PART 38: My Biggest Secret, Revealed!

3.8K 96 61
                                    


"I've loved you for so long!"
-Gie

❤❤❤

Alas diyes na ng umaga nagising si Fyro. Mag-uumaga na niyang tinantanan si Gie. Hindi niya alam pero napakaganda ng gising niya, pakiramdam niya'y isa siyang cellphone na naka-fully charge. Dahil masayang-masaya siya at kumpletong-kumpleto ang pakiramdam niya ngayon.



Bumangon siya at hinanap ng mga mata niya si Gie, ngunit wala na ang babae sa tabi niya. Siguro ay maaga itong umalis at hindi na siya ginising pa. Napagod siya at malamang ganun rin si Gie. Masipag lang talaga ito kaya hindi kataka-takang gumising ito ng maaga. May ngiti sa labing tumayo nang may masagi ang mata niyang nakatuping puting papel sa mesa. Hindi niya mapigilang hindi sumilay ang ngiti sa labi dahil nag-abala pa talaga itong gumawa ng sulat kung pwede naman siya nitong itext na lang. Siguro nga ay may importante itong gagawin ngayong araw kaya hindi na nagawang magpaalam sa kanya. 


Marahan niyang binuklat ang nakatuping papel upang basahin ang nilalaman ng nakasulat sa loob.


To my Love Dean Fyro Santisteban,

Hindi na kita ginising pa dahil kapag ginawa ko iyon ay baka hindi ko na  magawang umalis ng tuluyan sa'yo. I just want you to know that I loved you so much and I will do everything para sa ikaliligaya mo. I don’t want to burden you anymore. Naniniwala ako na kung saan ka masaya doon ka. At alam kong hindi ako ang kaligayahan mo. So now I'm letting you go, baby.

Ahh-- by the way I have a secret to tell. Matagal na panahon ko siyang itinago and now I'm so ready to reveal. Sshh!

I love you since we we're kid. Are you shock? Don’t be. I loved you once when I was just eight years old, minahal kita sa bata ko pang puso. Hinintay kita kahit alam kung walang kasiguraduhan ang ipinangako mo sa'kin. Alam kong wala kamnang maalala kaya hindi ko na din ipapaalala. Sinabi ko lang na ikaw ang first loved ko.



Para saan ba ang sulat na ito? Naguguluhan siya at hindi niya kayang salain ng maayos ang mga sinasabi nito. He was her first love? Paano nangyari ang bagay na iyon? Bakit wala siyang matandaan? Nagsalubong ang kilay niya sa nabasa, ano ang sinasabi nitong pinangako niya, bakit  wala talaga siyang matandaan?  kaysa tanungin ng tanungin ang sarili ay ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.


I've loved you twice. Nung nagkita tayong muli sa bar. Sa totoo lang hindi kita nakilala noon, kasi ang laki na ng ipinagbago mo. Mas lalo kang gwumapo, at mas nag-firm 'yong kamatchuhan mo. (Hehe)  Pero ewan ko? Kasi nung time na iyon, napakagaan ng pakiramdam ko sayo. Kahit pa na iyon ang unang beses kitang nakita. Ipinagkatiwala ko agad sa'yo ang pagkababae ko kahit hindi ko pa alam na ikaw ang lalaking nangako sa'kin noong grade school pa lang ako.



Biglang sumakit ang ulo niya sa mga nabasa. Pakiramdam niya ay sasabog ang utak niya sa kakaisip kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Gie.  Ano ba ang ipinangako niya dito noong mga bata pa sila? Nagkakilala na ba sila noon? Ngunit bakit wala siyang maalala?



And I've loved you thrice. Nung mga panahong inaaway at minumura mo ako. Iyong galit na galit ka sa'kin dahil sa tingin mo’y isa akong madumi at masamang babae. Minahal kita sa kabila nang katotohanang sinasaktan mo ako. Hindi ko alam kung bakit sa'yo pa? Pero minahal kita at mamahalin kita ng paulit-ulit. Nga pala siguro naman sa panahon na magkasama tayo ay nalaman mo naman ang lahat ng binibintang sa'kin ay hindi totoo? Tama ba ako o assume ko lang iyon? Pero kung nag-aasume nga lang ako. Sana naman, balang araw ma-realize mong hindi ako kailanman nang-apak ng ibang tao, Fire. Atsaka may sasabihin din ako. Jordan was not my lover, he is my brother not by blood actually, but by heart. Ang nanay niya ang nag-adopt sa'kin kaya kami magkapatid.


Kung bomba ang sinabi nitong kapatid nito si Jordan ay malamang wasak na ang buo niyang katawan. All along, iniisip niyang si Jordan ang lalaking mahal nito at si Jordan ang kini-kwento nito noon sa kaniyang first love nito.



Siguro sa oras na mabasa mo ito ay nakaalis na ako. Be happy that's all I ask of you. Don’t worry Fire hindi kita pahihirapan at kusa akong lalayo para sa ikaliligaya mo at para na rin sa ikatatahimik ng lahat. Masaya ako dahil nakilala kita. Masaya ako kahit sa kunting sandaling nakapiling kita. Malaya ka na Fire, follow your heart. Always follow your heart and be happy.

I love you goodbye. 

  Gie 🖤

  
🌹🌹🌹
🌱🌱🌱

Love is more on sacrifices.
At 'yan ang ginawa ni Gie para kay Fyro.
Masakit- pero masarap-- este!

Enjoy!
Labyah 😘
BTW, hehe mababa lang ang "PART 38"
Sa susunod na update ulit.

xxFLORDELUNAxx

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon