Damari POV
(She's Serendipity's younger sister incase you forgot, lol.)
My birthday is coming and I hate to celebrate it without the presence of my brother!
"Mommy!" Tawag ko kay Mom na nag aayos ng mga alaga niyang halaman
Napalingon si Mommy at napangiwi ng makita akong sobrang naeexcite.
"Ano 'yon Damari? 'Wag mong sabihing hihingi ka na naman ng dragon dahil hindi ako papayag kahit nag paalam ka pa sa Daddy mo." Saad ni Mommy
Napapout naman ako sa sinabi ni Mommy.
Hindi naman yun eh.
"Bakit nadamay na naman ako?" Tanong ni Daddy
Ayan na naman sila. Para na namang mga batang mag aaway yan mayamaya.
"Talaga naman. Kaya nga tumigas ang ulo ni Serendipity dahil sayo." Sabi ni Mom
Dad removed his glasses and cross his arms.
Oh no. Here we go again.
"Kailan ba ako nag desisyon ng mali, Zafira? Tyaka hindi matigas ang ulo ni Serendipity. Matapang si Serendipity, mana sa akin. Si Damari, childish." Sabi ni Daddy
Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa.
"So you mean sakin nag mana si Damari? Childish? Childish ako Blake?" Medyo napipikon nang sabi ni Mommy
Wait a minute?! Sinong childish?!
"Ikaw ang nag sabi nyan, Zafira." Puno ng yabang na sabi ni Daddy
Sasagot sana si Mommy pero sinamaan ko silang dalawa ng titig. Kaagad naman nilang napansin iyon at tumigil sa pag babangayan.
"Tsk. Para na naman kayong bata! Tapos ako yung sinasabihan niyo ng childish?!" Nag tatampong sabi ko
"No, no. I'm sorry my beautiful daughter." Saad ni Daddy
I rolled my eyes because he's being bolero na naman.
"I want to talk about my birthday! I want Kuya Serendipity to be here by that day!" Saad ko
Nanlaki ang mata ni Mommy at Daddy dahil sa sinabi ko. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko lalo na at patungkol iyon kay Kuya Serendipity.
"May misyon ang kuya mo kaya imposible yan." Saad ni Daddy
Nakakalungkot talaga dahil first time kong mag bibirthday ng wala siya.
"Bawal akong pumunta doon?" Tanong ko
I'm trying my best to pursue them. Nauubos na ang pagpapacute ko sa Mommy at Daddy ko pero wala parin.
"Final answer, no. Your brother need to learn his lesson." Saad ni Mommy
Napabuntong hininga ako at umalis sa silid na iyon. Sunod akong nag tungo sa opisina ni Kuya Yarris.
"Kuya!" Bati ko kay Kuya Yarris na nag babasa pala ng libro
Napatingin ito sa akin syempre suot suot na naman niya ang buryong buryong mukha niya.
"What? Arent you supposed to be studying?" Saad ni Kuya
Pumunta ako sa upuan sa harap niya at umupo ako doon.
"Kuya tulungan mo ako please?" Pag mamakaawa ko kay Kuya Yarris
Kunot noo naman akong tinignan nito.
"May pinapagawa ba si Master Zeus?" Tanong ni kuya
Umiling iling naman ako dito.
See? Puro aral lang alam niyang gawin.
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasíaFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...