PART 8: Ang Unang Giyera!

4.1K 64 0
                                    

“What!? Are you really out of your mind Mr. Santeztiban!” Halos mapugto na ang mga maliliit niyang ugat sa leeg sa klase ng pagsigaw niya.

Dahil sa mga sinabi ng lalaki kaya pakiramdam niya ngayon ay bumibigat ang ulo niya. Lumabas kasi ang sungay niyang matagal ng itinago.  Nasagot na nito ang lahat nang tanong niya kaya ngayon ay nanggagalaiti siya sa gigil. 

“Bakit? Hindi pa ba sapat ang mga ino-offer ko sayo Miss Montemayor?”  sarkastiko nitong tanong.

Hindi na talaga ito ang lalaking nakilala niya limang taon ang nakalipas. Hindi na ito ang Fire na pinagbigyan niya ng buong pagkatao. Malaki na ang ipinagbago ng ugali nito at ang liit na ng tingin nito sa kanya. Sabagay magtataka paba siya, malamang lahat naman maliit ang tingin sa kanya.  He offered her everything,  pinangako-an siya nito na tutulungang maging numero uno sa sikat na Men’s Magazine na sinalihan niya ngayon, dahil hanggang ngayon ay pinagpipilian pa din kung sino ang magiging Number One Sexiest Women in the Philippines

Pinangako-an din siya nito na bibigyan ng maraming projects at ino-ofer nadin nito ang International gaya ng ginagawa ngayon ng ibang artista na nagpapakahirap para lang makapasok sa mas malawak na opportunidad.

Alam niyang kaya nitong gawin ang lahat ng mga ipinangako nito sa kanya ngayon. Ngunit niknik nito kung kakagatin niya ang pang-iinsulto nito sa pagkatao niya! At idinagdag pa nito na bibigyan siya ng sariling bahay para hindi na siya magtyaga sa isang maliit na apartment lang, only in one condition.

“That f*cking shit condition!” mahina niyang usal. She will going to be his slave, susundin niya lahat ng sasabihin at gugustuhin ng lalaki. Kasama na do'n ang hindi siya maaring lumandi sa iba. Malandi talaga siya sa panigin nito.

“Bakit? 'Di ba ganyan naman ang gawain mo? 'Yan din naman ang pinaka-dahilan mo kaya mo inakit ang bayaw ko.”

Gusto ng pumutok ng ulo niya sa mga narinig mula rito. So… he really assumed that she was a totally slut, kaya nito ginagawa ang lahat upang malayo siya sa bayaw nitong si Harry.

"F*cked you!" inis na sambit ng kanyang isipan!


Yung first encounter palang, giyera na?!
A B A N G A N!


Pasensiya kung medyo maliit lang ang CHAPTER na ito. Medj patikim lang siya chaaroot!

by:
Flor De Luna

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon