Ngayon.
You have 3 messages.
Fritz Alvarez- @ 7:30 AM
EJ, I'm sorry na di namin sinabi sayo na nandito na siya. When Gabbie came back, she swore na kakausapin ka niya. She'd explain everything, just like how she explained to us. Kung kakausapin mo siya, just know na suportado ka namin. And I'll be here if you need me.
Gabbie- 6:00 AM
Hi. Gabbie here. Fritz gave me ur number. If you want to, I can explain everything. Can we meet sometime? I only have a few months 'till we get back, so before I go, gusto ko lang sana magkaayos tayo.
Alex Gravitas- Pharma @ 8:38 AM
Heyy... ba't wala ka pa?
"Anong isasagot ko dito?" tanong ko kay Sid. Nagkibit lamang siya ng balikat.
"Sabihin mo may sakit ka?" tumingin siya ng oras sa phone niya. "Gago 3 na pala. May QC pala tayo ng 3:30. Uy, babawi ako ng QC ah. Di kita kayang samahan buong araw."
"Go lang. Pero pre... Ayoko namang magsinungaling kay Alex."
"Well pwede mo rin sabihin ang totoo. Makikipagkita ako sa ex ko to clear things up." Umakyat siya sa kama niya't nagbuklat ng libro. "Basta kung sakali lang na tinanong ako, same dapat tayo ng sasabihin. Hah. Look at you. Di pa kayo ni Alex, nagtatago ka na sa kanya na parang boyfriend na gagala."
Ilang minuto bago ako nakaisip ng rereplayin:
Baka di ako makapasok today. May kailangan ako ayusin. Explain ko sayo later. Sorry.
"Pwede ba 'to?" pinakita ko sa kanya. Kumunot lang ang noo niya.
"Pwede... kaso magwworry yan. At nakita mo na bang nag-aalala si Alex? Ang lakas niya kaya mag-overthink."
"Ieexplain ko nalang pagkatapos."
"Sure ka usap lang yan?"
Umoo ako. Tinaasan niya ko ng kilay.
"Kasi it seems to me... parang may choice ka na kailangang gawin. Simulan yung bago mo? O bumalik sa dati?"
Tumingin ako sa kanya. "May pinagdadaanan ka rin ba tol? Parang ang seryoso mo ngayon."
Medyo malungkot ang ngiti ni Sid. "Diba? Di ako sanay maging seryoso. Ganito pala feeling... 'de, may naalala lang kasi ako sayo. Isa sa mga dati ko."
"Yung mga nakafling mo ba yan? Nung fuckboy days mo?"
"Hah. To be fair, I think hanggang ngayon fuckboy parin ako."
"Tangina, pano ba kita naging kaibigan?"
"Grabe naman, uy kahit papano may ethics ako ah... di ako kagaya ng ibang fuckboys dyan. No sleeping with girls na ayaw or di sure. Bawal ang may relasyon. Things like that."
"So sino nga?"
Bumaba siya at tinabihan ako sa table. Nagsimula siyang magtimpla ng kape. "As you know... fuckboy ako. Inaamin ko na yan. Hanap ko lang ay babaeng katabi sa gabi, tapos ghost na. For what it's worth alam naman nila na yun lang hanap ko- at yun lang naman din ang hanap nila."
" But may isang beses, isang inom nung sophomore year natin... may nakilala ako. I'm telling you 'tol, iba yung naramdaman ko nun sa kanya. Hindi libog. Hindi crush lang."
Nagsalita ako. "Ay teka. Parang alam ko 'tong storya na to ah. Di pa tayo masyadong close nun eh, pero kinwento sakin to ni Elijah." Naging close kami ni Sid nung naging ka-roomate ko siya last year.
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...