Ngayon.
"Anong ginawa mo dito."
Slowly, nilapitan niya ko. Ang laki na ng tangkad ko sa kanya, mga ilang pulgada rin. Dati nung high school, halos magka-height lang kami. Puberty siguro. Although I have to admit, ang ganda niya parin. Hindi nagbago ang mga mata niya, pero sa bawat segundong tinititigan ko ang mga mata ni Gabbie, unti-unti kong naalala ang lahat.
"Seph told me what happened," nagsimula siya. "Galit siya actually, sakin. Fritz din, as well as Ollie."
Sinama niya pa talaga lahat ng tropa namin? "Si Ange?"
"Di ko alam. Di siya nagpaparamdam lately, so I can only guess Seph told her din. Raph... well, Raph is Raph. Busy sa acads."
"So bakit ka nga nandito?"
Nagkibit siya ng balikat. "I don't know, pero... to explain? Catch up? I keep asking myself if now's a good time. Though since gabi na I guess I'm wrong..."
"Not your first time na mali ka," sabi ko. "Shit lang, Gabbie. Ilang... ilang years ang lumipas? Isang taon ka nang nandito. Di ka makapick ng tamang panahon para magparamdam?"
"And knowing that, do you want me gone now?"
"No."
"Bakit?"
"Kasi baka bukas, mawala ka na ulit. Baka pagmulat ko kinabukasan, nasa Canada ka na naman. Pero... shit, ang gulo na. Akala ko magiging maayos ang mundo ko kapag nagkita tayo ulit. Pero ngayon... lalong gumulo."
Nagsimula nang dumaloy ang luha niya.
Sa akin din.
After a while, nung humupa ang luha niya, nagsalita siya ulit. Ang lapit na namin sa isa't-isa.
"What do you mean by that? Na lalong gumulo?"
Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Marahil, nakita na niya sa mangiyak-ngiyak kong mga mata ang sagot.
Umoo siya at pinunas ang mga luha sa kanyang mata. "Oh. Oh, okay." Bumuntung-hininga siya't humarap sakin. "Well, I think pagod na tayo parehas. Alis na ko. I guess... I guess I'll see you around."
"Gabbie-"
"Don't worry, okay?" sabi niya. Pinipilit niyang ngumiti. "Di ako mawawala. Di na kagaya ng dati. But you should know, I wouldn't be here for long. If you still want me, tell me. Or else it'll be too late again."
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...