PART 22: Lady in Red

4K 66 2
                                    

Nagsimula nang rumampa ang lahat ng modelo sa nakuhang fashion show ng FHM. Wala siyang ibang inaabangan kundi ang pagrampa nang number two. Kanina pa siya nakaabang sa may pinaka-unahang silya dahil nais niya itong makita nang mas pinaka-malapit habang rumarampa sa entablado. Balita niya ay ito ang unang pagsali nito at nakuha na agad nito ang pangalawang pwesto.

“Hindi na masama,” bulong niya sa sarili.

Hindi gano'n kalakas ang kinapitan nito dahil hindi ito nanguna, kung disinsana'y sa kanya ito kumapit 'di sana’y nasa unang pwesto ito ngayon. Nakita niya ito kanina na kasama ang baklang manager, pero parang wala itong nakita at dere-deretso lang itong naglakad papasok sa dressing room. Ilang araw din siyang naging abala dahil sa gaganaping selebrasyon kaya kahit naisin man niyang istorbohin ito at pasakitin ang ulo’y hindi niya magawa dahil inaalala din niya na katulad niya'y pagod din ang babae sa paghahanda.

Mula noong gabing natulog siya sa condo nito ay hindi na ulit sila nagkita at kanina nga ay nakasalubong niya ito sa may hallway, lahat nang empleyado at artist sa kumpanya niya ay binabati siya tuwing makakasalabong. Bukod tanging si Gie lang ang hindi bumati sa kanya. Napangiti siya sa tinuran ng babae. Alam niyang galit ito dahil sa kanya niya hinanap ang bayaw na hindi naman pala dito nakatira at sa isa nitong kaibigan na isang Direktor din.

Hindi pumipikit ang mga mata niya nang rumampa na ang pangatlong modelo na si Charrize Alonzo, she have known this model dahil minsan niyang naging syota ito just for fun. But now his not interested in her anymore dahil mas nais niyang makita ang pag-rampa sa catwalk ni Gie Montemayor, he was excited to see Gie walking on the catwalk, napangiti siya sa naisip dahil sa kabila ng masasamang bansag sa babae ay siya at siya lang ang bukod tanging pinayagan nitong gumalaw sa katawan nito. Alam  niyang siya palang ulit ang nakagalaw sa katawan nito at wala ng iba. Napatitig siya sa entablado ng tawagin na ang pangalan ni Gie ng emcee.

Hanggang sa wakas ito na ang nagsimulang maglakad sa gitna.  Kakaiba ang suot nitong attire na bumagay talaga dito, sa suot nitong kulay pulang two piece na nilagyan ng mga palamuti upang kuminang ang kulay at pinaresan pa ng malaking kulay pulang pakpak na mas lalong nakapagbigay pansin dito. Ang suot nitong tiara na ang malalaking bato’y ibinagay din sa kulay ng suot ng babae.

Nagmukha itong diwata ng apoy, that really suit her personality, a seductive yet so innocent woman. Yes innocent! He knew, he took her innocence five years ago and  took it again a week ago, hindi niya alam kung bakit gan'on kasama ang tingin ng ibang tao sa babae, but he will make sure na hindi na ulit ito magkakaroon ng ibang issue sa ibang lalaki, napangiti siya sa kagandahang taglay ni Gie. Aalamin niya ang lahat sa pamamagitan nang pag-akit sa babae.

Lahat ng nanunuod ay napapahiyaw sa angking ganda ni Gie, she is the seductive version of Lady in Red na kanta ni Cris De Burgh sa suot nitong pulang-pula na naaakma sa kanyang pagkataong isang mapang-akit na dilag. Mas nagmukhang ito ang nag-number one sexiest woman dahil sa kanyang malakas na appeal sa mga manunuod. She make’s the crowd scream and shout to her beautiful appearance, parang kumbaga’y pag-aari nito ang entablado at kay Gie lahat natapon ang buong atensyon, halos wala nang itinira para sa tunay na reyna nang gabi! Kahit wala na ang babae sa harapan ay pangalan parin nito ang tanging naririnig niyang pinag-uusapan nang mga tao. Gano'n kalakas ang empact nito nang gabing iyon para sa lahat.

Pa-bitin!!
Hahaha

xxFLORDELUNAxx

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon