PART 45

4.1K 93 20
                                    

Natawa ito sa kaniya. "Baliw ka. Ikaw ang naiisip ko kaya ako nakangiti,” pag-amin nito sa totoong nilalaman ng isip. “Hmm- hindi ko matandaan kung niligawan ko nga ba si Marga. Pero ang alam ko, may interes ako nun sa kaniya," wika nito.

"E 'di wow! Hindi mo niligawan pero naging kayo? Uso na ba nun ang M.U with benefits?" ismid niya na muling kinangiti nito.



"Hindi ko alam," anito sabay kibit balikat. "Basta ang alam ko naging kami na lang bigla. Actually, wala naman akong nakitang masama dun dahil gusto ko din naman siya noon. Kapag may nagtatanong kung ano niya ako’y boyfriend na ang pakilala niya sa'kin. Sa batang edad ay natutunan na ng puso kung mahalin siya dahil puro kabaitan naman ang ipinapakita niya sa'kin at ni-respeto ko siya kaya nasaktan ako ng sobra ng ginawa niya sa'kin ang bagay na iyon at sa tatay ko pa. Parang tinapakan nila ang buo kong pagkatao,” hinila siya nito at niyakap. “Kaya naman. Wala akong ibang niligawan kundi ikaw lang at mukhang ikaw na din siguro ang huli kong liligawan," wika nito na inismiran niya.


"Weeeh? Paano ka naman nakakasiguro?" tanong niya.


"Kasi mukhang ikaw na ang forever ko," diretsong sagot nito. "Ayoko na sa iba. Gusto ko ikaw na ang makakasama ko hanggang sa tumanda tayo. Liligawan kita hanggang sa mapatunayan ko na sa'yong handa akong maging mabuting tao para sa gagawin nating pamilya. Patawarin mo ako Gie kung ngayon ko lang matutupad ang lahat ng ipinangako ko sa'yo noong mga bata pa tayo. Pero pangako babawi ako sa lahat,” bigla nitong inilayo ang katawan sa kanya at biglang lumuhod sa kaniyang harapan.



Nanlalaki ang mga mata ni Gie habang nakatitig kay Fyro. “T-teka—” pigil niya rito. Ngunit ayaw talagang magpaawat nito.



“Hindi ako perpektong tao Gie, pero susubukan kung maging mabuting tao para sa'yo at para sa magiging anak natin. Ipinapangako kung araw-araw kitang liligawan hanggang sa mapunan ko ang lahat ng kasalanan nagawa ko sa'yo-- abutin man ito ng habang panahon ay handa ako. Huwag ka lang ulit mawala sa'kin. Umuwi na tayo sa’tin Gie and please marry me.” Tsaka nito binuksan ang isang maliit na kahon at nakita niya ang simpleng white gold na singsing.



"Fire," anas niya. Hindi siya sigurado kung nasabi nga niya iyon o hindi.



“I’m not asking you anymore because I wont take a no answer. Pumunta ako dito upang pauwiin ka sa ayaw mo o sa gusto ay magpapakasal tayong dalawa,” pursigido nitong sambit.



Natawa na lang siya sa sinabi nito. Wala naman sa isip niya ang magpakipot pa. Ano siya? Ito na ang pinakamatagal na niyang pangarap at ngayong nangyayari na’y magpapakipot pa ba siya? Hindi na!


“Gan'on? Wala naman pala akong choice eh kaya... Sige na nga… Yes!” natatawa niyang sambit.



“Really? Yey! Thank you so much Gie,” anito sabay yakap sa kanya ng mahigpit ngunit agad ding lumayo dahil sa pag-aray niya. Naiipit nito ang malaki niyang tiyan. Kung pwede lang magreklamo ang boarders niya sa loob ay baka na sipa na nito ang lalaki. “Oh! Sorry- I'm sorry baby kung naipit ka ni daddy," kausap nito sa taong nasa kaniyang sinapupunan.


Pakiramdam niya'y naririnig yata siya ng maliit na tao dahil bigla itong gumalaw at saglit na sumipa kaya pareho silang natawa.


"Pasaway ka anak," nakangiti niyang kausap sa munting anghel.



"Galit ba siya? Kaya niya ako sinisipa?" tanong ni Fyro.


"Oo kasi sinasaktan mo daw kasi ako," nakangiti niyang wika. Nagulat pa siya ng bigla itong yumuko upang kausapin ang kanilang anak.


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon