How he miss those eyes, those lips that taste so sweet. Namiss niya ang buong ito. Namiss niya ang babaeng nasa harapan niya ngayon-- si Gie. Ngunit kahit nasa harapan na niya ito ngayon, pakiramdam niya'y miss na miss niya pa rin ito. Hindi niya kasi ito pwedeng hawakan, yakapin at halikan.
“I love you Gie. I loved you so much. Mahal na mahal kita at patawarin mo ang gagong ‘to kung huli na upang marealize kong hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko,” deklarasyon niya rito habang ang mga mata ay nakatitig lang diretso sa mga mata nito. Kusa na lang lumabas sa bibig niya ang mga katagang iyon at walang pagkukunwari niyang binigkas ang bawat salita. Kung paano niya mapapatunayan ang mga sinabi ay hindi niya alam kung sa paanong paraan. Basta ang alam niya ay mahal na mahal niya ang babae. Handa siyang gawin ang lahat mapatawad lang siya nito.
Ngunit imbes na sumagot ito sa sinabi niya'y nakita niyang namula ang mga mata ni Gie at bigla na lang itong humikbi. Walang pag-aalinlangan niya itong nilapitan upang punasan ang luhang nag-uunahan sa pisngi nito. “Sshh... Please don’t cry. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak. Masyadong marami na ang sakit na pinaranas ko sa'yo,” aniya habang hinahalikan ang tungki ng ilong nito.
“Bakit ako kinausap noon ni Marga?” humihikbing wika ni Gie, dahilan upang muling magsalubong ang kilay niya.
“Kailan?” takang tanong niya. Wala siyang alam sa sinasabi nito. Bakit naman ito pinuntahan ni Marga? Anong sadya ng madrasta niya kay Gie?
“Nung nakita ko kayong magkausap tsaka naghalikan. Pagkatapos nun ay pinuntahan niya ako sa studio at kinausap,” humihikbi nitong sambit.
“Ano ang sinabi niya sayo?” muli niyang tanong.
“Ang sabi niya. Layuan na daw kita kasi ako na lang ang problema niyong dalawa at inamin niya rin sa'kin na siya ang first love mo. Siya ang lahat sa'yo at tanggap mo pa din siya kahit na anoman ang nangyari noon sa inyo. Mahal mo pa din siya at magtatanan daw kayo kapag naghiwalay na tayo,” wika ni Gie.
“Sinabi niya 'yon?” mangha niyang sambit. Pakiramdam niya'y parang puno ng hangin ang kaniyang ulo dahil para iyong lumilipad sa kawalan at anumang oras ay sasabog iyon sa inis na nararamdaman niya ngayon para kay Marga. Hindi niya akalain na ganun si Marga. Matagal na panahon niyang nakasama ang babae, ngunit hindi pa rin pala talaga sapat ang panahon na iyon upang masabi niyang kilalang-kilala na niya ito.
Ang buong akala niya noon ay mabait ito. Dahil tahimik lamang ang babae at mahinhin. Pero ayon nga sa kasabihan. Silent people is more dangerous. Dahil mas marami nga talaga silang tinatagong ugali kaysa mga gaong maiingay. Dahil ganun si Marga. Nalaman lang niya ang lahtat ng kagaguhan nito nung nagbati sila ng kaniyang ama at nagkausap sila ng masinsinan. Nalaman niyang si Marga ang dahilan kung bakit na stroke ang kaniyang daddy.
Nagka-casino ito kaya malaki ang nadispalko nitong pera sa kumpaniya at bukod sa pagsusugal ay sino-sinong lalaki din ang naka-relasyon ni Marga. Alam lahat iyon ng ate Faye niya kaya galit ito kay Marga hindi lang nito pinaalam sa kaniya dahil ayaw na nitong sumbatan pa niya ang ama. Ngayon na wala na itong mapakinabangan sa daddy niya'y siya na naman ang hinahabol nito dahil akala nito’y mahal niya pa rin ito at handa pa rin siyang magpakatanga para dito. Ngayon niya masasabing karma did exist dahil tinamaan nga ang kaniyang daddy. Pero naisip niyang biktima lang din ang ama niya sa panggagago ni Marga.
“Let me explain first,” sabi niya tsaka ito hinila paupo sa kandungan niya. Hinihintay niyang papalag na naman ito at sasabihing; "No you stay away from me, Fire!" Ngunit laking pasasalamat niya dahil walang reklamo naman itong umupo sa kandungan niya. “Nung nakita mong naghahalikan kami ano pa ang sumunod mong nakita mo n'on?” tanong niya habang pinupunasan ang luha sa mukha ni Gie ng kaniyang daliri.
