December 2011, Second Year.
Ang school namin, hindi kagaya ng ibang eskwelahan pagdating sa pag-celebrate ng pasko. Walang obligatory na exchange gift. Instead, bahala na kami magbigayan ng gifts sa isa't-isa.
As usual, wala naman kaming pake ni Gabbie, kasi most likely kami lang naman ang magbibigay ng regalo sa isa't-isa. At isa lang ang gusto ko: Manila Mysteries Issue # 25. Comics siya tungkol sa mga supernatural cases sa Manila. Ang bida (si Robert Estefan) ay isang detective na nakikipaglaban sa mga aswang, kapre, engkanto, demonyo at iba-iba pa. Sobrang astig ng drawings! Sobrang ganda ng kwento. Astig ang mga aksyon.
Habang nagdidissect kami ng palaka, kinwento ko kay Gabbie iyon. Inirapan lang niya ko at natawa. "Ano ba yang mga pinagbabasa mo, EJ? Parang nakakatakot naman yan."
"No, pramis sobrang ganda niya!!" sabi ko. "Parang yung The Mortal Instruments lang na binabasa mo. Kaso comics. Tsaka di boring."
"hay nako..." sabi niya. "So parinig mo ba yan? Yan na ba gusto mong gift?" Excited akong nag-oo.
"Eh, ikaw?" tanong ko habang nilalagay ang na-extract naming liver sa jar na puno ng Formaldehyde. "Ano ba gusto mo?'
Nag-isip siya sandali bago nagsabing "Di ko alam eh. 'Kaw na bahala."
"Weh, di nga."
"Oo nga. Basta yung alam kong magugustuhan ko naman kahit papano. Wag yung di ko magagamit."
Umiling ako. "Ay nako, kayong mga babae talaga. Di ko tuloy alam ano ibibigay ko sayo."
"Sa ibang araw na natin pag-usapan yan," sabi niya. "Pahiram ng forceps. Tapos na ko sa heart."
Kumatok ako sa kwarto ni Ate Jass. Binuksan ko ang pintuan at dumungaw sa kanya. Naka-indian sit siya sa kanyang kama at nanonood ng Kdrama. Pinause niya muna yon at tumingin sakin.
"Ate, may itatanong ako."
"No, hindi nahalo yung brief mo sakin. Pag tapos na magtiklop si Aling Vida, kunin mo na kasi agad-."
Kumunot ang noo ko sa inis. "Hinde, hinde about dun. Ano... ano magandang ibigay na gift sa babae?"
Tinaggal niya ang headset na nakapulupot sa kanyang leeg at ngumiti. "Yiieeee, para kay Gabbie ba yan?" tukso niya. "Aww yung baby brother ko nagbibinata na!"
"Baliw hindi! Hindi ganun. Gusto ko lang siya bigyan ng magandang gift, kasi mabuti siyang kaibigan. Tsaka siya lang ang kaibigan ko sa school."
Nawala ang ngiti ni Ate Jass. "Panong siya lang?"
"As in siya lang. Siya lang naman ang matinong tao dun eh."
"Siya lang ba talaga, o sumuko ka nang maghanap ng ibang kaibigan kasi yung mga taong nakilala mo dun ay puro mga salbahe?"
Totoo nga, marami sa mga kaklase ko'y mga bobo at mga bully. Ever since nung napaaway ako kay Ernesto, wala na gaanong nanggugulo samin, pero iniiwasan parin kami ni Gabbie. Parang naging invisible nalang kami. At may mga outcasts na kagaya namin, pero yun nga, kagaya ng sinabi ni ate, di na kami nagrreach out sa kanila. Kasi paano kung gago rin sila kagaya ng iba? May dahilan kung bakit naging outcast sila, diba?
"But nevermind," sabi niya. "Okay, pag-usapan natin yang gift mo. Ano bang gusto at ayaw ni Gabbie? May hobbies ba siya?"
Umupo ako sa tabi ni ate. "Mahilig siya sa books. Sa music naman, favorite niya si Ed Sheeran."
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...