Nang matapos rumampa si Gie ay agad siyang pumasok sa dressing room upang ayosin ang sarili ngunit laking gulat niya nang may nakita siyang isang malaking boquet na kulay dilaw na rosas na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Sana’y na siyang makatanggap ng mga bulaklak kasi marami ang nagbibigay sa kanya ng pulang rosas at minsan naman ay kulay puti ngunit ang ikinamangha niya ay ngayon lang may nagbigay sa kanya ng kulay dilaw na rosas, bukod sa hindi iyon common na kulay ng rosas ay ito ang paborito niyang kulay. Agad siyang naglakad palapit sa mesa kung saan nakapatong ang mga rosas at binuhat iyon upang amoyin.
Napangiti siya ng maamoy ang mabangong halimuyak ni'yon, kung sinoman ang nagpadala nito ay na appreciate niya talaga ng husto ang effort. Nakangiti niya iyong tinitigan nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran.
“Do you like it?” marahas siyang napalingon sa gawi nang taong nang gugulat sa kaniya.
“F-fyro?!” anas niya, nakangiti ito habang titig na titig sa mukha niya.
“I’ve heard you like yellow that’s why I brought it for you,” anito na dahan-dahang humahakbang palapit sa kinaroroonan niya.
“Yeah! I like it,” aniya.
Hindi pumasok sa isipan niya na kay Fyro nanggaling ang mga bulaklak. Paano niya naman maiisip na dito nanggaling ang mga iyon eh, diba nga galit ang lalaki sa kanya. Hindi niya namalayan na sobrang lapit na pala ng lalaki sa kanya, nagulat nalang siya ng maramdaman ang labi nitong nakalapat na sa mga labi niya. Magaan lang ang halik ng lalaki at segundo lang ang tinagal ng halik nito, umungol pa siya ng pagtutol nang ilayo nito ang labi sa kanya.
“Congratulations, you made it kahit hindi ikaw ang nag number one. But you still made the crowd crazy screaming by your appearance. Nadaig mo pa si number one,” anito na ang tinutukoy ay si Carmen Mercado na nag top one sa FHM isa din itong sikat na artista at modelo na gaya ni Gie.
Nakailang sali na ito sa FHM at ngayon lang naging number one sexiest women. Hindi niya mawari kung nangungutya lang ba ang lalaki o talagang pinupuri siya nito, ngunit ng titigan niya ang mukha nito ay malayo naman sa pangbubuska ang nakikita niya at wala din sa tono ang pangungutya. Pinupuri nga siguro siya ng lalaki. Pasimple siyang ngumiti at yumuko, hindi man niya nakikita ang sariling anyo ay alam niyang pulang-pula na ang buo n'yang mukha sa pagkakataong ito.
“Did you know that you’re cute when your blushing like that.”
Napatingin siya dito ng diretso ng maramdaman niyang hinahaplos nito ang pisngi niya. Again she was spechless! Nandito na naman siya sa puntong kahit ang laki nang kasalanan ni Fyro ay natatameme na naman siya at parang teenager na namumula dahil sa wakas napansin na din siya ni Crush!
“I miss you Gie,” madamdaming sambit ng lalaki habang dahan-dahang bumababa ang mukha nito sa mukha niya.
“I miss you more Fire,” anas ng sariling isip.
Gusto niyang malaman nito kung gaano din niya ito kamiss ngunit ayaw niyang ikanulo ang sariling damdamin dahil baka laro lang ang nais nang lalaki. Papansini siya nito ngayon, kinabukasan ay pagbibintangan na naman siya nito nang kung ano-ano. Kusa niyang naipikit ang mga mata ng maramdaman ang labi nito sa ibabaw ng labi niya, sinusundan niya ang bawat galaw ng labi nito. Lahat ng nais niyang sabihin ay nalunok niya kasama ng halik nitong mapusok sa umpisa at sa makalaunan ay bumabagal at mas nilalasap ang lasa ng labi niya, nadadarang na siya sa halik ni Fyro. Kapag sinabi nitong hubad ay maghuhubad talaga siya dahil wala na naman sa kanya ang kontrol sa sarili.
Napakasarap ang mahalikan nito hindi niya alam ngunit sa dami ng nahalikan niyang lalaki ay tanging si Fyro ang nagpapalabas sa init na tinatago niya sa katawan, tanging ang lalaki lang ang bukod tanging nagpapalibog at nagpapakulo nang likido niyang hindi niya alam kung saan niya itinago sa mahabang panahon. Naramdaman niya ang dila nitong naghahanap ng mapapasukan, agad naman niyang ibinuka ng kunti ang bibig upang bigyang landas ang dila nitong naglilikot. Lalo pa nitong pinalalim ang halik ng biglang may sumigaw sa may pintuan.
“Gie!!!” sigaw ng matining na boses ni Albert. Dahilan upang maghiwalay silang dalawa. “A-ano ‘to Gie?!" anitong pinaglipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin.
Nalilito siya at hindi malaman kung ano ang gagawin, kung ano ang idadahilan sa nakita ni Albert? “A-aahh k-kasi,” nauutal niyang sambit. Tinignan niya si Fyro ngunit blanko din ang reaksyon ng lalaki, kaya pinili nalang din niyang manahimik dahil hindi niya mahagilap kung saan nakalagay ang utak sa pagkakataong ito. Ramdam niyang katulad niya ay wala din itong masabi sa kawalan nilang parehong masabi ay bigla itong tumikhim, clearing his throat.
“Ah- sige Gie alis na ako, ahmm mamaya nalang ulit,” paalam nito sa kanya.
“Aah! Sige ingat ka,” hindi niya din alam kung ano pa ba ang meron mamaya. Ngunit ayaw na niyang magtanong pa, akmang aalis na ito ngunit bigla itong bumalik at walang sabi-sabi ay hinalikan siya sa labi.
“Bye.” Nakangiti nitong sambit at agad na naglakad sa may pintuan. Hindi niya namamalayan na nakangiti na pala siya sa kawalan.
“Hoy!” gulat sa kanya ni Albert.
Agad siyang napalingon sa gawi nito! Nawala sa isip niya na nandito pa pala ang kaibigan, ibang klase talaga ang hatid ni Fyro sa kaniya. Lumulutang ang kaniyang katinuan at nabubuang na siya.
“Anong meron mamaya Gie?” osyoso ni Albert sa kanya.
“Hindi ko alam?” nakangiti niyang sambit, hindi din niya alam kung ano ang ibig sabihin nito ng mamaya.
“Loma-love life ka na Gie?”
“Hindi 'no!” natatawa niyang sambit, hindi naman kasi lovelife kung maituturing ang anumang meron sa kanila ni Fyro.
“Hindi pa ba lovelife 'yong nakita kung laplapan kanina?”
“Bakit? Uso na 'yon ngayon 'di ba? Computer age na Bert, mellinial!” iwas niya sa usapan.
Ayaw niyang may makaalam sa ginagawa nila ni Fyro, dahil ramdam naman niyang wala silang kinabukasan dalawa. Ramdam naman niyang hanggang init lang ng katawan ang nais ng lalaki mula sa kanya.
Bigla itong napakamot sa ulo. “I know that we are in a modern society now, pero kilala kita hindi ka basta-basta bumibigay kaya don’t tell me na bibigay ka kay Fyro por que siya ang anak nang may-ari ng kumpanyang ito?” nag-aalalang sambit ni Albert sa kanya.
“Matagal na akong bumigay sa kanya,” bulong niya sa sarili. Imbes na sumagot ay niyakap niya ng mahigpit si Albert. Hindi niya alam kung bakit ngunit iyon ang kailangan niya ngayon, ayaw niyang tumangis kaya gusto na lang niya itong yakapin.
“Okay ka lang ba Gie?” anito habang yakap-yakap niya. “Basta huwag kang bibigay ha, naku!” kumawala ito sa yakap niya. “Bigtime na talaga ang babanggain mo, kaya naman baka bigtime na din ang tsismis n'yan sayo.”
Natawa siya sa tinuran ng kaibigan. Ayaw niyang magsalita ng tapos dahil alam niya sa sariling lulunukin at lulunukin niya ang mga sasabihin.
“Ayos lang ako bert,” aniya upang mapanatag ito.
xxFLORDELUNAxx
BINABASA MO ANG
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware]
Tiểu Thuyết Chung➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 ➡️ R18 ⚠️ Rated SPG 🔞 [read at your own risk] Ilang taon matapos ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila, muling nagkita sina Gie at Fyro. Pinangakuan siya nito ng kung anu-ano-malalaking projects, madaming pe...