MARCH 2014
EJ: Gabbie, totoo ba?
EJ: Umalis ka na?
EJ: Gabs, ba't naman di mo sinabi sakin? Alam mo naman maiintindihan kita kung sinabi mo diba??
EJ: Alam kong nababasa mo ko. Please lang. Gusto ko lang mag-usap tayo.
*seen 16:41 pm*
EJ: Mahal, wag mo naman to gawin sakin.
*** *** ***
APRIL 2014
EJ: Was it worth it?
EJ: Na balikan yang tatay mo? Akala ko ba galit ka sa kanya kasi umalis siya?
EJ: Tapos susundan mo din siya dyan sa Canada.
EJ: At iniwanan mo ko.
EJ: Paano na ang mga pangarap natin
EJ: Paano na tayo?
*seen*
*** *** ***
JULY 2014
EJ: Start na ng classes ko bukas
EJ: Ano na kaya ginagawa mo
EJ: Alam mo sabi nila mama't papa, kalimutan na raw kita.
EJ: Pero putangina ang sakit eh di ko kaya
EJ: Nakuha ko yung gusto kong course, sa college na gusto ko
EJ: Pero yung taong mahal ko, umalis na
*** *** ***
December 2014
EJ: Merry Chrisdtmasd
EJ: S ana n akuha
EJ: mo na yung gusto mo ah
EJ: Kingina msahl ps ren kita
*** *** ***
JANUARY 2015
*You cannot reply to this conversation.*
*** *** ***
MARCH 2015
Ezra Jerome Cordero <corderongjerome@gmail.com> >
To: Gabbie Torres <torresgabbiemarie@gmail.com> >
Re: Mahal, Please Read This
Gabs, I'm not sure if marereceive mo pa to. Blinock mo ko sa fb, dinelete mo na twitter mo, inaask ko lahat ng pwede kong pagtanungan, wala rin silang balita sayo. Pati pala yung nanay mo sinundan na kayo dyan. Alam ko yun kasi nung pumunta ako sa bahay niyo dati, ibang tenant na ang nandoon. Gusto ko lang ng... siguro, closure. Kasi bigla ka nalang umalis. Right after pa ng graduation natin. Alam ko naman na may mga kailangan ka pang ayusin regarding sa pamilya mo. Ang sakin lang isa sana hayaan mong tulungan kita. Ganyan ka na, dati pa. Lagi mong gustong ikaw na ang magpasan ng mga problema mo. Ayaw mong may nadadamay sa sakit mo. Pero Gabbie, ever since nung narealize kong gusto kita, nangako ako sa sarili kong hindi kita pababayaan. Na araw-araw, mamahalin ko tong babaeng to- itong babaeng unang nakipagkaibigan sakin, sa isang mainit na araw nung High School kami. Yung best friend ko na nagturo sakin ng pinakamagandang pwestong kumain at tumambay sa buong mundo. Mahal ko yung Gabbie na kasama ko noong umupo sa ilalim ng puno ng aratiles. Our special place. Naalala ko ang lahat. All the times na sumaya ang buhay ko dahil sayo.
So please, please lang. Handa akong maghintay. Kasi you're worth it. Buong mundo man ang nagsasabi sakin na ang tanga-tanga ko- ba't ako maghihintay sa isang taong iniwanan ako- nandito ako. Naghihintay na bumalik ka.
Kung sakaling naglalakad ka sa labas, tumingin ka lang sa langit, kagaya nang ginagawa natin dati. Malamang sa malamang, nakatingin din ako doon. At mararamdaman mo ko nun, kahit na nasa kabilang dulo pa ko ng mundo. Mararamdaman mong mahal parin kita.
________________________________________________________________________________
AUGUST 2015
Gabbie Torres <torresgabbiemarie@gmail.com> >
Reply to: Re: Mahal, Please Read This
EJ, stop.
Please.
*** *** ***
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...