👄👉👌💦
Loving you is all that I can do.🌺🌺🌺
Kinagabihan ay napagdesisyunan nilang tumambay sa may dalampasigan at magpicnic, gumawa ito ng bonfire upang kahit papaano ay mainit sa paligid, malakas kasi ang hangin na nagmumula sa dagat. Habang siya ay inilabas ang dala-dala nilang alak at mga pagkain na niluto niya kaninang hapon."Alam mo ba na kapag ako lang mag-isang pumupunta dito ganito lagi ang ginagawa ko tsaka lagi akong dito na naaabutan ng umaga," kwento ni Fyro.
"Talaga?" aniya na patuloy inilalapag ang mga pagkain.
"Oo at alam mo dati nung broken hearted ako muntik na rin akong magpakamatay dito," natatawang kwento nito.
Marahas siyang napalingon sa gawi ng lalaki dahil sa nasabi nito. "Talaga? Kailan 'yon?" tanong niya dahil hindi niya akalain na umabot sa ganong sitwasyon ang lalaki.
"Matagal na iyon noong panahon na nagpakasal ang first love ko sa Dad ko, 'di ba hanep?" anito na halatang kahit na nakangiti ay nakabakas pa din ang sakit sa mga mata.
"Nasasaktan ka pa din ba hanggang ngayon?" tanong niya. Hindi niya alam kung tama ba ang tanong dahil pakiramdam niya ay ayaw niyang marinig ang isasagot ng lalaki. Kapag sinabi nitong 'oo' ay parang siya na din pinapatay nito. Ngunit hindi ito sumagot at nanatili lamang nakatitig sa ginagawang apoy, naisip niyang mas mabuti na rin iyon iisipin na lang niyang hindi na ito nasasaktan kahit halata naman sa mukha nitong nasasaktan pa rin. Nang matapos siya sa ginagawa ay umupo siya nang maayos at tinitigan ito habang patuloy pa din sa ginagawa.
"Ikaw? Anong kwento ng buhay mo?" natawa siya sa tanong ng lalaki dahil ginaya pa nito ang isang advertisement sa t.v.
"W-wala."
"Lagi nalang wala, wala kahit meron, meron," natatawa nitong ginaya ang sikat na linya ni Carlo Aqiuno. Kaya nakitawa na din siya, tumabi na ito sa kanya ng matapos ito sa ginagawa. "Dali na magkwento ka na close na tayo 'di ba?" anito habang binubuksan ang alak na dala nila.
Tinitigan niya muna ang mga mata ni Fyro at tsaka tabinging ngumiti. "Pahingi ako," tukoy niya sa alak. Ito ang unang beses na bubuksan niya ang buhay sa ibang tao, kahit si Albert ay hindi niya naikwento ang sariling buhay, hindi din niya alam kung paano nito nalaman ang kwento ng buhay niya dahil ang tanging may alam ng buong pagkatao niya ay si Jordan lang. Agad naman siyang inabutan ng isang baso ng lalaki at agad niya iyong tinungga at inubos.
"Oyy! Dahan-dahan lang."
"Pampalakas loob," natatawa niyang ibinalik ang walang laman na baso. "Borring ang buhay ko baka mainip ka."
"Okay lang atleast may kwento ang buhay mo," biro nito sa kanya.
Bahagya siyang natawa saka bumuntong hininga ng sobrang lalim. "Sisimulan ko na ba?" biro niya pa, ngunit seryosong tumango ang lalaki.
"Isa akong bunga ng rape," hindi niya nililingon ang lalaki dahil ayaw niyang ma-distract sa makikita niyang reaksyon nito. "Ni-rape ang mama ko ng isang foreigner sa hotel na pinagta-trabahuan niya at ang isang beses na iyon ang nagsira sa buhay ng nanay ko dahil nabuntis siya na walang tatayong ama sa magiging anak niya, napuno siya ng tsismis sa lugar nila kaya siya nagpakalayo-layo at dun na kaming dalawa namuhay. Galit siya sa'kin dahil ako ang sinisisi niya kung bakit nasira ang buhay niya at ang mga pangarap niya pero nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanya dahil hindi niya ako pinalaglag at hinayaan niya akong mabuhay, hinayaan niya akong makita ang kagandahan ng mundo. Nakasama ko siya hanggang limang taong gulang ako ngunit iniwan niya rin ako agad at naghanap ng bagong buhay na hindi na ako kasama, ni minsan hindi ko naramdaman na minahal ako ni Mama-" huminto siya dahil biglang pumiyok ang boses niya. Akma siyang hahawakan nito ngunit agad niyang pinigilan ang kamay nito.
"...'y-yong mag-ina sa restaurant naaalala mo pa ba?" tanong niya. Nakita niyang nag-isip muna ito kunti tsaka tumango.
"'Yon si Mama ko kasama niya ang bagong pamilya niya," pilit niyang pinipigilan ang luhang nais nang mag-unahan sa kanyang pisngi. Ayaw niyang bumagsak iyon dahil gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman. "Ang sakit sa pakiramdam na patay ka na para sa sarili mo'ng ina, napakasakit isipin na ang pagkatao ko ang pwedeng sumira ulit sa buhay niya. Iyong gusto mo siyang puntahan ngunit ipinagtatabuyan ka niya na parang may malala kang sakit at ayaw niyang mahawa ang pamilya niya, 'yong tipong pati nanay mo galit sa'yo, tapos wala kang ibang kakampi sa mapanghusgang mundo, napaka-hirap nun, napakasakit," hinawakan niya ang dibdib dahil ramdam na ramdam niya ang sakit na parang may humihiwa sa kaniyang dibdib. Parang hindi siya makahinga sa sobrang sakit. "Alam mo ba ang pakiramdam na buong mundo galit sa'yo-" tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak sa balikat ng lalaki, hindi na niya kaya pa. Ang sakit pala kapag binubuksan mo ang sarili sa ibang tao. Ni minsan ay hinidi niya binuksan ang sarili sa iba, kaya nakakagaan kunti ng loob.F L O R D E L U N A
*Hi, hehe update ako ulit guys abang lang thank you so much mwaahh :*
Love you :)
BINABASA MO ANG
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware]
Ficção Geral➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 ➡️ R18 ⚠️ Rated SPG 🔞 [read at your own risk] Ilang taon matapos ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila, muling nagkita sina Gie at Fyro. Pinangakuan siya nito ng kung anu-ano-malalaking projects, madaming pe...