PART 42

3.9K 82 36
                                    

Maliit lang ang bahay nito tama lang sa dalawang tao. Mas malaki ang bahay nitong iniwan sa Pinas.

“inuupahan mo ito?” bahagya lang itong tumango at dumiretso sa maliit nitong kusina na nasa loob lang din ng maliit na kwartong iyon. Studio type ang bahay nito. Wala ng kwarto dahil maliit lang ang pwesto. Nilagyan lang ng maliit na c.r at katabi ang maliit na lababo.  Ito na ang naging kusina at may maliit na kama at mini sala. Lahat ‘yon ay nasa isang buong kwarto na. Small but terrible! Napapaisip siya kung kumportable bang nakakagalaw ang babae? Malaki na kasi ang tiyan nito at mukhang maliit lamang ang espasiyo.

Tinitigan niya ang abalang si Gie. Hindi pa rin nito sinasagot ang tanong niya kanina kung sino ang ama ng ipinagbubuntis nito. Ngunit kahit hindi na tanungin ay alam niyang sa kaniya ang ipinagbubuntis ni Gie. Kanina habang nag-uusap sila’y kwenenta na niya sa isipan ang kung ilang buwan na mula nung umalis ito. Ang kailangan na lang niyang malaman ay kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis nito.



“You need some help?” alok niya rito dahil nakikita niyang nahihirapan itong abutin ang isang baso upang pagtimplahan ng kape. Kaya agad niya iyong inabot at binigay kay Gie. 


“Salamat,” walang emosyong wika nito at muling inabala ang buong atensiyon sa pagtitimpla ng kape. 

Nang iabot nito ang kape sa kaniya ay agad siyang umusal ng pasasalamat.


“Pasensya ka na 'yan lang ang nakayanan ko. Hindi ko kasi inaasahan na magkakaroon ako ng bisita,” anito habang nahihirapan sa pag-upo dahil sa laki ng tiyan. Agad naman niya itong nilapitan upang alalayan. "Kaya ko," pigil nito sa kaniya.


Kaya walang magawang bumalik na lamang siya sa kaniyang kinauupuan. He knows that Gie was an independent women, pero nasasaktan siya dahil alam naman niya kung bakit tinatanggihan nito ang tulong at pag-aalala niya. Ayaw nitong madikit o mapalapit man lang sa kaniya at nasasaktan siya sa naiisip. 



Nanaig na naman ang nakakabinging katahimikan. Hindi niya alam kung saan magsisimulang magsalita. Marami siyang nais itanong ngunit kahit isa ay walang may nais lumabas sa kanyang bibig. Kuntento na siya habang nakatitig sa mukha nitong biglang bumilog dahil sa pagbubuntis. But she seem to be beautiful, dahil hindi nakabawas ang pagbilog ng mukha nito sa kanyang natural na ganda.



“Bakit ka nga pala nandito?” basag nito sa nakakabinging katahimikan.


“I told you. I missed you, that’s the main reason why I’m here,” walang pagdadalawang isip niyang sagot.



“Huwag na sana tayong mag-gagohan Fire,” seryoso nitong sambit na halatang may kalakip na galit ang boses.




“Bakit? Sino ba ang nang gaga-gago dito Gie?” seryoso na din ang kaniyang boses. Kung nang-gagago lang siya. Bakit pa niya papagurin ang sariling liparin ang El Salvador mula Pinas? Nakakapagod ang sobrang habang beyahe at hindi din biro ang mga pinagdaanan niya bago niya ito mahanap. She was missing in action at walang nakakaalam kung saan ito nagpunta. Mabuti na lang dahil sa sobrang pagka-praning niya'y  nakaramdam ng awa ang kaniyang ate at ito na mismo ang gumawa ng paraan upang mahanap si Gie, kasama ang inupahan niya para hanapin ito.



“Lumayo na ako—”



“Yeah! Alam ko. Hahanapin ba kita kung hindi ka lumayo?” putol niya sa nais nitong sabihin. “Iyon nga ang hindi ko maintindihan kung bakit ka lumayo. Kung bakit ka umalis nang hindi man lang ako kinakausap. Hindi ka na naman nagpasabi. Basta umalis ka na lang,” pilit niyang pinapatatag ang boses dahil sa totoo lang. Muli na naman siyang naging ma-emosyon.


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon