March 2016
Ang baho ng suka ko.
Yung likod ko, tinatapik tapik ni Elijah. "Sige lang pre, sige lang."
Halos isang minuto bago ako matauhan. Nagmadali akong naghilamos sa lababo. Para may matira naman ng konti sa dignidad ko. Umiikot na ang mundo.
"San...sila..." mahina kong sabi.
"Yung kambal umuwi na," sabi niya habang kumukuha ng tissue sa bag. "Sina Megan nag-uber na rin. Si Sid ayun, nasa condo na ng nilalandi niya. Nagtext siya."
"T-tangina pre... ayoko na..."
"Kaya nga. Umuwi na tayo."
"Hindi pre... gusto ko na siyang makalimutan."
Hindi ko alam gaano karami ng kwento ang nasabi ko sa kanya noong gabing iyon, pero enough na para magets niya. Kung bakit di ko pinapakita sa kanila ang messenger ko. Kung bakit wala akong nililigawan o nagkakagusto man lang buong college. Kasi mahirap magkagusto sa iba kung meron pang nakatira sa puso mo.
*** *** ***
July 2016
Frieda Alvarez waved at you.- 5:34 AM
Frieda: psst
EJ: BAKIT MAY INTERN PA KO HUY
Frieda: hahaha kaya nga. Sa Cardinal ka naka-intern diba?
EJ: Oo, bakit
Frieda: visit mo naman ako :D 7th floor ako
EJ: Gago anyare sayo
Frieda: Accident. Pero oks na ko. Kaya nagcchat ako sayo diba hahaha
*** *** ***
"Baliw ka talaga." Sabi ko sa kanya. Pinag-face mask ako ng parents niya, paranoid sila na baka raw mainfect yung sugat ni Fritz.
Tumawa siya ng mahina. Antagal na since nakita ko si Fritz. Shoulder-length na yung dati niyang buhok at may orange na highligts sa dulo- baka siguro influence ng mga kaibigan niya sa Mapua.
"Honey, we'll just have lunch ah, you want anything?" sabi ng mama niya.
"No thanks, I'm good." Ngumiti siya. "Mag-catch up muna kami ng friend ko dito."
"Okay." Sabi ng tatay niya. Tumingin siya sakin. "O bale EJ, iwan na namin muna kayo ah. Buti nalang may friend siyang nag-iintern dito, at least di siya bored."
Nang umalis na sila, umupo ako sa tabi niya. "Buti nalang paa mo lang napuruhan. Ano ba nangyari?"
"Last night lang yon.Lasing yung bumangga ng kotse namin. Bibisitahin ko sana parents ko dito sa San Juan. Buti nalang gising pa yung driver ko, nakatawag siya ng ambulance. At malapit lang kami dito sa ospital."
"Kailan ka raw makakaalis?" tanong ko.
"Tomorrow na. Di naman ganun kalala yung injuries ko daw. Hah, gusto mo talagang umalis ako, noh?" sabi niya ng pabiro. "Grabe, parang wala lang yung pinagsamahan natin dati."
Tumawa kami parehas. "Like nung play?"
"Dun tayo nagka-developan diba?" biro ko.
"Oo nga eh," sarcastic niyang sabi. "Oo super crush kita nun. Nagparaya lang ako nun para kay Gabbie-"
Napatigil siya ng salita kasi napansin niyang naglaho ang ngiti ko. "Ay. Sorry."
Umiling ako. "It's okay." Bumuntung hininga ako. "Alam mo... namimiss ko parin siya. Alam mo ba, buong first year ko tinatry ko siyang icontact?"
"Hindi siya nagpaparamdam sayo? Hindi parin?"
"Wala talaga."
Kumunot ang noo niya. "Sure ka?"
"Di ako magiging malungkot ng ganito kung hindi, diba?"
Di nawala ang kunot ng noo niya, parang nagdududa siya sakin. Bakit naman siya magdududa?
"Ahh. Okay."
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...