October 2011, Second Year.
"IS THIS HOW STUDENTS OF THIS ESTEEMED SCHOOL ACT? LIKE WARMONGERING BARBARIANS?" Halos gumuho na ang guidance office sa nangangalit na boses ng principal namin, si Ma'am Pagsanjan. "Fighting like miscreants at the corridor! In front of the elementary students, no less! Ano? Magpaliwanag kayo!"
Kumikirot padin ang mukha ko sa mga sapak na natamo ko, pero ayos lang. Mukhang lamog na kamatis ang mukha ni Ernesto, at pakiramdam ko'y mas marami siyang sugat kaysa sakin. Buti nga sa kanya, putangina siya. Nanginginig padin ang kamao ko sa sakit- hindi ko maunat ang mga daliri ko sa sakit. Ang bibig ko'y tila pinuno ng pako dahil sa lasa ng bakal; nagdurugo na din kasi yung labi ko.
"Ma'am Pagsanjan," simula ko. "Siya po yung unang sumapak sakin."
"Di po yun totoo!"
"Totoo po yun! May sinabi siyang bastos sa kaibigan ko tapos hinamon niya ko ng suntukan nung nagalit ako sa kanya-"
"Tumahimik ka nga!" bulalas niya, at muling bumuka ang sugat niya sa labi.
"Enough!" tumayo si principal sa kinauupo niya. "I don't care what happens, that's still no excuse para magrambulan kayong parang mga manok sa sabong. Let me talk to Mr. Alfonso." Si Mr. Alfonso ang guidance counselor namin.
Nakahiwalay ang cubicle ni Ma'am Pagsanjan. Nakapalibot sa mga pader ng office niya ang samu't-saring mga certificate, litrato ng mga dating principal, at mga medal. Pag lumabas ka sa pwesto niya, naroon na ang table ng guidance counselor at iba pang mga importanteng miyembro na nagpapatakbo ng MASON. Malamang magulang o kamag-anak ng mga kaklase ko ang iba dito. Sa gilid ng sofa kung saan pinauupo ang mga nag-iintay ng appointment, naroroon naman ang cashier, na walang nagbabantay; Lunch break kasi nila ngayon.
"Papatayin kita, alam mo yon?" Bulong sakin ng may halong pangungutya at galit ni Ernesto.
Nanlilisik ang aking mata. "Subukan mo lang, dadalhin kita sa hukay. Pero bago yon, puputulin ko muna dila mo para di ka na makapagsalita."
"bakit ba? Sasabihin ko yung gusto kong sabihin."
lalong humigpit ang kamao ko. Lunch time na nun, naglalakad kami ni Gabbie pababa nung nakasalubong namin ang barkada ni Ernesto at ang barkada niya. Nagkkwentuhan kaming dalawa kaya di namin napansin ang gagawin nila. Sadyang tinisod ni Ernesto si Gabbie, at nadapa siya; medyo masama ang bagsak niya. Nagtawanan sila, at nang tinutulungan kong tumayo si Gabbie...
"Wow lumuluhod na si Torres sakin oh. Ano, tara mamaya sa CR?" Tumuon si Ernesto kay Gabbie. "Virgin ka pa, diba?"
Dumilim na ang paningin ko. Nilabas ko ang ilang buwan nang namuo na poot at galit, hindi lamang kay Ernesto kundi sa mga tarantadong estudyante ng lecheng eskwelahan na ito. Halos di ko maramdaman ang mga suntok niya, at ng ibang mga kasama niya. Namalayan ko nalang na nasa lupa kami ni Ernesto, sugatan. tumakbo na ang tatlong kasama niya- sa takot na baka masangkot sila pag dumating ang mga teacher namin. Isa sa mga lalaking guro namin ay hinatid kami ni Ernesto sa principal's office. Gustong sumama ni Gabbie pero sinigawan ko siya.
"Gabbie wag! Please lang."
Pinilit kong iunat ang mga daliri ko. Ang sakit, parang mapuputol na sila. "Bakit ka ba ganyan, Ernesto? Bakit ang siga mo, napaka-tarantado mo?"
Hindi siya sumagot. kagaya ko, unti-unti niya 'ding inuunat ang mga kamao niya. "Kasi ang hari dito. Ako ang alpha dito, ikaw wala ka lang. Wala kang kwenta."
"Kagaya ka rin nila noh?"
"Ano?"
"Pinilit mong maki-fit in sa grupo ng mga siga para di ka ma-dehado. Para hindi ka magiging kagaya namin ni Gabbie. Tama diba?"
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...