch my forehead but I dodge. I smiled at her para ipakitang okay pa ako.
"I'm okay. Kita tayo mamayang lunch. Kwentuhan mo ako." Saad ko at bahagyang ngumiti
Ngumiti naman siya ng malawak sa akin at nag thumbs up pa.
"Okay! See you later!" Saad niya at pagkatapos mag wave ay umakyat na sa building nila
Sabay kaming nag lakad ni Dionysus papunta sa Special Section. Hindi pa nag uumpisa ang klase kaya naman nag kakagulo pa ang buong klase. Wala pa rin ang kambal kaya malaya kaming makakapag usap ni Dionysus.
"I saw her sneak out of our house again. Anong plano mo?" Saad ni Dionysus
Napabuntong hininga ako. Hindi pa nga natatapos ang mga tanong sa utak ko ay dinagdagan pa ng sakit ng ulo ko.
"We need to follow her, of course. Baka mamaya ay mapapahamak na pala siya tapos wala na naman akong nagawa." Saad ko
Iiling iling namam akong tinignan ni Dionysus. Mukhang dismayado siya sa sinabi ko.
"Listen, Prince. You are doing this all for her. Ang alamin ang mga galaw niya ay para sa kaniya rin. Gaya ng sabi mo ay baka nga mapahamak siya." Tinapik niya ang balikat ko, "Don't be like that. 'Wag mong isiping wala kang nagagawa kasi meron, Serendipity. Meron. I will help you to organize your thoughts."
Inilabas ko sa bag ko ang black na notebook na ibinigay ni Clarens at itinuro kay Dionysus ang marka.
"I saw that three times in a row. Una kay Janrei, iyan raw ang dahilan ng pagkamatay ng nanay at tatay niya. Pangalawa, dito sa notebook at pangatlo, nakaguhit iyan sa braso ni Zaeigny. That is the mark of Guardian." Saad ko
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...