PART 11

5K 70 1
                                    

Dahil araw ng linggo at walang nakasulat na trabaho sa schedule niya, napagpasyahan niyang magsimba at dadalaw narin sa bahay ampunan nang White Cross Children’s Home. Namimiss na niya sila sister’s at ang mga batang makukulit nakasanayan na niyang puntahan ang mga ito tuwing wala siyang nakapilang trabaho. Mas gugustuhin niyang makita ang mga ito kesa gumala kung saan-saan.


Tuwing pumupunta siya sa White Cross ay nagbibigay siya ng panggastos para sa mga batang iniwan ng mga magulang. Naaawa siya sa mga bata dahil alam niya ang pakiramdam ng maiwan, maswerte parin siya dahil iniwan siya ng ina sa mabait na pamilya. Ngunit ang mga ito ay wala pang kasiguruhan kung mabait ba ang makaka-ampon. 


Kung pwede nga lang na huwag ng ipa-ampon ang mga bata ay ginawa na niya kaso hindi talaga pwede dahil sa araw-araw na ginawa ng diyos laging nadadagdagan ang mga batang iniiwan ng mga magulang kaya naman kung hindi sila ipapa-ampon, mapupuno ang bahay ampunan at baka hindi na sila maasikaso nila Sister’s nang maayos.


Tuwing may inaampon ay lagi siyang nando'n para magpaalam sa bagong aampunin, kahit sobrang busy ng schedule niya ay hindi pwedeng umalis ang bata hangga’t hindi siya nakakapagpaalam. Gano'n kalapit sa puso niya ang mga batang ito, at kapag nando'n na ay binibisita niya ang mga ito at tinitignan ng personal kung maayos naman ba ang umampon. 


Hindi niya lubos maintindihan ang mga magulang na kayang iwanan ang sariling anak katulad nalang ng Mama niya. Hindi niya lubos maisip kung bakit siya iniwan nito sa mama ni Jordan noon.


Nito lang niya nalaman kung ano ang tunay na dahilan kung bakit ayaw nito sa kanya, sa tagal niyang nabuhay sa mudo ay saka lang niya nalaman na bunga pala siya ng rape. Kaya galit na galit ang mama niya sa kanya.


Kaya pala niminsan ay hindi niya naramdaman na mahal siya ng Ina, dahil galit ito sa tatay niya at galit din ito sa kanya.  Nasira ang pangarap nito nang mabuntis ito sa kanya dahil sa kagagawan ng ama niyang niminsan ay hindi niya pa nakikita.


Sa naisip ay biglang dumaloy sa alaala niya ang nangyari limang taon na ang nakakalipas noong hinanap niya ang Ina. Kung hindi dahil sa koneksiyon ni Jordan at sa pera nito'y hindi niya mahahanap ang Ina.


Binalaan pa siya noon ni Jordan kung talaga bang handa siya sa kung anuman ang mangyayari, sa tagal na panahong iniwan siya nito ay kailan pa siya magiging handa? Limang taon lamang siya no'ng iniwan siya ng Ina at simula noon ay hinanda na niya ang sarili sa muli nilang pagkikita.

Kahit kunti ay hindi siya nagtanim ng galit dito. Nais lang niya itong makita at kumustahin, alam niyang maayos ang buhay ng Ina dahil ayon sa source na inupahan niya’y nakapag-asawa ito ng mayamang lalaki at ngayon nga ay may tatlong anak na. Nais din niyang malaman kung naaalala parin ba siya nito at kung namiss man lang ba siya nito.


Ngunit imbes na matuwa ito nang makita siya ay nagalit ito at sinampal siya ng ubod lakas.

“Wag kana ulit magpapakita dito Gie,” bungad nito matapos niyang magpakilala at matapos siyang sampalin. "Matagal na kitang ibinaon sa limot simula noong iniwan kita kay Nessy, kinalimutan ko nang may anak akong ikaw, hindi na kita kailangan dahil may asawa’t anak na ako at maayos nadin ang buhay ko kaya parang awa mo na 'wag mo nang guluhin ang pamilya ko,” anito na panay ang lingon sa loob ng bakuran na para bang may kinakatakutan.

“P-pero Ma—?” hindi niya natapos ang nais sabihin dahil nagsalita itong muli.


“Kalimutan mo na ako, kalimutan mo nang ako ang Mama mo. Simula ngayon ibaon mo nalang din ako sa limot Gie, masaya na ang pamilya ko at ayaw kong mawasak ito ng dahil sayo, pakiusap.” Matigas ang anyo ng Ina ng tumalikod ito sa kanya.


Magsisimula na sana itong maglakad papasok sa loob nang biglang huminto at muli siyang lingunin. Ang buong akala niya ay biglang nagbago ang isipan nito at kakausapin na siya kahit saglit lang, ngunit ilusiyon niya lang pala iyon dahil bumalik lang ito upang iabot sa kanya ang isang puting sobre.


“Nandiyan lahat ang gusto mong malaman Gie,” anito saka tuluyang naglakad palayo sa kanya.

Isinulat nito ang lahat ng nais niyang malaman, isinulat din nitong hindi na nito nakita pa ang lalaking Norwiedian na nang-rape dito kaya pala kakaiba ang beauty niya dahil may lahi talaga siyang banyaga. Ang akala niya ay purong pilipina lang siya, pero kung tutuusin ay isa rin naman siyang biktima, wala naman siyang kinalaman sa nangyari noon ngunit nadamay siya sa galit na ginawa ng ama niya sa Ina.


Ang ipinagpapasalamat lang niya dito ay hindi siya nagawang ipalaglag nito at hinayaan siyang makita ang mundo kahit ni minsan man sa buhay niya, simula noon ay hindi nito ipinaramdam na mahalaga siya at mahal siya nito. Kaya ang laki ng simpatiya niya sa mga batang nandoon sa bahay ampunan. Nakikita niya kasi ang sarili sa mga ito.

Bigla namang dumaan sa kanyang alaala si Fyro. Dahil sa pagka-despirada noong araw na iyon kaya siya nagtungo sa bar upang lasingin ang sarili… doon naman niya nakita si Fyro.

xxFLORDELUNAxx

Ngayon palang, nagpapasalamat na ako sa matyaga niyong paghihintay sa susunod kong Update.

Hehe :)
Walang sawa akong magpapasalamat sa inyo mga dzong at dzai.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon