PART 40: I'm Sorry- I Forgot You!

3.7K 84 20
                                    

Ngayon nga ay nasa loob ng bahay ni Gie na si Fyro. Inilibot niya ang buong paningin, wala namang naiba sa paligid. Ganun pa rin ang lahat maliban nga lang sa mga gamit na tinakpan ng puting tela upang hindi iyon maalikabokan. Malinis na malinis ang buong paligid, halatang nilinis muna nito ang lahat bago umalis. Naglakad siya upang tignan ang kwarto ni Gie, na noon ay mahigpit nitong tinutulan ang kaniyang pagpasok. Ano nga ba ang meron sa loob?


Pagkatapos ipasok ang susi sa door knob ay pinihit niya iyon upang mabuksan ang pintong nakasara. Madilim ang buong silid kaya nangangapang hinanap ng kamay niya ang switch ng ilaw. Nang mahanap ang hinahanap ay agad niyaniying pinailaw para lang magulat sa makikita.


“A-ano ‘to?” labis ang pagtatakang dahan-dahan siyang naglakad palapit sa  mga litratong nakadikit sa pader. Ang mga litrato niya mula noong bata pa lang siya hanggang sa nag-binatilyo, naging binata at ngayong malaki na siya.




Bakit meron ng mga ito si Gie? Ultimo siya sa sarili niya ay wala siyang mga ganitong litrato. Stalker ba niya ang babae? Pero-- nilapitan niya ang litratong sobra ang kaniyang ngiti na halos pati gilagid niya'y kitang-kita na. Saan iyon kinuha? Para siyang isang artistang nakatingin sa silid ng kaniyang ultimate fan. Pero imposibleng ultimate fan niya si Gie. Hindi naman mukhang kuha ng  paparazzi ang mga litratong nakadikit sa pader nito. Iyong mga kuhang bata pa siya ay mukhang pina-print talaga ng sadya. Iyong iba naman ay halatang ginupit na lang sa magazine. Kahit noong nagbabanda siya ay nakadikit rin sa pader.



Lalong sumakit ang ulo niya. Mas marami na ang tanong na naglalaro sa kaniyang isipan na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang sagot. Ito ba ang dahilan kaya ayaw siyang papasukin nito sa loob? Muli niyang inikot ang paningin nang masagi ang isang malaking lumang litrato na naka-frame. Biglang nagsalubong ang kaniyang kilay sa nakita. Mukhang matagal na ang litrato dahil kahit colored ang picture ay halatang lumang-luma na, dahilan upang mag-kulay black n white na ito. Ngali-ngali siyang lumipat upang tignan kung sino ba ang nasa lumang litrato.


"Ako ba ito?" tanong niya sa sarili.


Biglang kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib ng mapagtantong kamukha niya ang batang lalaki sa litrato. Mas inilapit niya pa ang mukha upang kumpirmahin ang sarili kung tama ba ang kaniyang hinala. Mayamaya pa ay bigla na lang umagos ang luhang hindi niya alam kung saan nanggaling.   



Siya nga ang batang lalaki at kung hindi siya nagkakamali ay si Gie naman ang batang babae na niyakap ng batang lalaki. Pilit niyang inaalala kung kailan iyon nangyari.



“Genie?” mahina niyang usal habang hinahaplos ang mukha ng batang babae sa litrato.



Kung tama ang kaniyang naaalala ay walong taong gulang siya nung nangyari ang tagpong ito. Christmas party nila iyon. Genie ang tawag niya noon sa batang si Gie. Dumating ang daddy niya at ang nanay nito, dahil may camera ang daddy niya. Nakiusap siyang picturan silang dalawa ng babaeng mahal niya para meron silang remembrance. Lagi kasi silang naka-uniporme at iyon lang nagsuot ng magandang damit si Gie.





N'ung una ay ayaw pa ni Gie pumayag dahil nahihiya ito sa daddy niya. Ngunit kalaunan ay napilit naman niya ang batang si Gie. Marami silang picture nung time na iyon ngunit itong tagpong ito ang pinakamaganda dahil pareho silang hindi nakatingin sa camera at nakayakap siya habang ang ganda ng ngiti nila sa isa’t-isa. Ipina-develope niya agad iyon at ibinigay sa babae, hindi niya alam na hanggang ngayon ay nasa babae pa rin ang litratong binigay niya samantalang sa kanya’y bukod sa wala na’y nakalimutan na niya ang parte ng kabataan niyang iyon. Kung hindi niya pa nakita ang litratong ito ay wala siyang maaalala.



Sa gilid ng frame ay mayroong nakasabit na kwentas. Isang maliit na kwentas na may pendant na isang hating puso. Siya rin ang nagbigay ng kwentas na iyon, bago siya umalis patungong Manila upang doon na ituloy ang pag-aaral. Bago siya umalis ay naalala niya noong nagpabili siya sa daddy niya ng couple necklace, sa kaniya ang isa at kay Gie naman ang isa. Natawa pa nga ang daddy niya noon kasi para daw siyang true. Pero wala naman itong nagawa kung 'di bilhan siya dahil hindi niya ito tinitigilan ng iyak.




Kaya nung nabili na ng daddy niya ang kwnetas, kinabukasan ay ibinigay niya iyon kay Gie at nangakong babalik siya para rito at sa pagbabalik niya ay liligawan niya ito at pakakasalan. Ngunit ang pangakong iyon ay kinalimutan niya sa pagtanda ng panahon. Gie was his childhood love. His puppy love and his first love! Ito ang unang nagpatibok ng batang puso niya-- nakalimutan lang niya.



“I’m sorry Gie,” napahagulhol siya ng iyak.



Buong buhay niya akala niya ay si Marga ang babaeng unang minahal at unang nanakit sa kaniya. Ang laki ng kasalanan niya kay Gie bukod sa kinalimutan niya ito at pangako niya rito noon ay sinaktan niya pa ito ng lubos-lubosan.



Tama lang na iniwan siya ng babae dahil isa siyang walang kwentang tao.








xxFORDELUNAxx

Hmm, pasensiya na mababa lang ang na gawa ko. Hindi ko pa kasi day-off. Siningit ko lang kasi marami na kayong nakikiusap.

Tiyaga lang guys and maraming thank you 💜

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon