Patikim pa lang, namasa na siya! Paano nalang kung-- 👉👌💦
Noted:
Guys, again this is Rated PG
(hindi siya patay gutom!)
Last update : July-31-2019
Please be reminded, kasi nahihiya ako kapag may nag-comment na bakit bitin sabi completed...
Thank you mga mahal...💋💋💋
Noong gabing may nangyari sa kanila five years ago ay tinitigan niya muna ang mukha nito bago siya hinila ng antok and he really loved staring at her angelic face na para itong isang batang walang alam sa mundo kapag natutulog at iyon ang mukha ni Gie na hindi niya nakakalimutan hanggang ngayon.
Akma niyang hahaplusin ang mukha ng babae ng bigla itong nagising. Nang maaninag siya ay daig pa nito ang nakakita ng halimaw. “A-anong ginagawa mo dito!”
-----
Naalimpungatan si Gie dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya, nang iminulat niya ang mga mata ay laking gulat niya na ang mukha ni Fyro ang nakita niya kaya agad siyang napabalikwas ng bangon.
“A-anong ginagawa mo dito?!” takang tanong niya.
“Nakita kong bukas ang kwarto mo,” kalmado nitong sagot. “At saka pwede ba? Don’t act like I’m a kind of person na may gagawing masama sayo,” naiirita nitong sambit ng makitang may takot sa mukha niya.
“Bakit hindi ba?” pilit niyang pinapatigas ang boses. Saka hinila ang kumot upang takpan ang sarili, ngayon niya lang naalala na naka bikini padin pala siya. Bigla namang nagbago ang expresyon nito ng itakip niya ang kumot sa buong katawan.
"May hiya kapa pala?"
"Mukha lang wala, pero meron! Atsaka pwede ba lumabas ka na nga ng kwarto ko," gumalaw ito kaya akala niya'y lalabas na.
Ngunit iba sa inaasahan niya ang nangyari. Sumampa ito sa kama at dahan-dahang gumapang papalapit sa kanya. “A-anong gagawin mo?” nahihintakutan niyang tanong na-corner siya ng lalaki at wala na siyang maatrasan pa dahil bedrest na ang nasa kanyang likuran.
"Ano sa tingin mo?" may tabinging ngiti sa labi. “Manyak lang ako pero hindi ako rapist,” anito ngunit hindi pa din lumalayo sa kanya. Imbes ay lalo pa nitong inilapit ang mukha, naamoy niya ang mabangong hininga ni Fyro ang amoy menthol ng ginagamit nitong aftershaved.
“A-ano ang ibig mong sabihin?” natataranta na ang buong pagkatao niya. Nag-iinit narin ang kanyang kalamnan dahil ilang hibla nalang ay lalapat na ang labi nito sa labi niya. Pinigilan niya ang kanyang hininga dahil pakiramdam niya’y kapag hihinga siya ay sasayad na ng tuluyan ang labi nito sa kanya. Akma niya itong itutulak ngunit bago paman lumapat ang kamay niya sa dibdib nito ay nasakop na ni Fyro ang labi niya. Agad siyang nagpumiglas ngunit malakas si Fyro, pilit niyang iniiwas ang mukha sa mukha nito, ngunit nat8gila siyabng hinila nito ng malakas ang buhok niya patalikod kaya hindi siya makagalaw at hindi na niya magawang magpumiglas sa halik nito. Siniil nito ng halik ang kanyang labi niya. Masakit ang paraan nito ng paghalik, nangangagat, nanunugat na para bang pinaparusahan siya ng lalaki sa pamamagitan ng halik.
“Kiss me back baby,” utos nito.
Pilit nitong binubuksan ang labi niya sa pamamagitan ng dila nitong naghahanap ng lagusan upang tuluyang matagpuan ang naghihintay niyang dila. When she dicided to open her mouth to take his kiss ay hindi na gaya ng una nitong halik ang pinapalasap ng lalaki, bigla itong naging maingat at naging dahan-dahan ang bawat galaw. Sinusundan niya ang bawat halik nito ang bawat paggalaw ng dila nito at ang bawat pagkagat nito sa labi niya'y ginagaya niya. She kissed a lot of men lalo na sa klase ng trabaho niya, ngunit iba ang kiliting hatid ng halik ni Fyro. Binubuhay nito ang dugo niya mula ulo hanggang paa pakiramdam niya’y isa siyang teenager na nawawala sa sarili kapag nakakulong na sa halik nito. Nang pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa sensayong nararamdaman ay bigla naman itong tumigil. Umungol siya ng pagtutol ng iwanan nito ang labi niya, habang may ngiting tagumpay naman itong tumayo sa kama.
“Patikim lang 'yon Gie,” anito habang nakatitig sa kanya na para bang punong-puno ng insulto. "Hayaan mo next time, gagawin kong full course ang laro," huling sambit nito saka walang lingon likod na naglakad palabas ng silid niya.
Matagal ng wala sa paningin ni Gie si Fyro ngunit hanggang ngayon ay nakatulala padin siya. Naisahan siya ng lalaki, gumaganti ba ito sa kanya dahil sa ginawa niya noong nasa opisina siya nito? Bigla siyang nanggigil sa sarili. Kung pwede langbniyang paluhurin ng asin ang sarili ay ginawa na niya.
“Ang tanga-tanga mo talaga pagdating sa kanya Gie,” sabunot niya sa sarili. Kahit kailan talaga lagi siyang nawawala sa sarili kapag ang lalaki ang nakakaharap.
“F*ck shit ka,” tukoy niya sa sariling kagagahan. Muntik na siyang bumigay tapos patikim palang pala 'yon? Kumusta nalang kaya ang Final round kung iyon palang patikim ay mababaliw na siya. Inis na tumayo at diretsong naglakad papasok ng banyo si Gie, kailangan niyang mahimasmasan dahil daig pa sa tama ng alak ang tama ni Fyro sa kanya.
xxFLORDELUNAxx
BINABASA MO ANG
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware]
Fiksi Umum➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 ➡️ R18 ⚠️ Rated SPG 🔞 [read at your own risk] Ilang taon matapos ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila, muling nagkita sina Gie at Fyro. Pinangakuan siya nito ng kung anu-ano-malalaking projects, madaming pe...