22. Kinabukasan

29 0 0
                                    

Kinabukasan

Hindi parin ako pinapansin ni Alex. Sina Meg at Andrea, todo bantay sa kanya- para bang sinisignal nila siya pag palapit ako, at lalayo si Alex. Naghahanap siya ng excuse para lumabas. Kahit yung mga text ko sa kanya, hindi niya pinapansin.

"Nalaman ba niya?" bulong ko kay Sid habang nagtatitrate kami. Bawal ang maingay sa QC Lab, kaya pabulong lang kami.

"No," sabi niya, sabay facepalm dahil nag-overstep na naman siya. "Puta... hindi EJ, tahimik lang kami kahapon, swear."

Kinuhaan ng fresh na reagent ni Elijah si Sid. "Just explain, pre. I'm sure maiintindihan niya yun. Anlaking step nga yung ginawa mo eh."

"We're proud of you," bulong nina Rotsen at Robin nang napadaan sila. Since Salceda ang last name nila, sa ibang grupo sila. Unfortunately, wala sa aming lima ang kagrupo ni Alex, kaya wala akong info.

"Siya, hindi..." himutok ko. Lalo pa kong nalungkot nang nag-overstep ako, nagkulay violet ang sample. Kumuha muli ako ng reagent ( "Cordero, wake up, 'di ka matatapos nyan," biro pa ni sir nang nadaanan ko) nang nagkabangaan kami ni Meg.

"Ow!"

"Sorry..." sabi ko. Nakita niya kung sino ang nakabangga sa kanya at sumimangot.

"Excuse."

"Meg, wait... need kong makausap si Alex."

Hinablot niya ang reagents na nahulog. Buti di naman gaano natapon. "Nako. Ikaw ah, nilalandi mo bff ko pero malaman-laman ko na may binabalikan ka-"

"Okay, wait." Bulong ko. "San mo narinig yan?"

Inirapan niya ko. "Kay Sid, naririnig ko silang nag-usap kahapon ng mga tropa mo. Then wala ka pa that day, kaya pala, hmph."

"Bumuntung-hininga ako. "Okay, Meg. Di yan ang nangyari. May inayos lang ako- alam ni Alex yan. Kailangan ko lang iexplain yung nangyari."

"Edi kausapin mo. Wag mo ipadaan sakin."

"Pano ko siya makakausap kung nilalayo niyo siya? Please, Meg."

Nag-hesitate siya saglit bago magsalita muli. "Wag mo siyang sasaktan, EJ Cordero. Mahal naming lahat si Alex. Marami na kaming guys na tinaboy."

"Hindi mo ko matataboy."

"We'll see." Tumingin siya saglit kay Alex. "Ako na bahala. Now, shoo! Magtatitrate pa ko."

Habang nagtatitrate muli ako, hindi ko maiwasan na tumingin sa grupo nila. Sa pangatlong beses kong pasimpleng tingin, tinitigan na ko nila Meg at Andrea. Kumunot ang noo ni Meg, as if na sinasabi niyang wag kang pahalata! Kaya tinapos ko nalang ang experiment.

Di nagtagal ay natapos na ang lab. Naglinis na kami ng mga gamit at nagbalik ng iron stand sa likod.

May kumalabit sa likod ko. Si Alex.

"Hey," simula ko. "Alex, may kailangan akong iexplain sayo-"

"It's okay," putol niya. Sa dulo, nakita kong dali-daling umalis ang barkada nila Meg, tsaka yung mga tropa ko rin. Nag-thumbs up ba sakin si Sid nang paalis siya.

"I... I didn't know what to do. This is all new to me,' sabi niya. "Relationships and stuff. Nung nalaman ko yung nalaman ni Meg, I... I expected the worst. Ayoko nang bigyan ka ng chance na magpaliwanag, kasi ayoko nang masaktan."

"Pero hindi 'yun ganun. Siguro kung bibigyan mo ko ng chance..."

"Why? How can I trust you?" tanong niya. "I want to trust you. I want to trust you na that was nothing. Pero andami ko nang naiisip, eh."

Ang Kalahati Kong NawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon