March 2013, 3rd year
I must be lucky or this must be my day, It's the warmth of holding you till I'm infused by your scent
I think it's something I can feel for myself,
Could it get any better than this?
I'm holding my breath, for a kiss"Gabbie, gusto kita."
Humigpit ang hawak niya sa balikat ko habang kami'y sumasayaw sa kanta. Punung-puno ang dance floor ng mga estudyanteng kinikilig at sumasayaw rin- puno ng mga tawanan, bulungan ng mga salitang nais nilang sabihin sa kanilang kasayawan, mga salitang para sa kanilang dalawa lamang. Pero sa kabila ng kaguluhan naming lahat- kaming mga estudyanteng nararamdaman ang pag-ibig sa unang pagkakataon- isang tao lang ang iniintindi ko.
Shit, as far as I know, kaming dalawa lang ang naroon. Nothing else matters.
Close your eyes and we can float away
All alone through this crowded place
Maybe you and I can find some time
Till forever or moreUnti-unting umakyat ang isa niyang kamay, hinapo ang kanang pisngi ko. Kumikinang ng namumuong luha ang mga mala-tsokolateng mata ni Gabbie.
"Ako rin."
Pagkatapos ng JS prom namin, niligawan ko na siya.
*** *** ***
June 2013, 4th Year
"... and I will make sure as your new principal, bullying of any forms in MASON will never be tolerated again. Gone are the days when certain students out there will have the privilege to do whatever they want, with no consequences, thinking their status and their parents' money can save them. As of today my dear students, I will make sure that MASON is a bullying-free institution... as it should be."
Nagpalakpakan ang lahat sa auditorium. Bumaba si Mrs. Aurora Garcia, ang bago naming principal sa entablado. Sumunod ang aming bagong guidance counselor- si Ma'am Elgin Tolentino. Nagpapaalala ng mga usual na reminders sa simula ng pasukan.
Kinalabit ako ni Gabbie, na nakaupo sa tabi ko. "Tingin mo totoo to? May magbabago ba?"
"Oo. Sana." Hinawakan niya ang kamay ko.
Kinabukasan- sa first day ng classes namin talaga- wala na si Ernesto. Wala na si Irene at ang dating mga katropa ni Fritz. Marami-rami pang nawala samin- mga nambubugbog ng ibang kaklase, yung mga matagal nang may records ng bullying. Hindi na sinabi ng guidance bakit nawala sila, and honestly, wala naman din silang totoong kaibigan na mamimiss sila.
*** *** ***
September 2013, 4th year
"Bakit ngayon pa tayo naging magkakatropa, pag patapos na high school natin?" sabi ni Oliver sa grupo.
At tama siya: Dati dalawa lang kami ni Gabbie, nadagdagan ng isa kay Seph nung 3rd year kami. Ngayong pagraduate na, andami na namin.
"Save the best for last raw," sabi ni Angela. Isa rin siya sa mga binubully dati. "Ayan tignan mo si Raph o, new student lang dito pero tropa naman."
"And balita ko kung sinu-sino nagkaka crush sayo ah!!" asar ni Seph sa kanya. Tumawa kami.
"Grabe kayo.." sabi niya habang nakikitawa rin. "Pero baka nga. Baka save the best for last nga. Sayang though. Magcocollege na tayo, baka di na tayo magkita ulit."
"Gagi, grabe naman to sa di na..." sabi ni Angela. "Pero guys, san ba kayo?"
"Di ko pa alam," sagot ni Raph. "Gusto ni papa na mag-law ako kagaya niya, ehh... ewan ko."
"Sabihan mo ko pag mag-aaply ka na Raph," sabi ni Angela. "Pinaglo-law rin ako ng parents ko eh. Law or Archi raw." Architect ang tatay ni Angie, habang prosecutor naman ang nanay niya.
"Ako, gusto ko ng arts. Kahit saan. Animation, or photography. Bahala na, dun naman ako magaling eh." Sabi ni Seph. "Di ako kagaya ng dalawa dyan na may balak pang mag-doctor, hehe."
Ngumiti kami parehas ni Gabbie. Nag-USTET at UPCAT na kami last month, inaantay nalang namin ang resulta.
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...