14. Ngayon VI

22 0 0
                                    

Ngayon.

Ilang linggo na ang lumipas matapos nang nalaman ko na nasa bansa na si Gabbie. Sa ngayon, 3rd day na ng Pharma Week. Para akong naka-autopilot: aral, tambay, dota, uwi. Di ako makausap ng maayos ng mga kaibigan ko. Tingin ko, nag-usap sila na wag i-mention yung nangyari nung gabing iyon, para di ako masaktan, kasi di nila pinag-uusapan. Di nila pinag-uusapan ang pagpilit kay Seph na kunin ang number ni Gabbie, at tawagan siya habang lasing na lasing ako.

Nag-ring ang telepono ko noon. May sumagot.

"Hello? Who's this?" sabi ng boses sa kabilang linya.

Tangina. Alam ko yang boses na yan. Lumambot ng konti ang English niya dahil siguro sa ilang taonniyang pagstay sa Canada, pero kilala ko siya. Kilala ko yan.

Di ako makapagsalita. Pangalan lang niya ang nasambit ko.

"Gabbie."

Para akong nakuhanan ng hangin. Alam mo yung sobrang dami mong tanong, sobrang bilis ng daloy ng isipan mo na di mo na alam kung anong uunahing sabihin sa kanya?

Kamusta ka na? Okay ka lang ba?

Bakit hindi ka na nagparamdam sakin?

Bakit 'di mo sinabi na bumalik ka na?

Mahal mo parin ba ako?

Kasi ako...

"EJ..." nagsimula siyang magsalita, pero di ko na narinig ang kanyang sinabi. May paakyat sa lalamunan ko.

Binaba ko ang phone sa lapag at kumaripas sa malapit na CR para isuka ang lahat ng laman ng tyan ko.

Parang ang tagal ko sa toilet nun. Hilong-hilo akong inuwi ni Sid. Yun ang huli kong alaala.

*** *** ***

"Sorry bro, di kita masasamahan sa concert mamaya," sabi ni Sid.

"Hala," sabi ko. "bakit naman?"

"Checkup daw ni Madel today eh, napush ng ilang araw earlier." Si Madel yung nakilala niya sa bar a month ago. Ilang linggo na raw kasi siyang delayed eh gusto niya ng kasamang magpa-checkup. For the past week napapansin naming kinakabahan na siya. Di na niya ko kinukulit masyado, halatang nababagabag. Nung mag-isa kami sa dorm, inamin niya saking takot pa nga raw siyang maging tatay.

"Hala pano yan... baka di na rin ako mag-concert." Tumingin ako kay Elijah. "Ikaw kasi may org ka." Tumingi ako sa kambal. "Kayo naman magddouble date sa labas."

"Gusto mo maki-third wheel?" offer ni Rotsen sakin.

Tumawa ako. "Nako wag na. Baka di naman magustuhan nila Daisy at Ann yun. Baka di na ko pupunta."

"Dota nalang pagkatapos?" yaya ni Elijah.

"Tara, tapos inom," sabi ni Sid. "Mukhang kakailanganin ko ng inom eh."

Natapos ang usapan namin nang dinismiss kami ni Sir Rodel, lab professor namin sa Pharmacognosy (may make up class kasi kami kahit na Pharma week na.) Pagkatapos ng ilang oras, concert na- highlight ng Pharma Week namin. Pero since busy lahat ng mga best friends ko, eh baka magcchill muna ako sa dorm. Alangan namang magstay lang ako dun ng mag-isa, para akong engot.

Umuwi na ko't pumunta sa dorm. Makalipas ng ilang oras, naririnig ko na ng mahina ang tunog ng concert- mga intermission na banda palang siguro. 5 palang eh. Dahil sa pagkainip- at para menjoy ko naman yung 200 na binayad ko sa ticket- nagbihis ako ng matino at bumalik sa concert grounds, kahit saglit lang.

Ang Kalahati Kong NawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon