16. January 2014

11 0 0
                                    

January 2014

Patapos na ang school year, pero nagsisimula palang siyang linisin ang kalat ng dating principal namin. Kagaya nitong Battle of the Bands- pinagbabawal dati 'to ni Pagsanjan, pero ngayon nag-insist si Ms. Garcia na tumugtog ang mga gustong tumugtog. "You guys need to express yourselves," giit niya sa amin ilang linggo nang nakakaraan, sa isang general meeting ng buong eskwelahan. "We're bringing back a lot of opportunities for MASON students to show off their skills. Di lang dapat acads ang inaatupag niyo."  nagtawanan ang marami. 

Tumingin ako kay Gabbie. "Kumakanta ka, diba?"  Ngumisi siya't palaro akong hinampas sa mukha. 

"Gags, nakakahiya. Ayoko nga."

Narinig ni Oliver ang asaran namin. "Seryoso guys? Tara! Marunong ako mag-keyboard."

"Drums!!" hiyaw ni Fritz. "Ikaw Raph?"

"Bass... nagbb-bass ako sa church namin-"

"Nice!" sabi ko. "Ako na sa lead guitar. Kaming dalawa ni Angela." Humarap ako kay Gabbie. "Hmm... lead vocals nalang ang kailangan natin..."

Lima kaming nakangiti sa kaibigan namin. Wala na siyang nagawa. Bago matapos ang araw na 'yun, nabuo na ang banda namin. 

*** *** *** 

"THANK YOU MASON!!" hiyaw ko. Sumigaw ang madla. Nagpakawala ng drum solo si Fritz habang nagpaingay naman kami ni Angela ng gitara. "AND SPECIAL THANKS TO OUR PRINCIPAL, MS. GARCIA FOR BRINGING BACK THE BATTLE OF THE BANDS!! PALAKPAKAN NAMAN NATIN SI MADAM!!"

Nag- woooh ang buong madla. Sa likod ng mga tao- na puno ang field halos ng mga estudyante- nandun si Ms. Garcia, kumakaway at nagbbow. 

Nag-ehem sa mic si Gabbie at tiningnan ako. God, ang ganda ng ngiti niya sakin. "And para sa final song namin... final song para sa aming final year..." nag-aww sila. "Ipperform po namin yung kanta namin. It's an Outcasts original po."

"I know di siya popular," sabi ni Gabbie, "Pero this song... importante siya samin, so. Sana magustuhan niyo rin. Ang title niya is RBT."

Humiyaw ang madla, pero nanahimik sila nung kinanta ko ang first verse.

I'm just a lost boy, a lost boy with lost hope
And fighting the river, the rapids of life
Then you came by my side, a lost girl with bright eyes
And suddenly my life was shining with light

Tahimik ang tao- pero feel ko di dahil di nila gusto. Andaming nag-on ng mini flashlight nila (palibre ng school) at nagwagayway sa ere. Nakatutok ang ilang daang mata sa amin.

That's when i realized, that you are the girl of my life...

Eto na ang chorus.

Meet me under the red-berried tree;
where we can forget, where we can be ourselves
Meet me under the red-berried tree
And I swear to you love, my heart belongs to thee
And I will remember... where our fates first met and collide.

Nang kinanta na niya ang second verse at nagpatugtog ako; nung humihiyaw at pumapalakpak na ang madla sa amin, parang tumigil ang mundo ko. Not in a bad way, no. In a nice way. Nakatitig lang ako kay Gabbie na parang siya na ang huling tao sa mundong to.

Habang kumakanta siya, nagkatinginan kami at nginitian niya ko.

Doonko nalaman ang dati nang alam ng puso ko.

Eto- etong babaeng to- si Gabbie... siya na yun.

Hindi ko na to pakakawalan.

Ang Kalahati Kong NawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon