March 2014, 5 Days After Graduation
"Paanong wala na po?"
"Wala na. As in umalis na sila. Di ba nila sinabi sayo?" kumunot ang noo ng landlord nila.
"Nung isang araw lang, pupunta yata yung mag-ina sa Canada. Ewan ko.Wala na kong pake basta nagbayad sila. Iho, may tanong ka pa ba? Kasi may buyer sa loob, kung wala naman eh umalis ka na."
May tanong ako, pero hindi para sayo.
Bakit?
*** *** ***
Graduation Day
"SELFIE!!" Hiyaw ni Seph sa amin. Nakaakbay ako kay Gabbie. Pinagpilitan naming magkasya sa camera: ako, si Gabbie, Seph, Fritz, at ang mga bago naming kaibigan na nakilala nung last year na: si Angela, Oliver, at Raph.
"Ok next!! Yung lovebirds naman oh!!" sabi ni Fritz. Tinulak kami nila Angela at Raph sa isa't-isa habang si Oliver nama'y hiniram ang camera ni Seph.
Nung una nagkakahiyaan pa kami, pero sinuyo na kami ng barkada namin. "Sige na oh, last na to eh!!" hiyaw ni Oliver. "game na pare!"
Habang nagpopost kami, saktong may nagpasabog ng party poppers. Tinangay ng hangin ang mga confetti. Bago kami mag-pose sa picture, tumingin ako sa kanya.
"Walang iwanan?" sabi ko kay Gabbie.
Ngumiti siya. "Syempre. Walang iwanan."
Nag-picture kami- nakaakbay, magkatabi, at magkayakap (special request ng barkada, di naman kami makahindi.) After nun, bumulong ako sa tenga ni Gabbie. Mahal ko yung mga kaibigan ko, pero minsan may mga bagay talaga na gusto ko lang sabihin sa nag-iisang mahal ko.
"Gabbie, I love you."
*** *** ***
MARCH 2015
-At mararamdaman mo ko nun, kahit na nasa kabilang dulo pa ko ng mundo. Mararamdaman mong mahal parin kita.
SEND.
May kumatok sa kwarto ko. Si papa.
"Anak, kumain ka na?" Hindi ako makasagot, dahil pinipigilan ko ang pagdaloy ng luha ko.
"Jerome."
Pagharap ko sa kanya, umiling lang ako. Isang tingin palang niya sakin ay alam na niya ang dahilan. Ni hindi na nga niya binasa yung mga nakasulat sa screen ng computer ko, o yung mga sinulat ko sa papel na nakakalat na sa table ko. Alam na ni papa kung para kanino yan. Alam niya ang lahat.
"Anak, hanggang ngayon, siya parin ba?" malumanay niyang tanong.
Um-oo ako. Bumuntung-hininga siya't hinawakan ang balikat ko.
"Jerome, minsan talaga may makikilala tayong tao na... na akala mo siya na yun. Yung taong nakikita mo na ang sarili mong kasama siya buong buhay mo."
Kung magsalita si pa, parang alam niya yung nararansan ko. Ni minsan di ko natanong yung love story nila ni mama. Ngayon ko lang naisip. May mga ex rin ba si papa? May totga?
"Minsan, tama ka. Minsan... well, minsan hindi. But that's life, anak. Hindi ka dapat manghinayang."
"Paano kung siya na pala yun, 'pa? At pinakawalan ko na siya?"
"Paano kung hindi?"
*** *** ***
September 2015, 2nd year college
"EZRA JEROME CORDERO!!! YOOHOO!!" Hiyaw ni Fritz, tinatawag niya ko.
Pang-apat na dress na ang suot niya ngayong gabi- iba talaga pag anak-mayaman ang nagdedebut- at may hawak-hawak siyang babaeng kaedaran namin.
Tinapos ko yung shot ng tequila na binigay sakin nila Oliver at nilapitan siya.
"Birthday girl, bakit?" sabi ko.
"This is Ella nga pala," sabi niya. Nakipagkamay ako kay Ella. Naka itim siyang dress na lowcut at killer red heels. Ngayon ko lang siya nakilala, pero you get the feeling na laging nagbabar to. Party girl ba. "Friend ko sa Mapua. Say hi!"
"Hi," ngiti ko. Nginitian niya rin ako, pero parang may inaantay silang dalawa akong sabihin. After 3 seconds ng awkward silence, nag-excuse siya- kukuha lang daw ng shots sa mobile bar. Nung umalis siya, kumunot ang noo ni Fritz sakin.
"Dude, ano ba yan!"
"Hmm? Bakit?"
"Di mo man lang niyayang sumayaw?? Or maybe kunin yung number niya after? Nirereto kita, in case you haven't noticed." Tumawa siya.
"Ay sorry. Di ko napansin. Baka may tama na ko."
"Okay, pagbalik niya ah, go do your thing. Damoves na, hahaha."
Umiling ako. "Well... about that..."
"Ayaw mo?" Umiling ako.
"Hmm, may iba pa kong friends. Chicks din, sure ako di ka madidisappoint. Hmm, wait lang. Ano nga ulit type mo? "
"Salamat, pero no, Fritz." Tinapik ko siya sa balikat. "Sorry."
Tinitigan niya ko sa mata.
"Siya parin ba hanggang ngayon?"
Umoo ako.
Di na siya nagsalita. Kumuha siya ng dalawang shot ng tequila, binigay sakin ang isa.
"Para sa puso mo," ani niya.
"Para sa puso ko," sabi ko. Nag-cheers kami. Ang init ng alak sa tiyan.
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...