"Gago, gising." Hinampas ako ng unan sa mukha. Nagriring ang alarm ko. Ang sakit ng ulo ko. Tangina, tinamaan ako sa ininom namin kagabi. Binuksan ko ang aking mga mata at nasilaw phone kong sinusubsob ni Sid sa aking mukha.
"Thirty minutes na yang nag-aalarm oh. Nagpaalarm ka pa di ka naman pala babangon."
"Hangover ako gago." paos na bulong ko.
"So?" Ngumiti siya. "Weakshit ka pala eh. Ako kasi alak na dumadaloy sa systema ko."
"Ayoko naman maging kagaya mo," buwelta ko. "Na naglasing tapos nagising kinabukasan sa motel ng may kasamang bakla."
Pinakyuhan niya ko sabay higop sa mainit na kape. Nakisalo ako kay Sid sa "almusal" namin- sampung pirasong pandesal, 3-in-1 na kape, at isang bote ng gatorade para sakin. Breakfast of champions. Wala eh, ganito talaga pag nakadorm ka at ginastos mo ang allowance sa xerox, dota at walwal.
"May quiz ba mamaya?" tanong ni Sid nang may nginunguya pang pandesal sa bibig.
"Meron, dalawa."
"Nag-aral ka?"
"Siyempre hindi."
"Nice. Isa kang mabuting ehemplo ng mga kabataan ngayon."
"Tangina mo."
Tumawa siya. "Ano ba yan, Jerome? Bakit ang burat mo ngayon? Eto, this might cheer you up." May binunot siyang litrato sa bulsa niya. Nanlaki ang mata ko at hinablot sa kamay niya.
"San mo nakuha to?"
"Naghahanap ako ng brief sa dresser mo kagabi, tapos sakto nakita ko yan sa mga gamit mo."
Luma na at malapit nang mahiwa sa pinagtupian ang maliit na wallet-size na litrato. Selfie namin yon, sa puno ng aratiles sa high school namin. Totoy na totoy pa ko nung third year high school- 2x2 na haircut, tigyawat sa pisngi, at bagsak na buhok, halatang di nag-aayos. At ang kasama ko...
"Sino siya?" usisa ni Sid, pero di ko na siya naririnig. Naalala ko na naman ang babaeng yon.
Gabbie...
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...