6. Ngayon III

24 0 0
                                    

Ngayon.

"Ano sagot mo sa number nine?" tanong ko kay Alex habang humihigop ng inorder niyang latte.

"Yung molarity ba ng HCl? 0.452." binaba niya ang kanyang ballpen at kumagat ng donut. "Pero 1:2 ang reacting ratio ng carbonate at HCl diba?"

"Oo, pero di ko makuha. Pwede patingin ng notes mo?" binigay niya sakin ang kanyang notes. "Ah, baliktad pala ang reacting ratio ko. Yung 1 pala dapat nasa taas. Thanks Alex."

"Welcome. Ready ka na ba sa quiz?" tumawa kaming dalawa.

"Antagal naman nila Andrea at Meg. Alam naman nila kung pano pumunta sa dorm mo, diba?" usisa ko. Hindi sumunod si Sid samin, may "lakad" daw siya. Nag- Happy T nanaman ata. Kapag yun bumagsak ng QC 1, di na ko magugulat.

Nagkibit lang ng balikat si Alex. "Inaantay ko pa yung call nila. Okay lang sayo? Na... dalawa lang tayo?"

"Sure, go lang. Ang ganda ng building ng condo mo ah. May coffee shop sa loob para di ka na lalabas." Paano naman kasi, anak mayaman si Alex. Government official sa province nila ang nanay niya tapos doctor pa sa isang cruise ship ang tatay niya. So di na ko nagulat na naka-condo siya sa Theresa Towers. Mga rich kid lang ang nagsstay dito eh.

Nagring ang phone ni Alex. "Boyfriend?" asar ko. Tumawa lang siya at dinilaan ako.

"No, si Andrea 'to."

"Ah, so girlfriend?"

"Baliw! Hahaha..." Sinagot niya ang tawag at lumabas- choppy daw siya.

Gabi na, pero puno padin ang Avilon Cafe. Exam week ata ng Artlets, kasi marami akong nakikitang naka-AB na uniform na nag-aaral at umoorder ng matatapang na espresso. Medyo malaki ang coffee shop, pero palagay ko'y understaffed sila sa mga waiter. Mukha na kasi silang pagod at toxic. Italian-inspired ang design at furniture ng cafe. Sa counter, nakapila ang ilang tao, umoorder ng coffee sa cute na ateng cashier. Ang bango ng simoy- naghalong bagong lutong cookies at freshly brewed na kape.

Naalala ko nung home economics namin ng third year kami. Nagbake kami ni Gabbie ng coffee-flavored muffins, tapos muntik na kami ibagsak kasi nakalimutan kong dagdagan ng asukal...

Nahuli ko ang aking sarili na nakangiti. Unti-unti itong naglaho at napalitan ng usual na simangot ko. Hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng maalala ko siya ulit. Pinangako ko na sa sarili ko na kahit anong mangyari, kakalimutan ko na siya.

Bumalik si Alex sa kinauupuan niya. Kung ano mang pinag-usapan nila, nakakatawa siguro iyon kasi namumula pa ang kanyang mga pisngi sa kakatawa. "Uy si Andrea and Meg daw di makakapunta."

"Hala. Bakit naman?"

"Si Meg daw dumating ang boyfriend niya, tapos si Andrea may meeting daw ng groupmates niya sa thesis. Emergency meeting."

"Ahh.." then naalala ko yung partner activity namin sa English. "Ay Alex, pano pala yung discussion natin?"

Nanlaki ang kanyang mata. "Oo nga pala! Gusto mo later nalang natin ituloy to? Maghanap na tayo ng topic then i-combine nalang natin yung research sa weekend."

"Pwede rin. Tara..."

Hindi nagtagal ay nakahanap kami ng magandang irereport: tungkol sa crisis ng Antimicrobial Resistance sa bansa. Next week Monday, kailangan compiled na yung powerpoint namin kasi Tuesday ang reporting.

Nang nag-aral muli kami sa QC, may naalala akong kwento ni Elijah tungkol kay Meg (lab partner niya siya sa QC) . "Wait, diba break na sina Meg at ng boyfriend niya?"

"Umm, yeah... pero nagkabalikan daw sila. Like last week lang."

"Ahh... wait, di ka ba sasama sa meeting ng groupmates ninyo? Kagroupmate mo si Andrea, diba?"

Ang Kalahati Kong NawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon