Chapter 43-Final-

38 1 2
                                    

Euphoria POV

Napatulala ako sa bangkay ni Serendipity sa harapan ko. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko sa nakikita ko. Dahil sa bilis ng puso ko ay hindi ko na magawang huminga ng tama.

Nag lakas loob ako lapitan siya. Nanginginig ang kamay kong kinapa ang pulsuhan niya pero wala na talaga. Wala akong nagawa kung hindi akapin ang malamig na katawan niya habang umiiyak.

Sabi ko babalik ka ng maayos sa mundo mo pero bakit ganito?

Parang hinihiwa ang puso ko sa nararamdaman ko. Ang katotohanang hindi ko siya naprotektahan ay lalong dumadagdag sa sakit sa puso ko. Sa huli ay pinairal niya parin ang pag mamahal niya sa akin. Hindi ko lang matanggap na sa ganitong paraan niya ipapakitang mahal niya ako.

"You will pay for this Zaeigny." Rinig kong saad ni Achilles

I heard Zaeigny's mocking laugh. Naikuyom ko ang kamao ko dahil doon.

"Hindi ko kasalanang sinambot niya yung pana na para dapat kay Euphoria." Ngumisi ito, "She need to die at pinigilan iyon ng prinsipe niyo."

Matalim na tingin ang ipinukol ko dito pero nginitian lang ako nito. Walang makitang pagkakonsensya sa mukha niya.

"My older brother Ricky, failed to catch her. So as the assassin of the Deliv family, I did that." Saad ni Zaeigny, "Hindi porque namatay ang prinsipeng ito ay hihinto ako. Kailangan paring mamatay ni Euphoria para magkaroon ng kapayapaan."

Mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa leeg. Napakadiin noon at nag uumpisa na akong hindi makahinga ng ayos.

"Kung ako sayo aalis na ako dito."

Lahat kami ay napalingon sa nag salita. Si Kuya Yarris iyon kasama si Nathalia.

He came.

"Prince Yarris…" mahinang sabi ni Zaeigny

Bigla ay tinanggal ni Zaeigny ang pagkakakapit niya sa leeg ko. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.

"It is not my fault. Si Serendipity ang sumalo ng pana para kay--"

"Umalis ka na! Dalhin mo na na rin Euphoria sa saan mang impyerno kayong mag pupunta!" Sigaw ni Kuya Yarris

Halos dumagundong ang buong lugar dahil sa sigaw niya. Ang kaninang pasikat na araw ay napalitan ng malakas na ulan at kidlat. Ang itsura ni Kuya Yarris na kalmado ay wala na. Napalitan iyon ng galit na sa wari mo ay makapapatay. Pinakatitigan niya ang bangkay ng kapatid na akap ko at dahil doon ay mas umusbong ang galit sa mukha niya.

"Calm down, Yarris. Please. Mapapatay mo kaming lahat na nadito." Saad ni Nathalia

Lumipat ang titig ni Kuya Yarris sa akin dahilan para matuyuan ako ng lalamunan. Unti unti na namang bumuhos ang luha ko dahil sa pag kadismaya.

"Akala ko ay may kwenta ka pa?! Bakit hindi mo pinrotektahan ang kapatid ko?! Bakit sa dulo ay ikaw parin ang inuna niya?!" Galit na sigaw sa akin ni Kuya Yarris

Halos di ako mag kandaugaga sa pag iling, "S-sinubukan ko pero hindi ko… nagawa." Saad ko

Pinigilan kong wag humikbi pero hindi ko kinaya. Mas lumakas ang pag iyak ko kasabay ng pag kawarak ng puso ko.

"H-hindi ko sinasadya, totoo. G-gusto ko lang ay bumalik siya ng ayos sa lugar niyo." Saad ko

"Pero hindi ganoon ang nangyari! Namatay siya ng dahil sayo!" Sigaw muli sa akin ni Kuya Yarris at tumingin siya kay Zaeigny.

Doon palang ay alam ko na. Alam ko na ang ibig sabihin ng tingin na iyon.

"Buhay ng kapatid ko ang nawala kaya buhay rin ang babawiin ko." Saad ni Kuya Yarris

Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon