PART 25

4.1K 68 7
                                    

Kinabukasan ay sinundo siya ni Fyro ng saktong six nang hapon, pina-cancel niya lahat ng kanyang trabaho dahil may date sila na ipinagtaka ng husto ni Albert, dahil ngayon lang siya nagpa-cancel ng trabaho sa tanang buhay niya. Alam nitong sobrang halaga sa kanya ang bawat trabaho, maliit man iyon o malaki.

Nakita ni Albert na sinundo siya ni Fyro ngunit hindi na siya inusisa pa nito.
Ngayon nga ay kampante na silang nakaupo habang hinihintay ang ino-order nilang pagkain. Ginagap nito ang nakapatong niyang kamay sa mesa at tinitigan siya ng tuwid sa mga mata.

“I just want to grab this opportunity to say sorry for everything I’ve done to you Gie,” tinitigan siya nito at naglabas ng malalim na buntong hininga. “Sorry sa lahat ng nasabi at nagawa ko noon. Pasensya ka na kung pinagbintangan kita ng kung ano-ano, napagbintangan pa kitang kabit ng bayaw kong si Harry at sorry sa kung ano-anong masasakit na salita ang inakusa ko sayo. Pangako babawi ako Gie let’s make it right this time,” sa haba ng sinabi ng lalaki, lahat iyon ay walang pumasok sa utak niya.

Basta ang pakiramdam niya ngayon ay sobrang saya niya, daig pa niya ang nakalutang sa cloud9 dahil umaapaw ang ligayang nararamdaman. Sa wakas bumalik na ang dating Fyro na minahal niya.
Sa sobrang sayang naramdaman ay wala siyang maisip itugon sa lahat ng sinabi nito, kaya imbes na sumagot ay inangat niya ang malayang kamay at ipinatong sa kamay nitong nakahawak sa isa niyang kamay at matamis itong nginitian. She was speechless, natatabunan ng sayang nadarama ang dila at utak niya, kaya wala siyang masabi.

Naramdaman naman ni Fyro ang mensaheng nais niyang ipabatid dahil ngumiti ito at inilapat ang labi ng lalaki sa ibabaw ng kamay niya. Magsasalita pa sana ulit ang lalaki ngunit dumating na ang in-order nilang pagkain kaya hindi na nito naituloy ang nais sabihin.

“Here’s your order sir and madam,” magiliw na bungad ng waiter at inilapag na sa mesa nila ang mga pagkain. Matapos nitong lagyan ng laman ang tig-iisang kopita nila ay nagpaalam na ito sa kanilang dalawa.

“Let’s eat,” aya nito.

Habang kumakain sila ay marami silang napagkwentuhan. Doon niya nalaman na matagal pala itong nanatili sa ibang bansa at bumalik lang ito upang pamahalaan ang talent agency na iniwan ng ama dahil sa malubha nitong karamdaman. Kaya pala noong hinanap niya ito ay hindi niya na ito ulit nakita. Marami itong kinwento sa kanya at natutuwa siya dahil sa ganitong paraan mas makikilala pa niya ang lalaki.

“Ikaw Gie? Ahmm- nararamdaman ko kasing ako lang ang panay kwento baka may baon ka din na kwento d'yan, i-share mo na 'yan,” anito dahilan upang matawa siya ng malakas.

May pagkakalog din pala ang lalaki, akala niya noon sweet lang ito, tapos naging demonyo nalang bigla tapos ngayon naman ay nakita na niya ang kunting pagka-joker ng lalaki sana naman ay magtuloy-tuloy na upang mas makilala pa nila ang isa’t-isa.

“Ako? Wala namang special sa kwento ko kaya huwag na,” aniya.
Tama naman siya wala naman siyang magandang mai-kwento tungkol sa buhay niya kaya huwag nalang.

“Bakit naman?”

Napangiti siya sa nakitang dismayadong reaksyon nito. “Someday kapag handa na ako,” biro niya. Hindi pa siya handang ungkatin ang buhay niya rito kaya ayaw niyang mag-kwento.

“Kailan pa iyong someday na iyon?”

“Malapit na, atsaka alam mo kahit MMK ayaw tanggapin ang kwento ko,” aniya dahilan upang bumusangot ang mukha nito kaya lalo tuloy siyang natawa sa naging reaksyon ng lalaki.

“Talaga? Bakit nag-try ka na bang magpasa sa MMK?” takang tanong nito sa kanya. Ngayon lang din niya nadiskubre na may pagka-uto-uto din pala ang lalaki.

