PART 18: Anong trip ng Siraulong 'to?

4.1K 65 12
                                    

Nagdiriwang ang kalooban ni Fyro habang dahan-dahan niyang sinisimsim ang hininging whisky sa bartender. Kitang-kita niya ang pagtutol ni Gie no'ng humiwalay ang labi niya sa labi nito. Aminin man niya o hindi ay hindi din niya gustong iwanan ang babae, dahil kahit hindi aminin ay pareho nilang gustong may mangyari sa kanila kani-kanina lang. Ngunit dahil gusto niya itong gantihan sa ginawa nito noon sa opisina niya ay ilang libong kontrol sa sarili ang kailangan niyang iponin upang maiwanan lang ito kanina.


Kung susundin niya ang dinidikta kanina ng kanyang katawan ay nais niyang balikan ito at walang kahirap-hirap niyang pupunitin ang natitira pang saplot na bumabalot sa katawan ng babae. Pagpasok niya kanina sa sariling silid ay agad siyang dumiretso sa banyo at naligo ng napaka-malamig na tubig dahil kinailangan niyang patayin ang apoy na sinindihan ni Gie. Ngayon siya mas lalong nagtaka. Bakit kay Gie ay hindi nawawala ang gana niya, ngunit bakit sa iba?


“Siguro dahil gusto ko siyang matikman ulit kaya gano'n?” katwiran niya sa sarili.



Baka nga gano'n lang ang nangyayari. Baka kaya gano'n siya ay dahil gustong-gusto niya ulit matikman ang babae.
Itinuon niya ang paningin sa kwarto ng babae, malapit lang ang kwarto niya sa kwarto nito. Sa katunayan ay siya ang nagdesisyon na doon ilagay ang babae dahil nais niya itong bantayan.


Ano na kaya ang ginagawa ng babae sa ganitong oras? Totoo kaya ang sinabi nito noon na hindi siya marunong sa kama? Ngunit kung totoo sana ang bagay na iyon ay hindi gano'n ang makikita niyang pagnanasa sa mukha ng babae kanina.


Napabuntong hininga siya sa naiisip at sa mga tanong na kay hirap sagutin. Wala naman sana siyang pakialam, pero bakit ang dani-dami pa niyang tanong! Gustong-gusto niyang katokin ang pinto nito upang ipagpatuloy ang naudlot kani-kanina lang. Ngunit pinipigilan niya ang sarili. Kahit naaakit siya dito ay isa parin itong masamang babae. Muli niyang tinungga ang laman ng baso at tumayo na upang pumasok sa silid. Maaga pa siyang gigising bukas, dahil maagang magsisimula ang photo shoot.


-----




Lumipas ang maghapon at tapos na ulit ang trabaho nila, bukas na naman ulit. Ihahatid sila ng bangka sa bago nilang venue, isang linggo silang mananatili sa batangas para lang ganapin ang final photo shoot bago sila rarampa sa entablado. Pagpasok niya sa sariling silid ay muntikan na siyang mapatakbo palabas nang makita sa loob si Fyro!


“Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?” naiirita na niyang tanong. Masaya na sana siya dahil buong araw niyang hindi nakita ang pagmumukha nito ngunit na-expired na naman ulit ang saya niyang iyon dahil nandito na naman ito sa harapan niya. Saan ba siya magpapaload nang hindi niya makita si Fyro upang hindi masira ang araw niya, kung meron lang ay gagawin niyang isang taon ang load na iyon. Para lang hindi na niya ito makita pa!


“Wala lang trip ko lang.”



“Ano! Hanip naman ng trip mo,” naiinis niyang sambit. “Baka tapos na ang makamundo mong trip at baka pwede ka namang tubuan ng hiya sa katawan at kung pwede lang lumayas kana sa harapan ko,” mataray niyang sambit.


“May inorder akong food gusto ko kumain tayong dalawa,” anito na parang walang narinig na pagtataray mula sa kanya.



“Hindi ako gutom,” tanggi niya ngunit ang totoo ay nagugutom na talaga siya. Nang maisip ang pagkain ay parang may sariling isip naman ang sikmura na biglang tumunog dahilan upang matawa si Fyro. “Oh! Ano naman ang nakakatawa do'n? Huwag mong sabihin na ngayon ka lang nakarinig ng kumukulong sikmura,” nakataas kilay niyang wika.


“Kahit gaano kasinungaling 'yang bibig mo. Hinding-hindi naman magsisinungaling ang tiyan mo,” tatawa-tawa nitong sambit.


“Ako na ang sinungaling.”


“Talaga naman eh,” sagot naman nito. Sasagutin pa sana niya ang lapastangang lalaki ng biglang may narinig na katok sa labas kaya agad itong tumayo upang pagbuksan ang pinto.


“Ito na iyong in'order ko kakain na tayo,” anito habang excited na binubuksan ang sinomang tao sa labas.


“Kumain kang mag-isa mo!” bubulong-bulong niya.



Ano na naman ba ang trip nito at may sarili naman sana itong kwarto’y bakit dito pa nito naisipang kumain. Tinignan niya ng masama ang likod ng lalaki. Sa isip niya ay bugbog sarado na ito sa mga kamay niya at duguan na ang pagmumukha nito habang gutay-gutay na ang malaki nitong katawan-- ngunit hindi naman niya kayang gawin iyon sa personal. Napabuntong hininga nalang siya sa inis na hindi maikabas.


“Halika na Gie,” anyaya nito.



“Sige lang pakabusog ka,” aniya na kunyari ay abala sa cellphone.


“Babasagin ko 'yan kung hindi ka haharap dito at kakain,” banta nito.


Sisinghalan na sana niya ang lalaki sa inis na naramdaman, na agad ding natigilan dahil sa seryosong nakita sa mukha ni Fyro.  Kaya ba ipinangalan ng mga magulang nito sa lalaki ay Fyro kasi galing itong impyerno at alam ng mga magulang nitong lalaki itong mukhang demonyo!  


“Siraulo ‘to!” naiinis niyang sambit.  Sinadya niyang lakasan upang marinig talaga ng lalaki. Saka nagpasyang kakain nalang tutal gutom nadin naman siya.


+++

August-02-2019

Last Update!
Next time ulit


FLORDELUNA ♡

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon