PART 19: SPG

5.8K 84 21
                                    

…Again,
Rated SPG🔞
Ang programang ito ay may halong kalaswaan, sexual na hindi angkop sa mga batang may gatas pa sa labi 👄💦.
[READ AT YOUR OWN RISK]

🌹🌹🌹

Nang matapos silang kumain ay nagpasya siyang maligo ngunit hinihintay niya munang umalis ang lalaki. Hindi kasi siya makahalaw ng maayos dahil malaking harang ito sa kanya.

“Ano na?” tanong niya rito makalaunang nainip sa paghihintay na umalis na ito.

“Ano nadin?”

“Kailan ka lalayas sa kwartong ito?” naiinis niyang tanong.

“Hindi mo ba alam na kwarto ko ang lahat ng kwartong nandidito dahil resort ko ito.”

“Gano'n ba? So hindi ko pala pwedeng hingin ang privacy ko kung gano'n? Ibig bang sabihin sa lahat ng guest ay ganito ka? Kung gano'n baka pwedeng sa iba ka na naman mang-istorbo. Banas na banas na'ko sa'yo.”

Nakakainis nadin ang lalaking ito, mas gusto niya kapag lagi itong galit sa kanya kesa ganito ito. Kaya niyang pakibagayan ang galit nito ngunit hindi ang pagiging friendly nito sa kanya, este-- “Plastikang Friendly!” aniya.

“Nope, actually sayo lang at ayoko sa iba."

Talaga bang nang-aasar ang talipandas na ito. “Lumayas ka na para makagalaw na ako ng maayos,” aniya na pilit pinapatayo ang lalaki.

“I want to take a shower too,” anito habang hila-hila niya ang kamay nito upang tumayo na at makalayas na sa silid niya.

“Then take a shower in your room,” sagot niya na pilit binabalewala ang bawat sinasabi ng lalaki.

“Gusto ko dito at gusto ko sabay tayo,” sagot nito.

Muli na namang sumeryoso ang mukha ng lalaki at sa labis na pagkabila ay natigilan siya sa ginagawang paghila sa braso ni Fyro. Sinamantala naman iyon ni Fyro upang halikan siya.

Hindi siya nakapalag nang maramdaman ang labi ng lalaki sa labi niya. Tinatantya niya ng maigi ang sarili, baka kasi maloko na naman siya nito at isa na naman pala iyong patikim! Nanatili lamang siyang nakatayo at hijdi gumagalaw dahil narin sa labis na pagkabigla. Ayaw niyang ibuka ang labi dahil kapag ginawa niya iyon, lulunurin na naman siya ng halik ni Fyro at mawawala na naman siya sa katinuan. Mapaghanap ang ginagawad nitong halik, nilalasahan ang kanyang labi, marahang nangangagat at pilit pinaghihiwalay ang nakatikom niyang labi. Gentle, maingat ang bawat galaw nito ktulad noong gabing una siyang naangkin nito. At tulad na naman ng dati, nanghihina siya sa halik ng lalaki. Hindi na sakit ang pinaparamdam nito kundi isang nakakabaliw na kiliti. Narurupok na ang pader na iniharang niya at kunting-kunti nalang-- muli ay bibigay na naman siya sa katangahan niya!

Naramdaman nalang niyang hindi na sumasayad sa lupa ang kanyang mga paa, pinangko siya ng lalaki at nagsimula itong maglakad patungo sa banyo. Hindi nito pinuputol ang halik na pinagsasaluhan nila.  Naramdaman niya ang malamig na semento sa kanyang likuran ng isandal siya ni Fyro sa pader ng banyo habang patuloy na hinahalikan. Gamit ang isang kamay ay binuksan nito ang shower at pareho silang nababasa sa tubig na nanggagaling sa dutsa.  Wala na siyang pakialam sa mundo, nalalamon na ng halik ni Fyro ang isipan niya. Sa ngayon ay lukob ng masarap na halik ni Fyro ang kanyang isipan. At mababaliw siya kapag hindi natuloy ang sinimulan nito at layasan nalang siya bigla.

Hindi niya napigilang hindi umungol nang maramdaman niya ang kamay nitong marahang hinihimas ang kanyang dibdib. Isa-isa nitong hinubad ang kanyang mga damit-- wala itong tinira. Sa pagkakataong ito ay hindi siya lasing, ni isang tulo ng alak ay hindi niya nainum. Ngunit pakiramdam niya ay nalalasing siya sa sensayong dulot nito.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon