November 2011, Second Year
"Gabbie anong gusto mong gawin ko?! Wala na ang papa mo. Wala na. Nambabae na sa Canada. Ikaw bata ka, simula nang nilabas kita ako lang ang nag-alaga sayo. AKO LANG. Bakit mo hinahanap yung wala? Ano? Naiingit ka sa mga kabarkada mong buo ang pamilya? Well guess what anak- HINDI TAYO KASING SWERTE NILA."
"MA BAKIT MO KASI TINAGO TO?!" May narinig akong crumpled na papel na tumama sa kung saan. "AKALA MO DI KO MAKIKITA?! HA? GUSTO KO SIYANG MAKITA MAMA! Bakit kailangan niyong mag-decide para sakin kung makikita ko ba yung tatay ko o hindi- KARAPATAN KO YUN..."
"Yan talaga ibbwelta mo sakin, ha? Sige, umalis ka! 'inang batang to... MAKITA MO KUNG GAANO KATAKAW SA SARIWANG PUKE YANG BUMUO SAYO."
Hindi pa ko nakakagalaw sa harap nila nung binuksan niya ang pinto. Andun si Gabbie, naka- t shirt at leggings. Sa likod niya ang kanyang nanay. Para siyang pinatandang Gabbie- Parehas ang wavy na buhok nila. Ang pagkakaiba lang ay ang mga mata. Itim ang sa nanay niya, at nakakunot ang mga iyon sakin.
Parang wala lang ako sa harap nila nung biglang bumirit ulit ang nanay ni Gabbie- Si Mrs. Torres. "Siguraduhin mong may susi ka ah! Hindi kita pagbubuksan-"
BANG! Kinalabog ni Gabbie ang pintuan nila nang pasara. Pinipigilan niya ang mga luhang pumatak. Tinignan niya ko.
"Hindi mo na kailangang makita yun. Ba't ang aga mo?"
"Gabbie, gusto mo next time nalang tayo-"
"Fuck next time." Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara. Diba sabi ko sayo, ililibre kita ng burger para sa tulong mo?"
2 weeks ago, tinulungan ko sa science project namin si Gabbie. Solo lang dapat yun, pero dahil wala siyang masyadong alam sa nabunot na topic niya (Astronomy), tinulungan ko siya. May telescope si mama.
Naglakad kami sa Burger Machine na nasa gitna ng subdivision ko at ni Gabbie. Umorder siya ng buy 1 take 1 na cheeseburger- isang pair sakin, isang pair sa kanya.
"Dalawang burger? Kaya mo kainin yun?" pabiro ko. Pero di nawala ang simangot niya.
"Pag galit ako, kain ako ng kain. Tignan mo pagdating ng college, kasing taba na kita."
Tinapik ko ang bilbil ko. "Yup, nabubuntis na yata ako eh."
"buntis sa chichiria kamo."
May maliit na kong ngiting nakikita sa kanya. Nginitian ko rin siya.
"O, diba? Konti nalang mapapatawa na kita. Smile ka lang."
Sarcastic siyang tumawa. "Ha. Hirap these days."
"Yung tungkol ba sa kanina?"
"Nako. Araw-araw na pangyayari na sakin yun. Ayoko siyang pag-usapan- pwede ba kumain nalang tayo..."
"Sure," sabi ko. "Di na ko magtatanong kung ayaw mo talaga."
"Salamat."
Di nagtagal, dumating na ang order namin. Sarap ng burger.
"Baka di ko masabi sayo to. Nang matagal."
"Ok lang. Basta kung kailangan mo ng kausap..." tinuro ko ang sarili ko at ngumiti sa kanya. "tsaka kung kailangan mo ng ililibre. Dito ako."
Ayun sa wakas. Napatawa ko na siya. "Asa! Mauubos ang baon ko sayo."
Di nagtagal, nakalimutan na niya ang problema niya.
Hindi siya nagkwento sa akin nung araw na iyon. Aabutin ng isang taon pa bago niya ikwento ang lahat.
Kung paano nangaliwa ang papa niya, iniwan silang dalawa sa Canada.
Kung paano naniwala siya growing up na patay na siya. Hanggang sa dumating yung letter na galing sa tatay niya nung second year siya, nanghihingi ng tawad sa nangyari.
Nakasulat doon ang address at email ng tatay niya.
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...