“W-wala na dahil nung nakita ko kayo nagtago ako. Tapos ng sumilip ulit ako. Wala na kayo sa harapan ng pinto,” anito. Hindi na ito umiiyak sa pagkakataong ito at kalmado na ang boses na Gie.
Tumango-tango siya. “Ahh, kaya pala hindi mo nakitang tinulak ko siya at pinaalis. Kaya siguro ng sumilip ka ulit ay wala na kami dahil pinaalis ko na siya,” paliwanag niya.
“Di nga? Bakit mo naman siya paalisin?”
“At bakit naman hindi ko siya paalisin? Una sa lahat nanay ko siya dahil asawa siya ng tatay ko. Pangalawa. I don’t love her anymore hmmp— the fact is I thought that I'd still. Kasi ewan ko ba? Basta akala ko galit pa rin ako sa kaniya kasi mahal ko pa rin siya. Ngunit n'ong napapalapit ako sa'yo at nakakasama na kita, lalo na nung nakilala ko na ang tunay na ikaw ay bigla na lang nawala tapos nasabi ko na atlast! Naka-move-on na pala ako. Huli ko na nga lang nung realize ko na mahal na kita.”
“Pero siya ang first love mo 'di ba? Eh, sabi sa kanta first love never dies," nakalabi nitong sambit.
Natawa siya sa sinabi nito. Tama nga naman ito na first love never dies at ngayon lang niya iyon nalaman mula nang makita niya ulit ito. “Yeah! You’re right," sang-ayon niya.
“Oh! 'Di ba? Tignan mo? Tapos may pasabi-sabi ka pa na mahal mo ako,” nagtatampo nitong sambit.
Natatawa siya dahil parang nakikita niya ang batang si Gie. Naaalala niya noon kapag nagtatampo ito sa kaniya. Hindi siya nito kinakausap. Kapag naman kinakausap siya nito'y pa singhal ang boses nito at nanghahaba ang nguso nito habang nagsasalita.
“Yes and I think, I still loved my first love,” aniya at mukhang lalo pa yata itong na bad trip dahil akma na itong tatayo kaya agad niyang dinugtungan huling sinabi. “Gennie. She was my puppy love. My sweetheart and my chilhood first love. And I think it’s you right?” nakangiti niyang sambit.
Nilingon siya nito na may pagtataka sa mukha. “Paanong—?”
“Nakita ko na ang laman ng kwarto mo at nabasa ko na din ang laman ng old diaries mo. Nakita ko iyong picture nating dalawa sa malaking frame na nasa kwarto mo at iyong kwentas na binigay ko sa'yo. I’m sorry kung nakalimutan kita Gennie. I’m sorry kung hindi ko kaagad natupad ang ipinangako ko sa'yo noong mga bata pa tayo. I’m sorry kung gago ako. I’m such an asshole! Hindi ko nakilala agad ang first love ko, sa halip ay pinahirapan pa kita. Ang buong akala ko si Marga ang una kong minahal at wala nang iba. Hindi ko naalala na bago ko siya nakilala’y nangako na pala ako sayo noon.”
Muli na namang namula ang mga mata ni Gie pati ang ilong nito. Sumisinghot na naman si Gie dahil pinipigilan nito ang huwag maiyak.
“Patawarin mo ang gagong si Dean na lagi kang kinukulit noon mapansin mo lang at patawarin mo si Dean na pinaghintay ka ng matagal bago niya na realize na nasa harapan na pala niya ang matagal niya ng hinahanap. Patawarin mo si Dean na pinaghintay ka ng matagal at ng makita mo na’y sinasaktan ka pa nh masasakit na salita at mga masasamang pagbibintang. I’m sorry Gennie,” emosyonal niyang wika. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya.
Nagiging iyakin na siya mula nung umalis si Gie at hanggang ngayon na nakita na niya ito’y walang nagbago. Ang sipag ng mata niyang mag-produce ng luha. Ang dami ng kasalanan niya sa babaeng ito at kung pagbibigyan siya ng pagkakataon upang mai-tama ang lahat ng mali niya’y babawi siya rito at mamahalin niya ito ng sobra-sobra.
Flor De Luna 😉
Hi,
Hehe 🙂 nakapag-update ulit ang lola niyo.
Malapit na kaming magkita ng jowables kong si "The End"
Kunting kembot na lang mga besh 🤤Thank you sa mga followers ko charooot. 🥰
Sana dumami pa kayo ayiiieeee!
BINABASA MO ANG
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware]
Ficção Geral➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 ➡️ R18 ⚠️ Rated SPG 🔞 [read at your own risk] Ilang taon matapos ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila, muling nagkita sina Gie at Fyro. Pinangakuan siya nito ng kung anu-ano-malalaking projects, madaming pe...