August 2012, 3rd yr High School
"For your assignment: write a reaction paper about 'Patricia of the Green Hills' and 'Dahong Palay'- four paragraphs, no more than 5 sentences PER paragraph."
Nagbuntung-hininga ang buong klase. Praning talaga si Ms. Balanarin. Nagbibigay na siya ng maraming assignment kasi baka masuspend na naman.
"Guys, I know we've been giving you too many assignments, but you need the practice! 3rd year na kayo, and just next year you'll be taking entrance exams for college! Might as well maghanda na kayo ngayon."
Walang naconvinced sa sinabi niya.
Umiling lang si Mam at may dinikit sa bulletin board namin. "Okay class. And another thing... remember All Saints' Theatre? It's upcoming na, diba?" event siya sa school namin every September 30. Bawat section ng 3rd year and fourth year ay magppresent ng class play base sa mga kwentong napublish ng mga teacher at alumni ng MASON over the years. 2nd week of August palang ngayon kaya di ko pa siya iniintindi.
"Well class, III-Anthony (section namin) will present Mapya. I've listed below who will be the actors, actresses, tech crew. I will be the director. Now-" nilakasan niya ang kanyang boses kasi andaming saming nagpoprotesta, "- Quiet! I will hear no complaints ah. I know you guys have your differences, but I'm expecting you all to coordinate as one team. One section."
10 minutes later, umalis na siya at nag-unahan kaming tignan tungkol sa role. Nagmadali kaming dalawa ni Gabbie- si Seph, nakisama rin kaso natangay siya ng mga estudyanteng tilang nagsstampede. Makalipas ang ilang minuto, nakita ko rin ang nakasulat:
MAPYA- PLAY
CHARACTERS:
A. SIKATUNA GANG:
... ... ...
... ... ...
Ezra Jerome Cordero as Felix Sikatuna
... ... ...
Gabriella Marie Torres as Teodora Precioso (Felix's Fiancee)
... ... ...
B. LAKANDULA GANG:
... ... ...
Frieda Alvarez as Aurora Lakandula
Joseph Derek Failon as Rodolfo Sinag (Aurora's fiancee)
Marami pang roles, pero di ko na binasa.
Anubayan. May role ako.
Pero sakto, si Seph at Gabbie may role din. At least magkasama kami. Bumalik ako sa kanilang dalawa at sinabi ang mga role nila.
"Teka lang, ano ba kwento ng Mapya?" tanong ni Seph samin. Oo nga pala: new student lang siya rito. Kinwento namin ni Gabbie sa kanya ang play.
Every year, laging may nagppresent ng Mapya. Para siyang pinoy version ng Romeo and Juliet, o West Side Story. Ang kwento bale is sa Manila, may dalawang magkaribal na gang: Ang Sikatuna, at Lakandula. Si Felix Sikatuna (character ko) ay naka-engage kay Teodora Precioso, isang anak ng sikat na politician; pero in love daw ako kay Aurora Lakandula, anak ng rival gang namin habang engaged si Aurora kay Rodolfo Sinag. Ang ending is- of course- mamamatay parehas sa putukan sina Felix at Aurora, habang magpapakamatay naman si Rodolfo dahil nadepress siya sa pagkamatay ni Aurora. Si Teodora, pumunta sa kumbento.
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...