“Oo nag-try na nga ako tapos na reject kasi wala daw'ng sense, kaya kung ako sayo huwag ka na magtanong tungkol sa buhay ko kasi wala din naman,” aniya.

Umismid ito. “Kahit na! Gusto ko parin marinig ang kwento mo.”

“Next time kapag close na tayo,” aniya upang matapos lang ang usapan.

“Baket hindi pa ba tayo close ngayon?”

Nag-isip siya kunyari bago sumagot. “Hmm hindi pa masyado,” prangka niyang sagot na ikinalukot ng mukha nito dahilan upang matawa siya ng malakas na ikanalingon ng lahat sa gawi nila. “Ayy sorry” hinging paumanhin niya.

-----

Matapos nitong hingin ang bill ay agad na silang umalis sa restaurant napagkasunduan nilang mamasyal muna bago umuwi. Malapit na sila sa may pintuan ng may narinig si Gie.

“Mama, si Miss Gie po oh!” anang boses ng batang babae sa may gilid niya.

Narinig niya rin ang mahinang pagsaway ng ina nito, pamilyar sa kanya ang boses ng babae kaya ngali-ngali siyang lumingon kung tama ba ang kanyang hinala. Sa paglingon niya'y nakompirma niyang tama nga ang kanyang hinala. Ilang taon na ang lumilipas pero hindi parin talaga nawawala sa isipan niya ang boses nang sariling ina.

“M-mama?” mahina niyang anas.

Hindi niya alam kung nabigkas ba niya iyon ng malakas o sa isip niya lang nakulong ang salita. Pakiramdam niya ay bigla siyang nabingi sa nakita. Ang Mama niya kasama ang pamilya nito, gusto niyang lapitan ang mga ito at ipakilala ang sarili ngunit naalala niya ang sinabi nito noon sa kanya.

“Kalimutan mo na ako, kalimutan mo na ako ang Mama mo simula ngayon ibaon mo na lang din ako sa limot Gie, masaya na ang pamilya ko at ayaw kong mawasak ito ng dahil sayo, pakiusap.” 

Naikuyom niya ang kamao sa naalala, patay na nga pala siya para dito kaya bakit pa niya ipapakilala ang sarili sa mga kapatid. Nagulat siya ng biglang lumapit ang batang babae na kanina ay hawak-hawak ng Mama niya at yumakap sa kanyang binti.

“Hi ate Gie pwede pa-hug?” malambing na pakiusap ng batang babae na sa tantiya niya ay nasa limang taon gulang pa lang.

Tinignan niya muna ang Ina na tahimik lang na nakatingin sa kanya. Nginitian niya ang batang babaeng nakayakap sa binti niya saka niyuko. “Anong name mo?” malambing niyang tanong.

“My name is Grace and I’m already five years old.”

“Very good,” aniya habang pumapalakpak. “Do you want a hug?” agad itong tumango sa tanong niya. Walang pagdadalawang isip ay agad niya itong binigyan ng mahigpit na yakap, ang sarap siguro sa pakiramdam lalo na kung maipakilala man lang niya ang sarili sa mga kapatid. Ngunit pinigilan niya ang sarili, magagalit lang lalo ang ina kapag ginawa niya ang bagay na iyon. Nang bitawan niya si Grace ay agad naman sumunod na nakiyakap at nakiusap pa ng picture ang iba pa niyang kapatid hindi na niya inabala na tanongin ang mga pangalan nito ngunit nung magpapa-picture ay siniguro niyang pati cellphone niya ay makukuhanan din sila ng picture.

Nang matapos ay agad na nagpaalam ang pamilya ngunit nanatili siyang nakatayo habang tinitignan ang papalayong anyo ng mga ito. Gusto niyang umiyak pero ayaw niyang magtaka si Fyro.

“Ganyan ka ba sa lahat mong fans?” untag nito sa pananahimik niya.

“H-ha?! Ahhh— hindi naman,” aniya na pilit pinapakalma ang sarili. Gusto niyang umiyak sa saya kahit na alam niyang hindi naman siya kilala ng mga kapatid bilang anak din ng Mama nila. Sinipat niya ulit ang litratong kuha ng kanyang cellphone. Wala siyang ibang hiling kundi makilala ang mga ito at tanggapin ng ina. Kaso hindi din niya alam kung mangyayari pa ba ang bagay na iyon.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon