Chapter 54-Memorist-

44 2 0
                                    

Euphoria POV

"Gusto mo bang malaman ang pangalan ko?" Tanong ng matanda

Hawak hawak niya ang kamay ko at umupo kami sa isang bench. May inabot siya sa akin na inumin at agad kong ininom iyon dahil sa pagod. Dahil musmos pa ako, pagod na pagod ako sa haba ng nilakad namin.

"Opo. Ang tagal ko na pong tinatanong kaso ayaw niyo pong sabihin eh. Lola, ano po bang pangalan niyo? Saan po kayo nakatira?" Saad ko

Gumuhit ang ngiti sa labi niya at hinagod ang buhok ko.

"Ako si Lola Zarine. Isa akong gabay. Maaring hindi ako makita ng ilang tao pero dahil pinakain kita ng espesyal na kendi ay nakikita mo ako. Saan ako nakatira? Sa lugar ng mga patay." Saad ni Lola Zarine

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bata palang ang isip ko kaya naman hindi ko nakuha ang sinasabi niya.

"Patay na po kayo? Kaluluwa nalang po kayo?" Sunod sunod na tanong ko

"Patay na nga ako. Ang kaluluwa ko naman ay nasa katawan ng anak ko. Mahabang istorya," saad ni Lola Zarine at tumawa pa, "Mula sa lugar ng mga patay ay tumakas ako. Totoong nahirapan ako sa ginawa kong iyon pero sa tingin ko ay magiging sulit ang lahat ng sakripisyo ko sayo, batang missing soul."

Kahit wala akong naintindihan sa sinabi niya ay pinanood ko nalang siyang ilabas ang isang garapon at isang kwintas. Inilagay niya iyon sa tapat ko na para bang ipinagkakaloob sa akin 'yon.

"Iingatan mo 'yan, Euphoria. Magagamit mo 'yan sa pag laki mo. Nakita ko sa hinaharap mong may makakatagpo kang prinsipe. Mag tulungan kayo para sa hinaharap." Saad ni Lola Zarine

Inilagay ko sa back pack ko ang garapon at inilagay ang kwintas sa leeg ko.

"Wow! Para pong sa disney princess? Mag papakasal po ako sa kaniya sa dulo?" Tanong ko

Napailing iling si Lola Zarine dahil sa sinabi ko. Dahil naman doon ay napanguso ako.

"Hindi kayo mag papakasal! Napakabata mo pa pero 'yan na ang naiisip mo." Natatawang sabi ni Lola Zarine, "Ingatan mo ang kwintas at ang garapon, Euphoria. Ang kwintas ay magagamit mo para pumunta sa prinsipe. Ang garapon naman ay para sa ikabubuti ng hinaharap mo."

Matapos niyang sabihin iyon ay nag laho na siya. Hindi ko na natanong kung anong palatandaan kapag nakita ko na ang prinsipe, hindi ko na rin natanong ang pangalan ng prinsipe.

Napabangon ako kaagad at sumakit ang ulo ko doon.

Lola Zarine? Bakit parang nakita ko na ang mukha niya?

Inisip kong maigi pero sumakit lang ulo ko dahil doon. Dumagdag pa sa iisipin ko ang garapon at kwintas na parehong nasa Light Throne. Talagang wala na akong pag-asa.

"Euphoria!" Saad ni Kille at nag mamadali pang lumapit sa akin

Iniling iling ko nalang ang ulo ko para mawala na sa akin ang sakit ng ulo. May inabot naman sa akin na isang basong tubig si Kille at kaagad ko iyong ininom.

"Okay ka na ba? Do you want me to bring you to the hospital?" Sunod sunod na tanong ni Kille

Kaagad akong napailing dahil doon.

"Hindi, okay na ako. Salamat sa concern." Saad ko

Biglang sumagi sa akin ang nangyari kagabi. Ang natatandaan ko lang ay 'yung hindi ako makahakbang.

Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon