Ngayon
"EJ?"
"Hmm?" tinanggal ko ang aking earphones. Nasa harap ko si Alex, kaklase ko. "Uy, hi." sabi ko. Vacant ngayon, so tumatambay muna kami ni Sid sa labas. Nag-CR lang siya saglit nung napansin niya si Alex at tinapik ako sa balikat. Narinig ko siyang tumatawa ng mahina nang paalis na siya.
"Eto na pala yung hinihingi mong notes for QC. Sorry medyo magulo, mabilis mag-discuss si ma'am eh."
Napangiti ako. Mukhang may pag-asa pa ang grades ko. Maybe, just maybe, mabubuhat ko pa 'to. "Thank you girl! Ililibre kita pag napasa ko yung exam."
Natawa siya at hinawi ang bangs niya. "Promise yan ah. Mukhang libre na lunch ko next time ah."
"Sana nga... nagpagupit ka? Wala ka namang bangs dati ah."
Ngumiti siya. "Oo. Now mo lang napansin?" Pabalik na dapat siya sa classroom nung hinarapan niya ko ulit. "Ay oo nga pala, diba mahilig ka manood ng Game of Thrones?"
Um-oo ako.
"Meron kasing bagong bukas na cafe sa P. Noval, Game of Thrones-themed siya. Wala lang, I just thought baka magustuhan mo doon."
Nahulaan ko na yung gusto nito. "Oo na, oo na. Pag nanalo ako, dun kita ililibre." sabi ko kasama ng tawa. Tumawa din siya.
"Baliw, hindi! Ikaw na bahala saan siyempre. Bye!" bumalik na siya sa room. Maya-maya ay bumalik na din si Sid.
"Ikaw ah, Alex ka pala ah..." asar niya habang kumakain ng snow bear. "Ano napag-usapan niyo?" Kinwento ko yung pinag-usapan namin.
"Tol, feel ko gumugusto din yan eh. Baka crush ka ni Alex."
Napatawa ako sa sinabi niya. "Pfft. Si Alex? Ang bait bait nun eh. She deserves better."
"Sus. Alam mo third year na tayo, di ka pa nagka-girlfriend, or at least kalandian man lang. Come on na! Break the cycle!"
"Ayoko nga."
"Dahil ba dun sa girl sa picture?" tumingin siya sakin. "Sino ba yun? Alam mo matagal na tayong magkaibigan, ni minsan di mo siya kinwento. Kahit pag lasing ka."
Nagkibit lang ako ng balikat. "Yung mga ganyan kasi, hindi na kinukwento. Di siya madaling sabihin eh."
"So sino nga siya? Ex mo nung high school?" Di ako nagsalita.
"best friend mo ba..? Binasted ka ba?" Dedma.
"Ano, nabuntis mo ba siya?"
Mahina ko siyang tinulak palayo sakin. "Tangina pre, magsimba ka nga."
Tumawa siya. "Pero seryoso, sino ba siya. Kahit pangalan lang tol."
"Gabbie". Buntung-hininga ko. "Pasok na tayo. Andyan na si prof."
"Yun oh, isesearch ko nalang siya sa facebook mo," sabi niya nang nakangiting masama.
"Di ko siya friend. So goodluck nalang bro."
"Bakit naman?"
"Kasi kinalimutan ko na siya."
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...