Ngayon.
"CHEERS!!"
Tagay na naman. Naramdaman ko ang alak na dumaloy sa aking lalamunan, unti-unting umaapoy. Parang naglagay lang ng gasolina sa aking tiyan. Nagsisimula nang manghina ang hawak ko sa shot glass. Malakas na ang amats ko.
Weekend na, katatapos lang ng 2nd shifting namin. So syempre, nag-decide kaming mag-celebrate sa Sherwood. Andaming tao (baka kasi Friday.) Si Robin at Rotsen ayun, magkambal talaga; nung pangatlong shot palang namin di na sila makausap ng maayos. Si Elijah ang tagabantay namin so steady lang siya uminom. Si Sid naman, wala sa table namin- nakikipaglandian dun sa mga taga- Benilde sa kabilang table. Niyayaya niya ko, pero humindi ako. Ako nalang ang umuubos ng halo namin.
Halos mag-vibrate na ang dibdib ko sa beats ng tugtugin. Sa bar namin (Gin Puyat), may dance floor sa gitna; maraming sumasayaw. May mga magaganda. Sa gitna, napapaligiran ang isang lalaki na ambilis sumayaw. Ang lambot ng galaw, at may nakawrap na flannel polo sa kanyang bewang.
Ngumiti ako.
"Seph!" Hiyaw ko sa kanya. Tumigil siya sa pag bbreakdancing at hinanap ang nagsabi ng kanyang pangalan. Tumayo ako, at tumakbo siya sa aking harap. Niyakap niya ko.
"FRIEEEND!! EJ, MUSTA NA?!" sabi niya. Mas matinis ng ilang tono ang kanyang boses. Pawis na ang kanyang t-shirt kakasayaw. "Tapos na exams ninyo?"
"Yup!" sabi ko. "Akala ko may part-time job ka pa sa gabi?"
"Ah, yung dancing instructor gig ko? Matagal na siyang natapos! Na-shutdown yung place eh."
"Ah, oo nga pala." Pinakilala ko sila kay Seph.
Last time na nakita ko si Sid (isang taon na yata?) black pa ang buhok niya- ngayon, may mga red na streaks na. Mukha siyang myembro ng kpop band. Pero mukha namang bagay sa kanya ah- sa likod niya, nakikita kong may ilang mga lalaki (at babae) na nakatingin sa kanya.
"Eto si EJ, idol ko to..." sabi niya. "Nung high school kami, maraming gago't sira-ulo. Nung new student ako, siya yung laging nagtatanggol sakin pag may mga bullies. Isa siya sa mga best friends ko nun."
"Wow naman!!" Pangangantyaw ni Rotsen. Nagtawanan kami.
"Di ka nagkkwento about sa kanya, ah!" sabi ni Robin. "Di ko alam na may taga-Benilde ka palang kaklase."
Napataas si Seph ng kilay. "Talaga ba? Walang kinukwento si Seph?"
"Ayaw po niya ikwento..." sabi ni Sid, kakabalik lang after ng momol sa kabilang table. "Especially about kay Gabbie?"
"Sid, tama na." Sabi ko. Nagkatinginan kami ni Seph, at nagets niya ko.
"Well, sorry boys," sabi niya ng nakangiti. "Pero if ayaw sabihin ni EJ, di ko pwedeng sabihin."
Napahinga ako ng malalim. Buti nalang.
"Pero EJ, need mo nang ayusin yan ah. Lalo na ngayon."
"Hmm? Panong lalo na ngayon?"
Tinitigan niya ko. "Seryoso ka ba?"
"Oo."
Umiling siya na para siyang nadidismaya. "Hindi niya sinabi, no? Puta, sabi ko na nga ba- kaya pala di ka umiimik, akala ko dahil busy ka lang-"
"Seph- ano yun?"
At narinig ko ang mga salitang akala ko'y di na mapapakinggan ng aking kaluluwa.
"EJ, bumalik na si Gabbie."
Muntik ko nang makalimutang huminga.
"Kailan pa?" tanong ko, dahil iyon nalang ang kayang iprocess ng aking utak.
"Shit, since last year pa."
At tumigil ang oras. Lumamig ang bumabagang tiyan kong puno ng lason ng alak. Hindi ko na naririnig ang paligid. Wala na kong nararamdaman. Ang mga sinabi lang ni Seph ang umiikot sa aking utak.
Bumalik na siya.
BINABASA MO ANG
Ang Kalahati Kong Nawala
RomanceAs we live, we meet people along the way. Some stick around. Some don't. But what do you do when you can't get over the fact that they're gone? Do you chase after the past, or do you face the truth and the now? Ang Kalahati Kong Nawala is told by th...