9. Ngayon IV

16 0 0
                                    

Ngayon.

"Paging Ezra Jerome Cordero! from Isidro 'Poging Gwapong' Garcia; please forgive your best friend." Bulong ni Sid sa tenga ko. " I repeat, please forgive your best friend."

"Fuck off," bulong ko kay Sid at tinaboy ang kamay niya. "Nag-nonotes ako."

Actually, totoo yun: kinokopya ko yung lecture na sinulat ng prof namin sa board (standardization of EDTA and complexometric reactions). After ng quiz namin kanina, pinapasulat niya naman yan habang nagccheck siya. pero ayoko lang talaga kausapin si Sid dahil sa nangyari nung nakaraan. Nung dinitch niya kami ni Alex kasi sineset-up niya kami. Pero ewan ko ba, di naman ako naiiis ng sobra. Siguro ang pakiramdam ko... ayokong magpasalamat sa kanya? O ayokong aminin na gusto ko ang ginawa niya. Puta, bahala na. Andami ko pang gagawin.

"Sus, sabihin mo nalang pabor sayo yun," sabi pa niya. As usual, di siya nagnonotes. Mangongopya na naman sakin yan pag-uwi. "Kunwari pa to eh. Alam ko kapag galit ka, EJ. Di ka galit. Kamusta? Nagkausap naman kayo? Don't tell me na notes mo lang kaharap mo buong gabi ah. Sayang ang inom ko."

"Di ko naman sinabi na gawin mo yun ah," bulong ko.

"Damn right hindi nga, kasi napaka-torpe mo-"

"Hindi ako torpe, Sid. Punyeta." Di ko alam kung bakit, pero naiinis na ko sa sinasabi niya. Si Sid yung tipo ng kaibigan na mapang-asar and usually nakakatawa naman siya, pero pag wala ka sa mood- kagaya ngayon- mabbwisit ka lang sa kanya.

Tinitigan niya lang ako, tinaas ang kamay at bumalik sa pagsusulat ng notes niya. Hanggang sa ma-dismiss kami sa lab, di kami nag-usap. Si Elijah lang ang kausap ko pag may tanong ako (Salceda ang last name nila Robin at Rotsen kaya sa dulo pa sila. Castillo naman si Elijah.)

Nung natapos ang QC, binalik sa amin ni Sir Nyebes ang mga papel namin. "Exams are coming up soon guys ah, you need to study more. Yung scores niyo ok naman, but you can do better."

Inabot sakin ni Sid ang papel ko. Pasado! At ang taas pa: 7 mistakes lang, at tatlo doon ay dahil lang sa erasures ko. Iniscan ko ang paligid at minatahan si Alex.

"Pasado?" tanong niya sa akin. Second row lang siya nakaupo- di gaanong malayo, kaya nagkakarinigan pa kami.

"Oo!" sabi ko. Ngumiti siya.

"Nice, nice!" nakita ko sa kanyang results na lamang siya sakin ng 5 points. Talino talaga ni Alex.

Nilapitan ako ni Sid. "Tara kain?" sabi niya ng may mahinang ngiti. Alam ko yang ngiting yan, yung ngiting parang nangsusuyo. Syempre di kami magsasabi ng sorry sa isa't isa- maliit na alitan lang naman yun. Bale tino-tone down lang niya ang usual self niya. Minsan kasi nakakapikon kasama si Sid, pag na-tiyempuhan ako sa masasamang araw. Um-oo ako at kinita namin sina Elijah at ang kambal sa labas. Lumabas kami ng main building, naglalakad sa isang mainit na tanghali. Mabango ang simoy ng hangin kasi nagsisimula nang mamulaklak ang mga puno. May isang oras pa kaming break bago mag next subject; di sapat para maka isang laro. Pero ayos lang, wala naman ako sa mood maglaro eh.

"Puta, di ko alam kung mapapasa ko tong QC na to," sabi ni Rotsen habang nakatingin sa nadaanan naming cute na Archi student, na nginitian din siya. (sabi na mismo ni Robin, mas matinik sa babae ang kakambal niya kaysa sa kanya) "Ni isang quiz wala pa kong napapasa eh."

"Paturo ka kay EJ, bro," biro ni Robin. "Wag ka nga lang sumabay pag nagdedate- este, nag-aaral sila ni Alex. Siyempre one-on-one yun." Nag-apir silang dalawa at tumawa ang lahat maliban kay Sid (baka nahihiya pa siya.)

Dahil wala na muna ako sa klase, siguro medyo naibsan na yung stress ko. Kasama ko na barkada ko. Ngumiti nalang ako. "Nako, san niyo naman ba nalaman yan?"

Ang Kalahati Kong NawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon