Ngayon.
"May kapartner ka na?" tanong ko kay Sid.
Today, napag-desisyonan ni Ma'am Rosie na magpa-activity (teacher namin sa English 3). Pipili kami ng topic at ippresent namin siya na parang thesis namin. Simulation daw para daw sa "totoong" defense namin. Dahil gawa-gawa lang 'to, by partner nalang daw imbis na isang grupo. Eh ang malas ko kasi nakatulog ako nung nag-announce siya, kaya naghahanap tuloy ako ng kapartner.
Ngumiti siya. Alam ko 'yang ngiti niya- yung ngiting may masamang balak. "Wait lang..." pumunta siya saglit kay Meg. Tinuro niya ko tapos ngumiti silang dalawa. Bumalik si Sid sa pwesto ko. "Tol sorry ah. Partner na kami ni Meg eh."
"Ay ganun? Sige-"
"Pero si Alex daw wala pang partner."
Tinaasan ko siya ng kilay. Eto pala ang plano niya. "Gago ka talaga."
"Pre sige naaa- ngayon lang to. Activity lang naman diba? Pagbigyan mo naman ako, best friend mo ko eh." Akmang aalis na ko nung pahabol siyang nagsabi na wag na kong maghanap ng iba, at nakakahiya naman daw kay Alex.
Dumayo ako sa last row, kung saan nakaupo si Alex.
"Uy, hi EJ!" Sabi niya. "Wala ka daw partner?"
"Wala pa eh. Ok lang sayo?"
Nagbulungan sina Meg at Andrea- mga kaibigan niya- at nag "yieee" sila, pero di ko sila pinansin. "Sure, go lang," sabi ni Alex. "Kailan natin to sisimulan? When ka ba free?"
"May meeting kami ng thesis groupmates ko mamayang hapon eh. Mamayang gabi, free ka?"
"Free ako, though mag-aaral pa ko sa quiz natin bukas sa qc. Gusto mo samahan mo ko."
"Sure." Pwede rin. Para after naming pag-isipan yung report namin mag-aaral na ko agad. "Sa Espana ka naka-condo diba? San tayo pwede magkita?"
"Text nalang kita kung saan. 8 pm later?"
Ngumiti ako. "Okay. Thanks Alex."
Bumalik ako sa pwesto ni Sid. "Musta? Date kayo?" asar niya.
"Ulol." sabi ko.
"Bakit ba burat na burat ao? Ikaw na ngang tinutulungan ko eh. Gusto ko lang naman kasi na magka-syota naman ba yung best friend ko before tayo grumaduate. Mabait naman si Alex, maganda- kamukha niya si Janella actually-, talented, parehas na nerdo kagaya mo... ano pa hahanapin mo?"
Umiling ako. "Hindi naman porket ganun eh gugusto na ko agad, Sid."
Nag-announce si Hans- presidente namin- na wala na daw pharcare kasi maysakit si Mam Martinez, kaya umalis na kami ni Sid sa classroom since last class namin siya.
Nagkita-kita kaming magkakabarkada; kasama ko sina Sid, Elijah, at ang kambal na Robin at Rotsen. Maaga pa pa naman kaya nag computer shop muna kami ng dalawang oras. Pagkatapos ng dalawang match sa dota (na parehas talo kasi nabaog sa mid si Rotsen), nagpaalam na kami sa isa't-isa. Sinundo ni Elijah ang nakakabata niyang kapatid sa high school habang sinundo naman nina Robin at Rotsen ang mga girlfriend nila.
"Nakakatuwa talaga yung dalawang 'yon," sabi ko kay Sid habang pauwi kami sa dorm. "Sabay na nga silang pinanganak, halos sabay ding nagka-syota."
"Oo nga eh. Ilang years na sila ulit?"
"Wala pang years. 4 months palang sina Rotsen at Ann. tapos 3 months si Daisy at Robin." Nakilala ng kambal sina Ann at Daisy sa isang debut ng kaklase namin. Pinakilala sila ng debutante, tapos who would've guessed na hahantong pala sa ganito.
"Eh ikaw? Ano plano mo?"
"Mas concerned ka pa sa love life ko kesa sakin ah. Sid, wala ka naman ding syota ah."
"Okay first correction ah," sabi niya, ng may nakataas na daliri. "Ayoko naman kasi ng girlfriend. Alam mo naman ako, landi landi lang."
"So fuckboy ka?"
"Putangina ka. Second correction, di ako concerned sa love life mo- concerned ako sa kawalan mo ng love life. Sa 'ting lima ikaw lang ang wala man lang nakalandian or pinormahan. Like, ever. Di ka naman bakla diba?"
Kinutusan ko siya sa ulo- na medyo mahirap kasi mas matangkad si Sid kesa sakin. "Gago, lalaki ako!"
Tumawa siya. " Alam ko, alam ko."
Nagkibit lang ako ng balikat. "Eh tol wala eh. Walang dumarating. Di ko naman kasalanan yun diba?"
"Walang darating kung di ka naghahanap. At walang walang darating kung ayaw mo."
Kumunot ang aking noo. "Anong ibig sabihin mo?"
"Yung mystery girl mo." Tinignan niya ko ng seryoso at tumigil sa paglalakad. Bihira lang magseryoso si Sid. "Sino ba siya talaga, ha?"
Ako'y bumuntung-hininga. Ilang araw na kong kinukulit ni Sid tungkol sa kanya. "Fine, kung gusto mo talaga malaman. Siya yung unang kaibigan ko nung bagong pasok ako sa high school namin."
"best friend?"
"... Kind of."
"Eto realtalk to ah. Nagkagusto ka sa kanya?"
Katahimikan ang sinagot ko. Matagal bago ako sumagot.
"Alam mo Sid, may mga kwento talaga na ayoko nang balikan. Si Gabbie... siya yung isa sa mga 'yon."
"I disagree," sabi niya. "kasi base sa nakikita ko ah. May dahilan kung bakit di mo pa ginagalawan si Alex, or any girl for that matter. May di ka pa naaayos sa past mo. Tama ba? So ikwento mo lang yan, ilabas mo yan. Andito lang naman ako eh."
Ano bang alam ni Sid sa parte ng buhay ko na yon? Gusto kong mainis sa kanya, pero nakita ko ang mukha niya. Wala man siyang sinasabing iba, wari'y nababasa ko na ang nasa isipan niya.
'Kung mali ang sinasabi ko, bakit hindi ka nagagalit? Patunayan mo na mali ako.'
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...