20. Panyo

16 0 0
                                    

October 2013, Fourth Year.

"Happy birthday."

May dala-dala siyang maliit na box na naka-gift wrap.

Nahiya ako. "Luh. Sabi ko sayo wag na eh..."

"Don't worry, di yan mahal. Wala pa tayong one year, so di kita pagkakagastusan ng grabe," asar niya. Tumawa ako't piningot siya sa ilong- mga maliit na lambing kong ginagawa every time na kinukulit niya ko. Inawat ni Gabbie ang kamay ko.

Nakaupo kami sa labas ng bahay nila. May bunga na yung mga kamatis ni Tita Marcie, pati yung mga jasmine. Ang bango ng paligid. Last year, nung 2nd year palang kami, napansin ko na walang tanim si tita dito. The fact na naghahardin na siya (favorite past time daw niya, sabi ni Gabbie) at nakangiti na siya pag hinahatid ko si Gabbie sa bahay... baka maayos na yung relasyon nilang mag-ina.

"Buksan mo na."

Dali-dali kong binuksan ang box. "Woah."

Tatlong puting handkerchief ang regalo niya sakin, pero may dinagdag siya: sa gilid, may naka-embroider na pula.

"Cherries? Hindi... aratiles? Aratiles to, no?"

"Yup. Siguro sappy lang ako nung tinahi ko yan," ngiti niya. "Para maalala mo yung puno- at ang prutas- na nagtulak satin."

Hindi na siya nakapagsalita, kasi hinalikan ko na si Gabbie sa labi.

Ilang segundo lang yun nagtagal kasi naramdaman kong may nakatingin sa amin.

"Ehem," mahinang tawag ni tita Marcie samin.

"Ma!" sambit ni Gabbie. Namumula siya- dahil siguro sa kahihiyan.

Ngumiti lang si tita. "Pasok ka na anak, kain na. EJ, gusto mo sumabay? Masarap ako magluto ng menudo."

Ang Kalahati Kong NawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon