Fallin' inlove with the Demon! 👹
👄👄👄
“May pictorial ka ngayon Gie,” paalala ni Albert sa kabilang linya.
Ngayon gagawin ang final pictorial para sa Men’s Magazine.
“Saan nga pala ang venue natin?” tanong niya rito. Sa dami ng ginagawa niya at iniisip ay hindi na niya matandaan ang lahat ng schedule na binibigay ni Albert, kaya laking pasasalamat niya at nandiyan lagi si Albert para ipaalala sa kanya ang mga nakakalimutan niya.
“Sa Batangas Gie ah, baka sa iba ka na naman ni'yan pupunta,” anito na ikinatawa niya.
Laging gan'on ang nangyayari kapag hindi niya na klaro ang line-up niya sa araw na iyon kung saan-saan siya napupunta.
"Kapag nasa venue ka na ay 'wag mo akong kakalimutang tawagan okay,” bilin nito saka ibinigay ang buong address at nagpaalam.
Pagkapatay ng tawag ay agad siyang tumayo para mag-asikaso, may trenta minutos pa siya upang maligo at mag-ayos ng sarili. Kailangan niyang umalis ng maaga para hindi siya ma-late sa gaganaping pictorial.
Nang matapos maligo ay agad siyang naghagilap ng maisusuot at ang napili lang niyang suotin ay isang simpleng t-shirt na pinaresan niya lang ng jogger pants at isang puting rubber shoes.
Nang matapos magbihis ay saka niya naman sinilip ang kanyang mukha sa salamin, hindi naman siya mahilig mag-make-up kung hindi naman kailangan, kaya naglagay lang siya ng liptint at nagpulbo saka sinuklay ang mahabang buhok. Bitbit ang maleta palabas ng condo, sinipat niya ang relong pambisig at nagmadaling kinandado ang unit at agad-agad ng tumakbo upang makababa.
Ang call time ay alas dos, malayo-layo din ang bebyahe-in niya. At wala pa siyang driver ngayon dahil sinabi niya kay Albert na gusto niyang magmanehong mag-isa kaya hindi ito nagpadala ng susundo sa kanya. Gamit ang kulay pula niyang kotse ay agad niya iyong minani-obra at naghanda na para sa mahaba-habang beyahe.
Lumipas ang maraming oras na hindi niya namamalayan ay narating din niya ang sinabing adddress ni Albert, ngayon nga ay naghahanap siya kung saan niya ipa-park ang kotse ngunit lahat ay punuan. Nakatatlong ikot na siya’y wala parin siyang natyempuhan na bakante. Sa huling ikot ay may nakita siyang bakanteng pwesto. Agad niyang minani-obra ang sasakyan upang maipasok ng maayos sa bakanteng pwesto ng parking ang kotse nang biglang may nag-overtake na kotseng itim! Muntik na siyang atakihin sa puso, dahil muntik ng magsalpukan ang mga kotse nila, mabuti nalang at agad siyang nakapag-preno.
“What the f*ck!” naibulalas niya dahil sa sobrang kabang naramdaman. Akala niya ay sasalpok na ang sasakyan niya sa kotseng sumingit.
Agad siyang bumaba ng sasakyan at nilapatan ang itim na sasakyan. Kinatok niya ang bintana nito upang pababain ang walang modong driver niyon.“Hey!” angil niya. “Ako ang nauna sa pwestong ito!” gigil na gigil siya sa nangyari, muntik na siyang mamatay sa maraming dahilan booset!
Napaatras siya ng dahan-dahang bumukas ang pintuan ng kotseng itim, para bang slow motion na iniluwa nito ang walang modong may-ari.
Isang matangkad na lalaki, alam niya dahil anino palang nito'y lamapas na sa kanya. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin and what the hell is goin' on!
“Ikaw na naman?” bulalas niya sa pinaghalong inis at gulat ng makilala ang demonyong may-ari ng muntik na niyang masalpok na kotse.
Walang iba kundi si Fyro Santeztiban, sa palagay niya ay ang lalaking ito ang papatay sa kanya. Una, sa sama ng loob. Pangalawa, sa pahamak na dala nito tuwing nagkikita silang dalawa at ang pangatlo, naman ay ngayong muntik ng magbanggaan ang sasakyan nilang dalawa.
Laging kunsimisyon ang binibigay ng lalaki kapag pinagtatagpo sila ng letcheng pagkakataon. Simula noong engkwentro nila sa White Cross ay hindi na sila nagkita pang muli, ipinagpapasalamat niya ang bagay na iyon dahil hangga’t maaari sana’y ayaw niya muna itong makadaupang palad. Ngunit na-expired na yata ang bisa ang bisa ng pagpapasalamat niya dahil nandito na naman ito sa harapan niya, partida muntik pa siyang mamatay sa sobrang kabang naramdaman dahil sa ginagawa ng lampastangan.
At ano naman ang ginagawa nito dito ngayon? Magju-judge ba ito sa pictorial nila at nandidito ang demonyong ito, o nais lang makakita ng mga babaeng naka-bra at panty!
“Ako ang naunang makakita sa pwestong iyan, kaya alisin mo ang kotse mo diyan at maghanap ka ng sarli mong parking dahil ako ang magpa’park diyan!”
Ngunit imbes na sagotin siya ay tinawanan pa siya nito ng ubod lakas, talagang tunay itong galing sa impyerno! At aminin man niya o hindi ay talagang lalo itong guma-gwapo kapag nakatawa, kahit mukha itong Satanas sa paningin niya minsan ay nagmumukha itong Anghel lalo na kapag nakatawa. Kung ganito siguro kagwapo si Satanas ay papayag siyang magpasunog sa impyerno!
Bigla naman siyang natauhan sa naisip. “At bakit ko naman gugustuhing makasama ang demonyong ito?” tanong niya sa sarili.
“Baka nagkakamali ka Miss Gie Montemayor, dahil sa pagkakaalam ko ni-reserved ang parking na ito para sakin,” turo pa nito sa sarili habang may nang-uuyam na ngiti sa labi.
“May pangalan mo?” taas kilay niyang tanong.
“Kapag pinakita ko mapapahiya ka lang,” hamon nito sa kanya.
“Talaga lang hah! Sige nga ipakita mo?” ganting hamon niya. Na-realize niya na simula no'ng huling engkwentro nila sa White Cross ay hindi na siya magpapatalo sa lalaki at hindi na niya hahayaang tapaktapakan siya nito ng hindi lumalaban.
“If you don’t correct them when they upset you, they will never know how to treat you right. It’s okay to get angry. What’s not okay is letting people walk over you without you saying anything,” aniya sa sarili. “Masyado na yata akong naging mabait sa mga taong ito at ngayon ay tinatapakan nalang nila ang pagkatao ko, kaya simula ngayon lalabanan ko na kayo. Isa kana!”
Napagtanto niya simula noong harap-harapan siyang minaliit nito, na somo-sobra ang mga mapanghusgang tao sa kanya, porket hindi siya umiimik at hinahayaan lamang ang mga ito.
Sinundan niya ng tingin ang lalaking umikot sa kabilang gilid ng kotse at nang bumalik ay may bitbit na karatulang may malaking nakalagay na;
RESERVED for PRESIDENT FYRO SANTISTEBAN.
Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa, may pangalan nga pala talaga nito ang espasyo na iyon. Walang lingon likod siyang naglakad pabalik sa sasakyan.
“Letche!” mahina niyang maktol.
Maghahanap nalang siya ng ibang parking. Ngayon siya nagsisi kung bakit hindi niya pa sinunod ang gusto ni Albert na ipasundo siya sa driver nito. Kung alam lang niyang mangyayari ang ganitong insedente! Sana advance na siyang nag-isip.
Please follow me guys:
@xxFLORDELUNAxxMaraming salamat sa mga bumabasa ng gawa ko. Super appreciated ko ang mga comments niyo.
Sana hindi kayo magsawang supportahan ang iba ko pang istorya.
Kaso sa ngayon ay puro (major revision) si Indzai!
Hehe :) inaayos ko pa ang lahat para sa inyo.Love you all <3
FLORDELUNA
BINABASA MO ANG
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware]
Fiksi Umum➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 ➡️ R18 ⚠️ Rated SPG 🔞 [read at your own risk] Ilang taon matapos ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila, muling nagkita sina Gie at Fyro. Pinangakuan siya nito ng kung anu-ano-malalaking projects, madaming pe...