8. June 2012

10 0 0
                                    

June 2012, Third Year.

Nasa canteen kami nang narinig ko si Ernesto.

"Pre, sige na pautang naman oh. Wala akong pera ehh." Nagtawanan ang dalawa niyang kasama sa likod, sina Nestor at Clyde. "Pag nagutom kasi ako nagagalit ako. Baka mamaya..."

Humigpit ang hawak ng lalaking kausap niya sa kanyang tray. New student siya. Medyo maliit- ilang pulgada ang tangkad sa kanya ni Ernesto- at nakatali ang kanyang brown na sweater sa kanyang bewang. Hindi pa siya tumatakbo, pero alam ko yung nararamdaman niya isang tingin palang sa kanyang mga mata: natatakot siya. Pano naman, ilang pulgada ang tangkad sa kanya ni Ernesto- medyo maliit yung lalaki.

"Baka naman may pera yung mga k-kaibigan mo. Ba't ako tinatanong-"

"Tradition kasi yon. Diba mga pare?" Um-oo ang dalawa niyang ulipores. "Pag new student ka, dapat magbigay ka ng... tribute... sa old students."

May maliit na bilog nang pumapaligid sa kanila. Nanonood kami sa malayo ni Gabbie at ako (sa cafeteria kami kumakain dahil maulan sa labas), hindi na namin naubos ang baon naming dalawa. Di ko na matiis. Tumayo ako.

Hinawakan ako ni Gabbie sa braso. "EJ..."

"Gabs, kailangan niya ng tulong."

"Sure ka? First week palang pero baka magka-record ka na naman sa guidance."

"Magkaka record ako kahit anong mangyari, Gabbie, alam natin yan parehas." Tinanggal ko ang kanyang kamay at hinarap si Ernesto. Pinilit kong ngumiti.

"Hoy, Ernesto!" bulalas ko. Napalitan ang pekeng ngiti ni Ernesto ng galit. "Ano ginagawa mo?"

"Wala, wag ka na makialam," marahan niyang sabi.

"narinig ko kayo ah, gusto mo kunin pera nito..." dalawa na ngayon kaming magkatabi. Tinignan ko yung binubully kong kaklase sa mata. At least 3 inches ang tangkad ko sa kanya, at ang payat pa niya. Kaya siguro tinarget siya ni Ernesto. Jusko pre, sa lahat ba ng school na pwede mong pag-enrollan, bakit dito pa?

"Wala naman tayong tradisyon na ganun ah." Sabi ko.

Namuo na siya ng kamao sa kanyang mga kamay. "Ikaw, Cordero, sinasabi ko na sayo wag kang manggulo, kung hindi-"

"Ikaw ang wag manggulo," mahinahon kong sabi. "Kasi pag nagka-record ka na naman... ano kaya mangyayari sayo? Suspension? Dismissal sa school? Tandaan mo, mas pulado ka kesa sakin."

Nagtitigan kaming dalawa, sinigurado kong di ako nagpapakita ng kahinaan. Pagkatapos ng ilang segundo umalis din sila. Pinakyuhan ako ni Nestor, at syempre ginantihan ko naman.

"Kumain ka na samin." Dinala ko siya sa table namin nina Gabbie. "Ako si EJ. Ano ulit pangalan mo?"

"Joseph. Joseph Del Rosario." Nagkamayan kami. "Salamat sa kanina."

"You're welcome." Tumayo si Gabbie at nakipagkamayan din.

"Nice to meet you, Joseph. Gabbie nga pala."

Umupo kaming tatlo.

"Andaming kagaya niya sa school niyo, ah?" sabi niya habang kumakain ng mabilis. "Nakakapanibago."

"Masasanay ka rin. Pero ayos ka lang for now," sabi ko. "Di naman kami gago kagaya nila."

"Oo nga.." sabi ni Gabbie habang inuubos ang kanyang baon. "Andami ditong mga tarantado. Buti nalang nakita ka ni EJ. Usually kasi sa may puno ng aratiles kami kumakain. Sa labas."

Ngumiti siya, pero mukha pang nahihiya siya sa aming dalawa. "talaga? Pwede bang... Okay lang sumabay din ako sa inyo mag-lunch bukas?"

Tinignan ko saglit si Gabbie, at nakangiti siya, as if na nagustuhan niya ang desisyon kong tulungan 'tong new student na ito. "Sure," sabi ko. "Syempre naman."

At simula nang araw na iyon, ang dalawa ay naging tatlo. 

Ang Kalahati Kong NawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon