August 2011, Second Year.
"Tissues?"
"Check."
"Alcohol?"
"Check."
"Sabon?"
"Check."
"Pabango?"
"Babae ako, EJ. Lagi akong may pabango."
Tumawa ako sa sinabi niya. "Okay, kumpleto na pala ang Disaster Kit natin."
Dalawang buwan na kong estudyante dito sa MASON (Michael the Archangel School of Novaliches); ibig sabihin noon ay dalawang buwan ko na din palang kaibigan si Gabbie. Nagsisimula na akong masanay sa maya't-mayang mga kalokohan ng mga estudyante ng eskwelahan na 'to; natutunan kong laging mag-double check sa upuan kung may bubblegum ba, tumingin sa dinadaanan at baka matisod, at maglinis ng uniform pag natatalsikan ka ng pagkain, pintura o kung ano pa man. Di lang kami ang nabubully- may mga mangilan-ngilan din na kagaya namin. Porke't di nagfifit sa isang grupo, pagtatawanan at pagttripan na.
Bwisit 'tong school na 'to.
Nag-ring ang bell. "Ready ka na?" tanong ko kay Gabbie, na nagtatali ng kanyang buhok.
"Aba oo. Kasama na kita eh," sabi niya. "Game."
***
Lumipas ang araw. Boring na mga klase, boring na mga experiment sa lab, at mga nakakairitang mga kaklase. Mga pacool, mga pabida, mga emo, mga chismosang mga kaklase. Eto na ba talaga ang high school? Sabi lagi ni papa sakin na mamimiss ko daw ang high school. Malabo. Di na nga ako makapag-hintay mag college eh. At least doon, walang mga gago. Walang mga kupal.
Sa wakas, nag-ring ang bell at pinaalis na kami ni Ma'am Roxas, teacher namin sa Soc sci. After ng subject niya, lunch naman. Nagmadali kami ni Gabbie na pumunta sa canteen para bumili ng inumin (di na kasya ang tubigan namin sa bag kasi nga may dala kaming Disaster Kit noon), at umupo na kami sa usual na tambayan namin: sa puno ng aratiles. Maganda ang panahon ngayon- malakas ang ulan last week kaya maaraw na, pero mangahin kaya hindi mo gaanong ramdam ang sinag ng nangangalit na araw.
"Ang ganda pala ng spot mo," sabi ko. "Kaya pala gustung-gusto mo dito."
"Diba?" sabi ni Gabbie. Nilunok niya ang kanyang nginunguya. "Mahangin lagi dito, tsaka hindi tayo masyadong pansin ng mga kaklase natin."
"Bakit ba ganito yung school ninyo? Yung mga pambubully and shit, diba dapat natututukan yan ng mga teachers natin?"
Sarcastic siyang tumawa. "Asa. eh yung mga malalakas ang trip na kaklase natin? Marami sa kanila, kamag-anak ng mga may-ari ng school na 'to. O kaya ma-impluwensya yung mga pamilya nila. Andaya. Sana anak-mayaman din ako." Tinabi ni Gabbie ang baunan niya sa bag. "Gusto ko nang mag-college."
"Anong gusto mong maging?" tanong ko habang nagpupunas ng bibig.
Nag-unat si Gabbie. Nakatitig lang siya sa puno, sa mga dahon nito, sa mga aratiles na hilaw at patubo palang. "Ewan ko. I'll get back to you on that, ika nga ni Samonte." Si Irene Samonte yung tinutukoy niya. Isa siya sa mga "preppy" na kaklase namin: filipina ang nanay niya at french ang papa niya. Mahilig sa Givenchy na pabango at bag, medyo bitch ang ugali. So as you can imagine, naiinis si Gabbie sa kanya.
Si Gabbie, in a way, para siyang rebelde. Hindi yung emo na may tattoo na "rebelde"- parang non-conformist ba na rebelde. Mas matagal siya sakin dito sa MASON pero hindi niya sinubukang makifit-in sa mga cliques para may makasama siya. Kumportable siya sa sarili niya. Hindi niya gusto o kailangan na magpanggap o ipagpilitan ang sarili sa isang grupo; marami kasing mga kaklase namin na ganun ang ginagawa. Para hindi sila mabully o para may kaibigan sila.
Nagring ang bell. Good; apat na oras nalang at makakauwi na ko. Nang papunta na kami sa court para pumila, aksidente akong natisod at naglanding sa damuhan. Puro putik ang puti kong polo.
"EJ!" tumakbo agad si Gabbie sa gilid ko. "Ok ka lang?"
Tumayo ako. May ilang mga lalaking tinawanan ako. "Lampa amputa," bulong ng isa sa kanila. Tinitigan ko sila ng masama; nanlilisik ang aking paningin. "Ano? Papalag ka? Bobo."
Nagtawanan ulit sila. Gusto ko silang sugurin at isa-isang bugbugin, at magagawa ko siguro yun kung wala doon si Gabbie para pigilan ako.
"Gago ka ba? Sina Ernesto yan at mga ulipores niya. Di mo yan kaya."
"Akala ko ba magkakampi tayo dito?!" buwelta ko sa kanya; pinagtaasan ko siya ng boses.
"Oo nga! At ayokong mapahamak ka siyempre. Kaibigan mo ko eh." Inabutan niya ko ng tissue. "Oh. tapos may alcohol ako dito. di ka naman nasugatan diba?" Umiling ako.
Wala nang putik sa katawan at mukha ko, pero may mantsa padin sa aking polo. Kahit anong pahid ko (gustong tumulong ni Gabbie sa paglinis ng polo ko pero tinigilan ko siya), medyo dugyot padin ako.
Nahihiya akong pumila sa amin, nakatingin ang lahat. Pinagbubulungan nila ako, ang iba'y tumatawa na. Hiyang-hiya talaga ako nun pero nakita ko si Gabbie sa dulo ng pila ng girls- nag thumbs up siya. "Psst. Keribels yan! Go lang!" bulong niya sakin. Hindi ko alam kung bakit, pero nagbigay yun ng confidence sakin.
Pumila si Ernesto sa harap ko. "Mukha kang pulubi."
"Ayos lang," pangiti kong sinabi. "Pogi pa pa naman ako kahit madumi damit ko eh. Ikaw nga diyan, malinis ka nga pero mas gwapo parin ang paa ko kesa sayo."
Ineexpect siguro nila na napahiya ako sa nangyari, kasi nagulat sila sa sinabi ko. "Baliw ka ba o sadyang bobo lang?" bulong ng isa sa mga ulipores niya.
"Pare, mas bobo pa ang maraming tao dito kumpara sa akin. Tandaan mo yan." sabi ko ng may kindat pa.
Nang umakyat na kami sa room, hinayaan ako ng teacher namin na magtanggal ng polo dahil daw, and I quote, "I cannot teach if one of my students look like a homeless person." And for once, actually, natawa ako sa sinabi niya. Medyo mabuti nga na naka t-shirt nalang ako eh; ang presko kaya.
"Psst, Gabbie." bulong ko sa kanya habang nagsusulat ng algebra problems si teacher.
"Bakit?"
"Sa Disaster Kit natin, magdagdag tayo ng uniform."
Parehas kaming tumawa nang mahina. Tumawa ako ng tumawa hanggang sa tila sasabog na ang baga ko.
Sa wakas, nasisimulan ko nang matutunan kuna paano nakasurvive si Gabbie. Swerte nga ko eh, may kasama ako.
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...