June 2011, 2nd year
"Okay class, I want you to welcome Mr..." tumingin si mam sa class list niya. "Ezra Jerome Cordero... he's a new student here and I want you all to welcome here. Clear? So Mr. Cordero, tell us something about yourself."
Namutla ako bigla: 30 pares ng mga mata ang nakatingin sakin bigla. May mga natatawa na sa likod, may mga nagbubulungan, siguro pinag-uusapan ako. May mga patagong nagce-cellphone. Huminga ako ng malalim at nagsalita. "Um, I'm 14 years old po, I'm from Manila pero natransfer po ng trabaho yung mama at papa ko kaya dito na po kami sa Novaliches." Uupo na sana ako nung may pahabol pa si teacher.
"Yun lang? Do you have any siblings? Ano work ng parents mo?"
Kumunot ang kilay ko sa inis. Bakit ba ganito lagi? lagi nalang nag-iinterview ang mga teacher pag new student?
"Um, sa office po yung parents ko. Tapos may ate po ako, 4th year college na po ngayon."
"Ahh." sabi ni mam. "Okay, please take your seat."
Sobra ng sampung upuan sa likod ang room; lahat ng mga kaklase ko ay magkakatabi maliban sa isa. Nag-iisa siyang nakaupo sa last row. Dahil no choice ako, umupo ako sa tabi niya- well, di naman sa tabi. Nilagay niya kasi sa tabi niya ang bag niya, kaya umupo ako sa sumunod. Tiningnan niya lang ako saglit at bumalik sa librong binabasa niya. Maputi siya at natural na brown ang mata- pakiramdam ko may lahi to. nakatali lang ng simpleng ponytail ang buhok niya. New student din ata 'to kagaya ko- late kasi ako ng dating kanina. Napansin ko din na parang hati-hati ang mga estudyante sa room- sa isang tabi, nandoon ang grupo ng ilang mga babaeng halatang mayayaman. Pinagyayabang nila ang luho sa mamahaling bag at sapatos, mga kumikinang na hikaw at iba-ibang kulay ng contact lens. Sa tabi nila ang mga matatangkad at bruskong lalake na maiingay at pilit na kinukuha ang atensyon ng mga babaeng iyon, pero iniirapan lang sila. sa gitna naman, may mga estudyanteng puro mga comic books o kaya textbooks namin ang hawak-hawak at nagbubulungan ng mabilis. Marami sa kanila ay nakasuot ng salamin.
Napangiti ako ng kaunti. Para akong nanonood ng tipikal na high school movie. Para akong karakter sa isa sa mga wattpad books na kinaadikan ni ate. Di ko namalayan na natawa na pala ako.
"Bakit?" tanong ng babaeng katabi ko. nahiya ako kasi para siguro akong weirdo na tumatawa ng mag-isa.
"Wala naman," sabi ko. "Para lang kasing..."
"ang cliche, noh?" sabat niya. "Parang wattpad lang eh."
"Parehas pala iniisip natin eh." Inabot ko ang kamay ko. "EJ pala. Ikaw?"
Parang di niya ata inaasahan na magpapakilala at makikipag-kamay ako, pero nakipag- shake hands din siya. "Gabbie pala. Um, nice to meet you."
Nakarinig ako ng mga bulong sa amin. May mga nakatingin sa aming dalawa. Di ko narinig ang iba, pero may narinig ako na "friends with the loser", "magsama sila", at iba pa. Nainis ako at hinanap kung san nanggagaling iyon, pero nagtanga-tangahan sila at binaling ang tingin.
Nagkwentuhan kami saglit ni Gabbie. Nalaman ko na old student pala siya at sa may malapit lang ang bahay niya sa amin- nakatira sila sa katabing subdivision. Kinuwento ko sa kanya tungkol sa lumang eskwelahan ko, kung san ako galing, pero kapag sinusubukan kong tanungin ang tungkol sa kanya, nahihiya siya. Di namin napansin na nag-ring na ang bell. Lunch na pala.
Lumingon ako sa kanya, parehas kaming papaalis ng silid. "Pwede ako sumama sayo maglunch? Bago palang ako dito eh."
"Sige lang- ARAY!" Isa sa mga babae ang bumangga sa kanya.
Inirapan kami ng mga kasama niya. "Tabi nga. Nakaharang eh."
"Nakaharang? Ang lawak ng daan ah." sabi ko. Inirapan lang nila ako at umalis na sila. Tinapik ni Gabbie ang balikat ko.
"Wag mo na sila patulan," bulong niya. "Mga puta yan." Napatawa ako sa sinabi niya at tinanong kung okay lang ba siya. Umoo siya.
Sa third floor pa ang room namin, kaya nang pagbaba namin sa canteen, halos puno na. ang mga natirang monoblock ay puno ng bubblegum o basura. Nagtaka ako kung bakit sobrang dumi naman. Mukhang malinis naman ang campus.
"Pano yan?" sabi ko sa kanya. "San pa pwede kumain?"
Tumingin siya saglit sa bintana. "May alam ako. Tara. May baon ka naman, diba?"
Hugis "L" ang main campus ng bago kong eskwelahan; paglabas nito ay matatagpuan mo ang open field, na kung saan nakaupo ang mga estudyante. "Dito kami sumasayaw kapag Foundation Day, tsaka pag may mga events sa school," kwento ni Gabbie. Pumunta kami sa bandang gilid, sa malaking puno ng aratiles na may kahoy na picnic table. Doon kami umupo at nagsimulang kumain.
"No offense ah, pero bakit parang ang sama ng ugali ng mga kaklase natin?" tanong ko. Natawa siya.
"Di ko alam, pero dito kasi sa St. Michael may mga clique na talaga. Either maki-fit in ka sa mga grupo o maging outcast ka."
"Ganun? Ikaw?"
"Ayoko. At kahit na gusto ko, wala naman din akong masasalihan sa kanila." Kumunot ang noo niya at sumimangot. "Alam mo, since new student ka, may chance ka pang magpalit ng kaibigan. Go, makisali ka sa mga nerdo o sa varsity. O kaya sa mga nagbabanda."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Magpalit ng kaibigan? Shet, ganito ba talaga kayo mag-isip dito? Ayoko, hindi ako ganun."
"Talaga? Aasarin ka din kagaya ko."
"Bahala sila. Tsaka ireport nalang natin sila sa guidance counselor natin."
"Baka magkaiba tayo ng ugali tapos di ko gusto yung gusto mo. Baka-"
"Ba't mo ba ko pinapaalis?" sabi ko. "Ikaw yung unang kaibigan ko eh. At mas pipiliin pa kita kesa sa mga gagong kagaya nila."
Sabi ni mama, ugali ko na daw iyon: na kapag tinataboy ako ng isang tao, lalo akong nagkaka-interes na kilalanin o alamin ang tungkol sa kanya. Kaya siguro kahit anong taboy ni Gabbie sakin, di parin ako aalis. Tsaka besides, kung papipiliin ako between siya at mga feeling-Mean Girls na bitch kumilos, o mga alphang lalaking malamang ay walang mararating sa buhay... ok na ko sa choice ko.
At doon nagsimula ang pakikipagkaibigan ko kay Gabriella Marie Torres.
Kung alam ko lang ang mangyayari, hindi na ko siguro umupo sa tabi niya noon.
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...